“Deck the halls with boughs of holly!” sigaw ni Theo habang inaayos nila ang garland sa hagdan. Iminungkahi ni Duncan na palamutihan mismo ang railings, pero hindi ito sinunod ng magkakapatid. Para sa kaligtasan ni Alexis, mas mainam na huwag takpan ang hagdan at panatilihing malinis ito. Bukod sa mga garland, may mga centerpiece din na gawa sa spruce branches, ribbons, pine cones, holly, at mistletoe. Ang iba sa mga ito ay isinama sa mga dati nang dekorasyon, habang ang iba ay pansamantalang ipinalit para sa season. Ikinuwento pa ni Duncan kung paano ito dati ginagamit ng lola nila, pero ipinauubaya niya kina Ava at sa mga bata kung kailan at paano nila gustong gamitin ang mga iyon. Maliban sa mga dekorasyong galing kay Duncan, may mga DIY crafts din ang mga bata mula sa school tu

