CHAPTER FIVE
“I DON'T see any reason kung bakit hindi mo 'ko pwedeng maging boyfriend.”
“Because I don't see any reason why you have to ask me to be your girlfriend!”
Nasa loob sila ng sasakyan ng binata papunta sa condo nito nang tanungin siya nito kung pwede ba siya nitong maging official na girlfriend. Sinabi niyang hindi kahit na nagsusumigaw ng malakas na 'oo' ang puso niya. Sa tingin kasi niya, magkakaroon lang ng komplikasyon kung ganoon ang kanilang magiging relasyon.
“I don't understand you,” hindi maipinta ang mukhang anas ni TJ.
Napabuntong-hininga siya.
“TJ, okay naman tayo sa ganito, 'di ba? We get along kahit na hindi tayo official na committed sa isa't-isa.”
“So you think it's just about the great s*x?”
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.
“What did you just say?” tanong niyang pinaningkitan ito ng mga mata.
“No strings attached! Is that what you mean? Jeez, Sherin, you don't believe I'm serious about us, do you?”
Ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan.
“Of course not, TJ. Alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba? Ayokong gawing lalong komplikado ang mga bagay. Bukas, dadalo ako sa birthday party ni Aurelio. Baka gusto niyang pag-usapan ang...ang tungkol sa kasal namin.”
Wala siyang narinig mula sa binata. Sa katunayan ay hindi na ito nagsalita hanggang sa marating nila ang condo nito.
NAKATALIKOD sa kanya si TJ sa kama kaya hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Kanina pa siya nito hindi kinikibo at sa totoo lang ay nagsisimula na siyang mapikon. Kahit kanina nang angkinin siya nito ay tila wala itong pakialam sa kanya.
“TJ, kausapin mo naman ako,” mahina niyang sabi.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata at ilang sandali pa ay hinarap siya nito at niyakap siya.
“Pagpasensiyahan mo na 'ko, Sherin. Nag-iisip lang ako.”
“Akala ko galit ka na sa 'kin, eh.”
“Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Bumangon na tayo, alam ko nagugutom ka na.”
Pero imbes na bumangon ay lalo siyang sumiksik sa hubad na dibdib nito.
“Hmm. Five minutes pa, pwede?”
He chuckled.“Bahala ka na nga.”
Kung siya lang ang masusunod, she would want to meet TJ in another situation kung saan hindi komplikado ang mga bagay para sa kanya at kung saan hindi magkakaroon ng mga sagabal sa kaligayahan niya ang mga desisyon na gagawin niya. Dahil alam niya sa sarili niya, na kahit sa maikling panahon na nagkakilala sila ni TJ ay natutunan na rin niya itong mahalin. Why won't she fall for him? TJ is everything she wished for in a man to come to her life.
“TJ, hindi kaya tumaba ako sa ginagawa mong 'to?” sabi niya nang makatatlong subo na ng chicken and tuna salad sa kanya ang binata.
“Well, mas mabuti na 'to kaysa naman mangayayat ka. Isipin pa ng mga tao sa paligid mo na pinapabayaan kita. Now, open your mouth, my lady.”
Wala naman siyang nagawa kundi kainin ang isinubo nito sa kanya katulad ng isang masunuring bata. May naisip naman siyang ideya. Kinuha niya ang kanyang kutsara at kumuha ng salad.
“Open your mouth, too, baby. Mom's gonna feed you,” natatawa niyang sabi at inilapit dito ang kutsara.
Hindi katulad niya, kaagad iyong kinain ni TJ.
“Good boy!”
“Now, where's my kiss?” He leaned across the table habang nakanguso.
Napahagikhik na hinawakan niya ang mukha nito at binigyan ito ng mabilis na halik.
“I love you, baby.”
Pareho silang natigilan sa mismong sinabi niya.
“You mean that, don't you?” pagkuwa'y tanong ni TJ na hindi maitago ang ngisi.
