LUKE Two weeks akong nasa Manila at namimiss ko na si Caye. Bumalik na ako dito sa Iloilo at balik na naman ako sa dating pangungulit sa kanya. Noong nakaraan ay nagkita kami sa bar ni Jeff. Sinabi ko na lalaban ako ng patas pero nagtaka ako dahil pinaubaya na niya sa akin si Caye. Gusto ko man itanong ang dahilan ay nanatili na lang akong tahimik. Nang makabalik ako ay pinuntahan ko ito kaagad sa shop. Pero hapon na wala parin ito kaya dumiretso na lang ako sa bahay nila. At doon ko nalaman ang hindi ko inaasahan. Habang papasok ako sa gate ay napa-katahimik ng buong bahay hanggang nakarating ako sa may pintuan. Nakita ko si tita at Caye na nag-uusap. Masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi nila ako napansin na dumating kaya narinig ko ang lahat. "Aye, magsabi ka ng totoo i

