“Andito na tayo.” Inilahad ni Silas ang kamay niya para tulungan si Ava bumaba ng sasakyan. Ngumiti si Ava, may halong kaba, habang marahang hinawakan ang kamay ni Silas. Natural ang pagkakaalalay nito sa kanya, isang magaan na haplos sa likod niya ang ibinigay nito habang sabay silang pumapasok sa loob ng restaurant. Malamig at elegante ang ambiance ng lugar. Ttahimik, may privacy, at may dim na ilaw na nakadagdag sa cozy na atmosphere. Inalalayan sila ng staff papunta sa isang pribadong sulok. Nang makaupo si Ava, saka lang naupo si Silas sa tabi niya. “Narito na po ang inyong menu,” bati ng server habang nag-aabot ng sparkling water. May konting kaba si Ava nang kunin ang menu. First time niyang kumain sa isang ganitong klaseng lugar. Ngayon, saganitong lugar, hindi na siya

