LUKE Paglabas ko sa restaurant ay ihinatid ko kaagd si Elle. Malapit lang kaya nakabalik ako kaagad. Nang makabalik ako kaagad ay hinintay ko sa labas sila Caye. Nais ko kasi malaman kung saan sila nakatira. Nang lumabas sila sa restaurant ay sinundan ko kaagad sila. Napansin ko na papunta sa shop ang tinatahak naming daan. Nalaman ko na malapit lang pala sa bakeshop ang bahay nila. Si Jeff ang nagbuhat sa isang kambal samantala kay Caye naman ang isa. Pero wrong decision na sinundan ko sila. Ito na ata ang parusa ko sa pagbalewala ko sa kanila noon. Dahil hindi ko sila nagawang ipaglaban. Naging isang malaking duwag ako at ngayon ay nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba ay para akong pinapat*y ng paunti-unti. Masasabi ko na napakabuti ni Jeff dahil nagagawa niya ang lahat para ka