Nag-iinit ang mga pisnging nagbaba siya ng tingin.
“W-what if sabihin kung 'oo'?”
“What if sabihin mong 'oo'?” Hinawakan nito ang baba niya para hulihin ang mga mata niya.”What if I'd say I love you, too?“
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin dito.“TJ--”
“And I mean it, Sherin. I really love you.”
Napahikbi siya at sumubsob sa palad niya.“But this is not just the right time.”
“Alam ko. And I have no intentions of pressuring you. Masaya na akong malaman na pareho tayo ng nararamdaman.”
Lumipat ito sa harap niya at niyakap siya.
“HINATID ka na naman ba ng TJ na 'yon?”
Napahinto sa pag-akyat ng hagdan si Sherin nang magsalita ang Lola niya na hindi niya napansin na nasa sala pala.
“Lola.” Lumapit siya dito at humalik.“Hindi ko po kayo napansin. Kamusta po?”
“Okay naman ako. Ikaw, kamusta ang araw mo?”
“Okay naman din po,” sagot niyang tipid na ngumiti.
“Mukhang napansin kong napapadalas ang paghatid sa iyo ng lalaking 'yon, ah?” tanong pa ni Celeste pero hindi naman naninita ang tono nito.
“N-nagmamagandang loob lang po si TJ.”
“Ipapaalala ko lang sa 'yo 'yong pagdalo natin sa party ni Aurelio bukas.”
“Hindi ko naman po nakakalimutan 'yon, eh.”
“Naghapunan ka na ba?”
“Tapos na po. Aakyat na po ako sa kwarto ko para magpahinga.”
“Sige, hija. Good night.”
BAKIT ganoon? Buong araw na hindi nagpaparamdam sa kanya si TJ kahit sa text o tawag man lang. Bigla kasi ay nami-miss na niya ito. Hindi kaya may tampo pa rin ito sa kanya kahit na nag-usap na sila?
Kahit nang makauwi siya sa kanila ay nagtatalo ang isip niya kung tatawagan ba niya ito para kamustahin pero sa huli ay kinalimutan na lang niya iyon. Baka naman kasi ay may emergency na nangyari sa opisina nito o di naman kaya ay may mahalagang meeting.
“Lalo kang gumanda ngayong gabi dahil sa ayos mo.”
Nag-aayos siya sa harap ng salamin niya nang pumasok sa silid niya si Celeste na bihis na. Sinikap niyang ngitian ito sa salamin.
“Alam niyo na po kung saan ako nagmana.”
Matapos niyang maisuot ang kanyang pares ng hikaw ay inayos-ayos niya ang suot niyang black dress na simple lang pero elegante sa kanyang tingnan. Siya mismo ang pumili ng kulay niyon dahil salamin iyon ng nararamdaman niya.
“Kung handa ka na, tara na.”
“Sige po.”
Nagsisimula na ang party nang dumating sila sa mansiyon ng mga Gaston na siyang nagsilbing venue.
Si Celeste ang nakikipag-usap sa mga kakilala nila na kaagad na lumapit pagpasok pa lang nila sa magarang sala. Siya naman ay piniling manahimik at pasimpleng iginala ang tingin sa mga bisitang nandoon.
Agad siyang natigilan nang mahagip ng tingin niya ang lalaking laman ng isip niya buong araw. Nahigit din niya ang paghinga nang mapagtantong nakatingin na pala si TJ sa kanya kanina pa habang kausap nito si Jervey at umiinom ang mga ito sa bar. Bakit hindi man lang ito nagsabi na dadalo ito sa birthday ni Aurelio? Lalo tuloy nadagdagan ang discomfort niya.
Ilang sandali rin silang nagtitigan ng binata nang basta na lang siyang kalabitin ni Celeste.
“Sherin, ang sabi ko tinatawag na tayo ni Aurelio.”
“H-ha? Ah, s-sige po.”
