CHAPTER FOURTEEN
MAYA'T MAYA ay napapahagikhik si Sherin sa mga hirit ng komedyanteng si Vice Ganda sa palabas nito kada Linggo ng gabi. Hindi talaga siya mahilig manood ng TV dati pero ngayong nagbago na ang mga pinagkakaabalahan niya ay natutunan na niya ang panonood ng mga paboritong programa ng mga kapitbahay niya bilang pang-aliw sa sarili.
Saktong nagcommercial nang makarinig siya ng katok sa pintuan niya.
Takang tiningnan niya ang direksyon ng pinto. Sino naman kaya ang pupunta sa kanya nang ganoong oras ng gabi?
“Sandali lang,” aniyang sa pag-aakalang si Aling Fina lang iyon.
Tumayo siya at sinusian ang kandado ng pinto bago iyon buksan.
“Bakit po, Aling Fina?” tanong niya pero hindi naman landlady niya ang nakatayo sa labas ng pintuan kundi si TJ.
Nahigit niya ang paghinga.
“TJ,” anas niya sa pangalan nito.“Ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng oras na, ah?”
“I want to sleep with you. Tonight,” walang kagatol-gatol na sagot naman nito.
Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto.
“Pasok ka.”
Matapos maikandadong muli ang pinto ay hinarap niya ang binata.
“Papatayin ko lang ang TV,” kaswal na sabi niya at dinampot ang remote.
“PAGPASENSIYAHAN mo na ang bahay ko. Ito lang kasi ang na-afford ko pero hindi naman siya masikip,” sabi pa niya nang buksan ang pintuan ng silid niya.“Pati na rin 'tong kwarto ko. Ibang-iba ito sa silid ko dati pero komportable na rin ako matapos kong masanay.”
Nang tumuloy si TJ ay isinara na niya iyon.
“I don't mind,” sabi naman nito.
Isang maluwang na T-shirt at maikling shorts lang ang suot niya nang mga sandaling iyon. Nang tanggalin niya ang pang-itaas at malaglag iyon sa sahig ay nahantad agad ang dibdib niya.
“What are you doing?” tanong naman ng binata.
“Bakit hindi mo pa tinatanggal ang damit mo? You want to sleep with me, right?”
“I said I want to sleep with you, not to have sex.”
Napamaang siya. Dinampot nito ang nahulog niyang t-shirt at iniabot sa kanya.
“Isuot mo ulit, Sherin.”
“Fine.”
Tumalikod pa siya sa binata at isinuot muli ang damit niya. Hindi niya masiguro kung pinag-isipan ba ni TJ ang pagpunta sa kanya dahil nakasuot lang ito ng asul na polo shirt at shorts. Sumampa na siya sa kama habang tinatanggal naman nito ang sapatos nito.
“Pa'no ka nakakatulog sa ganito katigas na higaan?” tanong pa nito.
“Sa umpisa sumakit talaga ang katawan ko pero nasanay na rin naman ako.”
Humiga na siya patalikod kay TJ at nagtalukbong ng kumot.
“Huwag kang tumalikod sa 'kin.”
Pumihit naman siya at agad na umunan sa braso ng binata. Niyakap naman siya nito sa beywang at kinabig palapit sa katawan nito.
She nuzzled at his scent at lalong sumiksik dito.
“Ano ang pumasok sa isip mo at pinuntahan mo 'ko?” tanong niya ilang sandali pa.
“I missed Katrina.”
Natigilan siya sa loob niya at pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya dahil sa sinabi nito. So TJ and Katrina used to sleep together, too.
“Oh, okay. Hindi pa rin ba siya bumabalik?”
“Baka sa susunod na Linggo pa.”
“Are you sure you don't want to have s*x tonight?”
“Yes. And don't dare make any move. I haven't brought any condoms with me.”
“Goodnight kung ganun.”
“Goodnight.”
Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya kaya naman napapikit siya.
NAGISING SIYA nang mas maaga nang tatlumpong minuto sa body clock niya. Nakayakap pa rin sila ni TJ sa isa't isa at tulog pa rin ito. Napangiti siya at maingat na dinampian nang mabilis na halik ang mga labi nito. Marahan din niyang inalis ang braso nito sa kanya para hindi ito magising saka bumangon.
