CAYE Ngayon ang balik namin sa mansiyon. Kung ako lang ang masusunod ay wala na talaga akong balak na bumalik pa doon. Pero panay tawag na kasi ang mommy niya at kinukulit na kami dahil namimiss na daw nito ang mga apo niya. "Baby, ihahatid ko lang kayo. Pagkatapos ay papasok na ako sa opisina. Okay lang ba kayo doon?" "Yes love, okay lang kami doon." Sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa. "Call me if something happen," paalala pa nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Mabilis itong lumapit sa akin ay niyakap ako ng mahigpit. "I love you baby," bumulong ito sa tenga ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit pa. "I love you too love," sagot ko sa kanya. Ngumiti ito at hinalikan ako sa labi. Bumitaw na kami dahil nag-aalala akong magusot ang suot niya. Kasalukuyan ko kasing