Atubili siyang sumunod sa lola niya nang dalhin siya nito sa isang mesa kung saan naghihintay sa kaniya si Aurelio at malagkit ang tingin nito sa kanya. Kinilabutan siya sa loob niya kaya agad siyang nagbaba ng tingin.
“Aurelio, this is her, Sherin,” magiliw na sabi ni Celeste pagkaupo nila.
Pumwesto siya sa kanan ng lola niya para hindi siya mapalapit sa may edad nang negosyante.
“Oh, yes, your only grand daughter, Doña Celeste. I am sure na proud na proud sa kanya ang mga magulang niya lalo na si Sebastian. That good friend of mine. Sigurado akong mabigat pa sa loob niyo ang pagkawala niya lalo pa at isang buwan pa lang ang nakakaraan.”
“Y-yes, tama ka do'n. But well, we're moving on. Right, hija?”
Tinapik siya nang marahan.ni Celeste sa balikat kaya naman napapisik siya.
“Ah, y-yes, Lola.”
“The last time I saw you college graduation mo pa no'n. I can't believe na lalo kang gumanda, Sherin. Now, I can't wait na asikasuhin ang wedding preparations pagkatapos kong opisyal na mabili ang kompanya.”
Lalo siyang kinilabutan at nang tumingin siya dito ay agad siyang nagsisi na ginawa niya iyon dahil sa nakita niyang makahulugang tingin nito sa kanya.
“Magsalita ka naman, hija. Ano'ng masasabi mo?” siko naman ni Celeste sa kanya.
“Ah, k-kwan...kayo na lang po ang bahala, Lola. Ipapaubaya ko na lang po sa inyo ang tungkol doon.”
“Bueno, Aurelio, ano kaya kung church wedding na lang ang mangyayari?” sabi naman ni Celeste kay Aurelio.
“Hmm, I would love that, too, Doña Celeste. I know someone who make glamorous wedding gowns na babagay kay Sherin.”
“Hindi na siguro kailangan. Balak kong ipamana sa apo ko ang wedding gown na ginamit namin ni Carina sa araw ng mga kasal namin. Mahaba ang belo niyon at tiyak na babagay iyon sa kanya.”
Ayaw sana niyang maging killjoy sa nahahalata niyang excitement sa boses ng lola niya pero imposible nang masuotan niya ng belo ang wedding gown na tinutukoy nito dahil para na lang sa mga birhen na bride ang ganoon.
Hinanap uli niya ng tingin si TJ at nakita niyang nandoon pa rin sa bar ang binata but this time ay hindi na si Jervey ang kausap nito kung hindi isang magandang babaeng anak ng isa sa mga kasosyo ni Aurelio. Nakaramdam siya ng pagkurot sa puso niya. Iyon na ba ang sinsabi nila kapag nagseselos ka na? Pero hindi ba't wala naman siyang karapatang magselos dahil hindi naman siya nito girlfriend?
Agad siyang nagbawi ng tingin at nag-excuse sa mga kasama niya sa mesa na magsi- CR na muna. Nagtanong na lang siya sa isa sa mga katulong at itinuro siya nito malapit sa kusina.
Nang makapasok siya sa banyo ay siya lang ang nandoon. Hindi agad siya pumasok sa isa sa mga cubicle at humarap sa malapad na salamin. Wala sa loob na inayos-ayos niya ang damit kahit wala naman iyong gusot. Tiningnan uli niya ang sarili at pagkuwa'y malungkot na bumuntong-hininga.
Parang ayaw na yata niyang bumalik sa party sa labas. Mas gusto niyang manatili na lang doon dahil tahimik at walang pipilit sa kanya sa isang bagay na ayaw niyang gawin.
Napapisik siya nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at walang pasabing pumasok si TJ at ni-lock iyon.
Nanlaki ang mga mata niya.
