“Hoy! Ano ang nababalitaan ko na nakikipaglampungan ka kay Zakarias? Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Hindi mo pa ba alam na ako ang mapapangasawa niya?!” sigaw at pagharang ko sa babaeng kalalabas lang ng gate ng university. Matangkad siya pero hindi ko masasabing maganda ang katawan. Hindi rin siya maganda lalo pa at halatang gumagamit siya ng kung ano sa kanyang maputing mukha na hindi nadamay ang maitim na leeg. Galit na galit talaga ako ng mabalitaan sa isa sa mga kaklase ko na may ibang babae raw na kasama si Zakarias at minwersa pa sa akin kung paano nakakapit na tila linta ang babae sa braso ng mahal kong mapapangasawa at kung paanong magpapansin sa kakatawa na halos nakalabas na raw ang buong mga ngipin pati na ang makapal at maitim na gilagid. Hindi ako makakapayag na m