Nasa munti niya siyang kusina at nagtitimpla ng kape nang bigla na lang siyang niyakap ng binata mula sa likuran at halikan sa buhok.
“Good morning.”
“G-good morning.”
“Hindi ka nagpalit ng shampoo.”
“At hindi pa 'ko nagsusuklay,” awkward namang sabi niya.
“No need.”
Kumawala siya sa binata at dinampot ang tasa.
“Gusto mo rin ba ng kape?”
“Hindi na. Aalis na rin naman ako, eh. Magkita na lang tayo sa opisina.”
“Ikaw ang bahala.”
Nang pumasok siya sa silid niya para kumuha ng tuwalya ay nagulat siya nang makita niya ang sapatos ni TJ sa sahig. Wala sa loob na nilingon niya ang direksiyon sa labas. Kanina pa nakaalis ang binata. Ibig sabihin ba niyon ay umalis ito nang nakapaa lang?
“Hindi ba siya mahihirapang magdrive?”
KALALAPAG lang niya ng ilang mga papeles sa mesa ng binata nang bumukas ang pinto at pumasok ito.
“Good morning again, Sir. Na-ready ko na ang mga pinahanda niyo,” pormal na sabi niya.
“What's my schedule for today?” tanong naman nito nang lumapit sa mesa.
“You have a meeting with Nico Sembrano of the Sembrano Industries at nine.”
“Thank you.”
“And by the way, dinala ko ang sapatos mong naiwan. I hope you didn't have a hard time with the brakes.”
He showed a hint of grin on his face.
“May reserba ako sa kotse but thanks, anyway. You can get back to work now.”
“Alright,” napatangong aniya.
Thirty minutes before nine o' clock ay nakaalis na si TJ. Mga mag-a-alas onse naman nang makabalik ito. Narinig niya ang malakas na buntong-hininga nito at nakita pa niyang napahilamos ito sa mukha nito.
“Okay ka lang?” hindi niya napigilang tanong.
“Of course.” Tapos ay tumayo ito. “Halika na, maglunch na tayo.”
“Sige.”
“ANG DAYA mo naman, eh! Sabi mo today would be your day for me.”
Saglit na natigilan si Sherin nang bumalik siya sa opisina matapos niyang maipa-photocopy ang ilang mga papeles na iniutos ni TJ sa kanya. Nadatnan na kasi niya roon ang babaeng nagmamay-ari na ng puso ng binata. Kailan lang ba ito dumating? Nakakandong pa ito sa boss niya, causing him to be distracted. Kahit nga siya mismo ay nadi-distract sa mga ito.
Nang magtama ang mga mata nila ng binata ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad pabalik sa mesa niya.
“I'm so sorry, Kat. Alam kong nangako ako sa'yo pero may hindi inaasahang meeting ako mamaya with the clients at hindi ko pwedeng ipagpaliban iyon. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?”
“But Dad is asking me kung kailan mo 'ko bibilhan ng singsing para sa engagement natin.”
Engagement raw. Bakit kailangang magdala iyon ng masakit na epekto kay Sherin kapag naririnig ang salitang iyon?
“Malayo pa naman ang engagement natin. For sure makakapaghintay pa sila.”
“Sinabi ko pa ngang magkakaroon tayo ng beach wedding at natuwa naman sila.”
Lucky b***h, hindi napigilang saloob niya.
“Can't we just reschedule it?”
“Baka naman pwede akong samahan ng sekretarya mo imbes na ikaw?”
Awtomatikong napatingin siya sa direksiyon niya.
“Hi, what's your name nga?” matamis ang ngiting tanong sa kanya ni Katrina.“I believe hindi tayo naipakilala noong unang punta ko dito.”
“Sherin,” tipid namang sagot niya.
“Oh, Sherin. My name's Katrina. Kung hindi ka busy pwede mo ba 'kong samahang lumabas? Hindi kasi pwede ang boss mo, eh.”
Nalipat naman ang tingin niya kay TJ.
“Kat, 'wag na si Sherin. Tawagan mo na lang ang mga kaibigan mo tiyak hindi sila busy,” anang binata.
“Kasi--”
“Sorry. Alam kong kasing busy mo rin ang boss mo,” putol nito at lumayo kay TJ.“I understand. Ginagawa mo naman 'to para sa future nating dalawa, eh. Aalis na lang ako pero magdinner tayo mamaya, ha, TJ?”