“TJ! Ano'ng ginaga--”
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang siya nitong hinapit sa beywang at siniil ng maalab na halik. Sa umpisa ay sinubukan niya itong itulak pero masyado itong malakas at sa huli ay natagpuan na lang niya ang sariling nakayakap dito habang tinutugon ang mga halik nito.
Kapwa sila naghahabol ng hininga nang maghiwalay.
“A-ano'ng ginagawa mo dito? Pa'no kung may biglang pumasok?” alalang tanong pa niya habang nakakapit siya sa batok nito at nakayakap naman ang binata sa beywang niya.
“'Wag mo silang pansinin. Masyado silang abala sa kasiyahan sa labas. Na-miss kita alam mo ba 'yon?”
“Na-miss? Kaya ka pala may kausap na magandang babae do'n,” napasimangot na pakli ni Sherin.
Hindi naman naitago ni TJ ang ngisi nito.
“Nagselos ka dahil do'n eh wala lang naman 'yon. Hindi ba dapat na ako ang magselos dahil kausap mo ang mapapangasawa mo?”
Hindi na naman niya naiwasang makaramdam ng pandidiri.
“Sila lang naman ni Lola ang nag-uusap, eh. Bakit hindi ka man lang nagsabi na imbitado ka rin pala?”
“Gusto ko kasing sorpresahin ka, eh.”
“Well, nasurpresa nga ako.”
“Good. At alam mo ba? Gusto kitang angkinin ngayon mismo, dito mismo.”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“T-tumigil ka nga diyan. Sa labas ng bahay na lang tayo mag-usap.”
“That dirty old man desires you but I bet not as much as I do. Alam kong hindi ka kailan man magiging masaya sa kanya dahil hindi ka niya mamahalin. Sumama ka na lang sa 'kin, Sherin.”
“TJ, ano ba 'yang pinagsasasabi mo?”
“Mahal mo naman ako, 'di ba?”
“Oo nga pero 'wag na lang nating pag-usapan 'yan, pwede ba? Sige na, 'wag tayo dito mag-usap.”
“Sige, do'n tayo sa kotse ko. Mauna kang lumabas.”
NAGPAALAM siya kay Celeste na magpapahangin lang sa labas. Naghihintay naman sa labas ng gate si TJ at nang makalapit siya dito ay agad nitong kinuha ang kamay niya at hinila siya papunta sa isa sa mga kotseng naka-park doon.
Binuksan nito ang pinto ng kotse pero hindi agad siya pumasok dahil may nahagip na dalawang anino ang mga mata niya mula sa katabing sasakyan.
“TJ, m-may tao.”
”Si Jervey lang 'yan at 'yong babaeng nakilala niya sa loob kanina.”
Hindi niya maiwasang mamula dahil sa sinabi ni TJ at dahil sa balak nilang gawin. Gayunpaman ay pumasok rin siya sa kotse dahil baka may iba pang makakita sa kanila. Pumasok din agad si TJ at pagkasara nito ng pinto ay kaagad siya nitong hinalikan.
”Teka lang, akala ko ba may pag-uusapan pa tayo?” sabi niya nang pigilan ito sa dibdib.
“Nag-uusap na nga tayo,” sagot naman ng binata na nakaangat ang isang kilay.
Inikot niya ang mga mata.“'Yong sasabihin mo nga, ano ba 'yon?”
“Sumama ka sa 'kin sa susunod na weekend. May pupuntahan tayo.”
“T-tayong dalawa lang?”
“Oo. Ayaw mo ba?”
“Saan naman?”
“Basta. Ang gusto ko lang malaman kung sasama ka. Sasama ka naman, 'di ba?”
Nakagat ni Sherin ang ibabang labi at napaisip.
“Sherin,” untag ni TJ at hinawakan ang baba niya.
“Sige, sasama ako sa 'yo.”
“Thank you,” napangiting sabi ng binata at inangking muli ang mga labi niya.