LUKE Ang saya ko dahil pumayag siya na dumalaw ako sa kanila kahit na alam ko na napipilitan lang siya pero atleast pumayag siya. Kuntento na ako at masaya. Pagdating namin sa bahay nila nasa school pa ang dalawang bata. Patanghali pa lang at mamayang hapon pa ang uwian ng mga ito. Ang kambal lang ang nandito ng makita ko sila may kung ano na naman sa akin na hindi ko matukoy o maipaliwanag. Ang saya ko ng makita ko sila ulit. "Hey, little kiddos!" Sabi ko sa kanila. "Daddy.." Tawag sa akin ng isang kambal. Nakita kong napaiwas ng tingin si Caye. "You can call me daddy," nakangiting sabi ko dito. "Pasensya kana hindi nila alam ang sinasabi nila," saad sa akin ni Caye. "It's okay baby mas gusto ko nga na daddy ang itawag nila sa akin." Masaya ito sa sinabi ko. Pumapalakpak pa ito

