“Nay, ano po ang almusal natin?” “Ate, wala sila Nanay nasa kabilang bahay at dumating na ang nanay at ate ni Kuya Zak. Alis na rin pala ako at may duty pa ako.” Paalam ng kapatid kong pangalawang bunsong lalaki ng marinig akong nagtanong. “Mag-ingat ka,” paalala ko na lang ako at diretso na sa kusina. Walang nakalutong kahit anong almusal pero hindi naman nawawalan ng pagkain sa lamesa gaya ng tinapay at ilang klase ng palaman. May mga prutas din gaya ng saging at mansanas. Pero ganun pa man para akong nakaramdam ng inis. Dahil siguro mag-isa lang ako ngayon at lumipat sila sa kabilang bahay? Close na close ang pamilya ko sa pamilya ni Zakarias pero hindi ako. Hindi ako makatayo kahapon sa sobrang pagod sa pagtitinda dahil nga maraming umoorder kaya pangalawang araw na akong hindi

