“So… ano ’to?” tanong ni Theo habang nakaupo siya sa sofa kasama ang mga kapatid niya sa living room. Si Alexis ay nasa kabilang dulo, at ang Mama nila ay mukhang kabado habang nakatayo sa tabi niya. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang dumating ang lola nila at biglang nagpatawag na sumama sila kay Silas sa sala. Medyo kinakabahan silang lahat dahil ito ang unang pagkakataon na pinatawag sila ni Silas simula nang dumating sila. Saglit silang iniwan ni Silas, tapos bumalik ito kasama si Thomas na may dalang mga kahon na magkakapareho. Binigyan ni Thomas ng tig-iisang kahon ang mga lalaki habang sina Alexis at Ava naman ay inabutan ni Silas ng kanya-kanyang kahon. “Ano ’to?” tanong ni Sean. “Sabi ng lola n’yo, huwag na raw akong magpatumpik-tumpik pa,” sagot ni Silas. “Kaya ayan, ear

