LUKE Nagbihis na ako para sa magiging event mamaya isasama ko rin ang mag ina ko. Nang matapos ako ay pinuntahan ko ang asawa ko sa kabilang kwarto. Simula kasi ng makita niya ang kwarto namin ay ayaw na niyang may ibang makakita ng malaking salamin doon. Baka daw ano sabihin at isip ng mga makakakita. Nasa guest room siya ngayon kaya pupunta ako doon para silipin siya. Hindi kasi kami magkasabay mamaya dahil may plano akong ihinanda para sa kanila. Nais kong ipagmalaki ang pamilya na meron ako. Nakabukas ang pinto kaya sumilip ako at habang pinagmamasdan ko siya ay lalo akong nainlove sa kanya. Ang t***k ng puso ko ay kagaya parin noong unang araw naming magkita. Narinig ko rin ang usapan nila kaya napangiti na lang ako. "Madam, ang ganda ganda niyo po talaga sigurado akong lalong m