“Sure,” tugon na lamang ng binata.
“I love you.”
“I love you, too, Kat.”
Iniwas niya ang tingin at nagpakaabala na lang sa computer niya. She was smiling bitterly inside. She and TJ used to be like that.
“SHERIN, can you do me a favor?” tanong ni TJ habang abala siya sa paglalagay ng mga folders sa cabinet na nasa isang sulok ng opisina.
“Sure, Sir,” sagot naman niya at bahagya lang itong sinulyapan. “Ano ba 'yon?”
“I need you to work overtime bukas ng gabi. Marami akong kailangang data na isasama sa report na ipi-present kina Uncle at sa board sa isang araw. I need you to help me.”
“Sure. No problem.”
“Magdala ka ng extrang damit. Mag-o-overnight ka sa condo ko bukas ng gabi.”
“Okay,” tipid niyang tugon at saka bumalik sa mesa niya para kunin ang bag. “Mauuna na po 'ko, Sir. Kita na lang tayo bukas.”
“Sige,” napatango namang tugon ni TJ.
“Umuwi ka na rin. Mahirap nang gabihin ka sa daan,” pahabol pa niya nang nasa pintuan na siya.
Ngiti lang ang tugon ng binata pero malaki na ang epekto niyon sa puso niya.
AGAD NA ini-on ni TJ ang ilaw nang buksan nito ang pintuan ng condo.
“Come,” sabi nito sa kanya.
Sumunod naman siya rito at kaagad na hinubad ang suot niyang sapatos at itinabi malapit sa pintuan kagaya lang ng ginawa niya noong pangalawang punta niya sa condo ng binata.
“Ihahanda ko lang ang dinner,” tukoy nito sa paper bag na hawak at tumuloy sa kusina.
Pagkagaling nila ng opisina ay dumaan muna sila sa ThomJen's para um-order ng pagkain dahil magiging abala sila para magluto pa ng hapunan.
Pumasok naman siya sa silid nito at ipinatong ang dalang body bag sa kama at kumuha ng T-shirt na pamalit saka isang maikling shorts. Matapos maipusod ang buhok ay sumunod na rin siya kay TJ sa kusina. Tamang-tama dahil tapos na ito sa paghahanda.
Pinasadahan muna siya nito ng tingin bago ito nagsalita.
“Magbibihis lang ako and then kakain na tayo.”
“Okay.”
Pagbalik ni TJ ay nakasuot na lang ito ng plain black shirt and white shorts.
“Ang dami pala nitong in-order mo,” wala sa loob na komento niya.
“I just want to make sure you're going to eat a lot.”
“There's no way I'm eating less kapag nandiyan ka,” she said matter-of-factly.
“Let's eat. Here,” sabay umang nito sa kanya ng kutsarang may karne at kanin.
“TJ,” amused niyang sabi.
“Eat, Sherin.”
“Hindi mo na kailangang gawin pa 'to. Obviously, kaya kong kumain sa sarili ko.”
“Just eat. Maraming nagugutom sa mundong 'to.”
Wala na rin siyang nagawa kundi ang ibuka ang bibig at tanggapin ang isinusubo nito.
“Here. Para fair,” sabi niya at siya naman ang akmang susubo rito.
Hindi kagaya niya, hindi naman nagdalawang-isip ang binata na kainin ang inialok niya.
Great. Para lang silang gaya ng dati.
“I wonder, sinusubuan mo rin ba si Katrina kapag kumakain kayo?” aniyang hindi tumitingin dito dahil abala siya sa paghimay ng steak.
“No. Hindi naman kailangan. Katrina's a good girl, you see.”
“At ako?”
“You always make me mad.”
Napamaang naman siya at napatitig sa binata.
“That's not true.”
“You always question me everytime I feed you.”
“Hey--”
“Don't tell me na gumagawa lang ako ng kwento.”
Pagkatapos nilang maghapunan ay nagboluntaryo siyang maghugas ng pinggan dahil inihanda naman ni TJ ang mga kakailanganin nila sa pagtapos ng presentation nito. Patapos na siyang magbanlaw ng pinggan nang bigla na lang siya nitong yakapin mula sa likuran at inamoy ang buhok niya.
