“Bakit ba hindi mo na lang kasi pagbigyan kung nagpapasama lang naman sayo?” tanong ni nanay sa akin. Malamang na nalaman niya ang tungkol sa pagpapasama sa akin ni Zakarias sa kung saan siya pupunta. “Nay, bakit ba kailangan niya ng kasama? At bakit kailangan ko siyang samahan? At bakit ako? Hindi kami friends para sa akin siya magpasama.” Kontra ko agad. Bahala ang Zakarias na yon sa kung anong drama niya sa buhay. Magpunta siyang mag-isa kung saan man siya papunta. “Baka naman, ate ikaw lang talaga ang gusto niyang makasama. Hindi ba at pinahayag niya na nais niyang ligawan ka. At kung tutuusin ay hindi na nga niya kailangan na manligaw pa dahil matagal na nga naman kayong pinagkasundo sa isang kasal.” Singit ni Judy kaya sinamaan siya ng tingin sa akin. Wala na akong pakialam sa ku

