LUKE Bumukas ang gate at ipinasok ko ang sasakyan ko. Bumaba na ako pero nagulat ako dahil bigla na lang may tumamang palaso sa harapan ko.Halos matumba ako sa gulat. "Fvcking Sh*t!" Bulalas ko bigla. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at may sumunod pa ulit na palaso na tumama malapit sa paa ko. Hinanap ko kung saan galing ang palaso. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita ko ang asawa ko sa terrace. At nakatutok sa akin ang pana niya. Ngayon ko lang ulit ito nakita ng ganu'n kaseryoso habang walang akong maaninag na awa sa mga mata niya. "Baby, let me explain please, 'wag mo naman itutok sa akin 'yan." Saad ko sa kanya. "Tapos ano magsisinungaling ka. H'wag mo na akong paikotin pa!" Sigaw niya sa akin. "Baby, anak 'yon ng ninong ko ganu'n lang talaga siya tuwing nag-uusap kam