“Teka, malapit na 'kong matapos,” aniya habang hawak sa isang kamay ang baso.
“Ipagpatuloy mo lang. Wala naman akong ibang ginagawa dito, eh.”
“Dini-distract mo naman ako, eh.”
“Nagpapa-distract ka naman.”
Kunwari ay umirap siya at ipinagpatuloy ang pagtapos sa ginagawa. Kung ano'ng kilos niya ay siya namang pagsunod ni TJ.
“Tapos na. Tara, magtrabaho na tayo,” sabi niya at humakbang palabas ng kusina papunta sa living room habang yakap-yakap pa rin siya ng binata.
NANG mai-spot-an ni Sherin ang oras sa desktop ay ala una na nang madaling araw.
“TJ, kailangan na nating magpahinga,” sabi niya sa binata na abala naman sa pagtsi-check ng mga nailagay na nila sa Powerpoint.
“Oh, yes,” sabi naman nito at napahilamos sa mukha at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Okay ka lang?”
“Yeah. How about you?”
“Okay lang ako. You go ahead. Ako na lang ang magliligpit ng mga 'to,” aniya at sinimulang ipunin ang tambak na mga papel sa maliit na mesa.
Hindi tumugon si TJ at sa halip ay dinampot nito ang dalawang tasang wala nang laman at dinala sa kusina.
“Halika na, Sherin, matulog na tayo,” sabi nito nang bumalik.
“Sige.” Isinara na niya ang laptop at binitbit kasama ang ilang folders.
“Akin nang mga 'yan.”
Kinuha ni TJ ang mga iyon sa kanya at ipinatong sa bedside table.
“That was impressive of you,” sabi pa niya nang makasampa na silang dalawa sa kama.
“Impressive what?”
“In almost three months nakuha mo na ang twenty-five percent ng investment mo. In less than a year for sure mababawi mo na lahat. At sigurado rin ako na hindi na dismayado sina Dad at Lola na ikaw ang nakabili sa kompanya.”
“Wala namang imposible kapag marami kang pera at malalakas ang koneksiyon mo.”
“Mga bagay na wala kami,” malungkot niyang sabi.
Kinabig siya ni TJ at isinusubsob sa dibdib nito.
“Tama na, 'wag na nating pag-usapan 'yan,” sa halip ay sabi nito.
At bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin nito pinapalitan ang pangalan ng kompanya?
“Good night, TJ.”
“Good night, my lady.”
“TJ, NAGSISIMULA na silang magdatingan,” sabi niya nang bumalik siya sa opisina ng binata pagkagaling sa conference room.
“Oh, okay. Paki-ready na lang ng mga kakailanganin natin,” tugon naman ng binata at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Simula kaninang umaga ay tila ba hindi na ito mapakali.
“Okay ka lang ba?”
“I'm actually nervous since this morning.”
“Pansin ko nga.”
Nilapitan niya ito mula sa pagkakaupo nito sa silya habang nilalaro-laro nito sa kamay ang isang ballpen.
“Come on. Bakit ka naman nine-nerbiyos?”
“Because...” Binitiwan nito ang ballpen at napahilamos sa mukha.
“What?”
“My uncle is expecting much from me. Ako 'tong naglakas ng loob na humingi ng malaking halaga ng pera mula sa kompanya for this whole thing. I thought Uncle will decline me because he thinks alam niyang hindi ako sigurado sa ginawa kong 'to pero sumugal din siya gaya ko. Ayoko siyang mapahiya sa board. I have to do this right.”
“Of course, you can do this right!” nakangiti namang sabi ng dalaga at hinila ang binata patayo. Kinuha niya ang mga kamay nito at ikinawit sa beywang niya. “Ang laki ng ibinuhos mong effort so there's no way na madi-disappoint mo sila lalo na si Mr. Trias. Kaya magrelax ka at huminga kasi magiging okay ang lahat.”
“You think so?” parang batang tanong naman nito.
“Malaki ang kumpiyansa ko sa'yo. Ikaw pa. Kaya nga kita mahal, 'di ba?”
Natigilan siya sa huling sinabi at lihim na napagalitan ang sarili.
“I-ibig kong sabihin halika na.” Mabilis siyang kumawala dito at kinuha ang laptop na nakapatong sa mesa.