Chapter 15 - END

4402 Words
"SHE had suffered from angioedema. Don't worry, she'll be fine after resting for a few hours. Pwede na rin siyang lumabas mayamaya lang. Hindi n'yo na rin kailangang mag-alala, lumabas din sa ibang result na your daughter is perfectly healthy," wika ng doktor na nag-eksamin kanina kay Gisella nang dalhin sa ospital ang dalaga matapos na mawalan ng malay. "I—I'm glad to hear that doc," halos paos na nasambit na lamang ng ina ng dalaga. Muling niyakap nito si Dr. Sulivan asawa nitong naroon din sa loob ng private room. "We're happy to hear that doc. Thank you doc," pasasalamat ni George sa doktor na papaalis na ng mga oras na 'yon. "My pleasure. Kapag nagkaproblema, tawagin ninyo lang ang nurse na naghihintay sa labas. But, I doubt there'll be a problem. Kung irerequest ninyo na ilabas din siya mayamaya, ipapaayos ko na po ang discharge papers." Tumango lamang ang butihing ama saka muling nagpasalamat. Nang tuluyang makalabas ang doktor ay mapang-unawang nilingon naman nito ang binatang kanina pa nakatayo at nakaabang sa magiging balita ng doktor. Kitang-kita ang relief sa mukha nito matapos na marinig na okay na ang dalaga. "Eston, mauuna na muna kaming lumabas sa 'yo. You can stay here hanggang sa magising ang anak ko," sabi kay Eston ng ama ng dalaga. Eston still looked a bit worried. Basta siyang sumulpot sa lugar na 'yon, pero hindi pa siya handa talagang makita si Gisella. Lalo na sa mga sasabihin niya rito. Ngayong planong iwan siya ng mga magulang nito. Ngunit ang mas lalong ikinababahala niya ay tila may alam din ito sa nangyayari at ang dahilan kaya siya pinapunta roon upang makita ang anak nito. Hinawakan siya ni George sa kanyang balikat at makailang beses na tinapik-tapik 'yon upang marahil palakasin ang loob niya. "Don't worry, hijo. You don't have to explain anything to me. Leave your story to my daughter, magandang marinig niya ang side mo." Iyon lamang at nauna na itong lumabas kasunod ang dating asawa at bagong asawa niyon. Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ang butihing ginang binalingan pa siya nito. "I'm sorry Mr. Cole..." Hindi na niya nagawang makapagsalita nang sumara na ang pinto at muling ibalik niya ang paningin sa dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Naroon pa rin ang pag-aalala niya sa tunay na nangyari kaya natrigger ang ganoong sakit sa dalaga. Baka kasi kasalanan niya 'yon. Umiling-iling na siya. He must not let himself lose focus. Inaasahan niya kasing ilang sandali lamang ay magigising din si Gisella, pero 'di maiwasang mapansin niya ang bendahe sa mukha nito. Wala siyang matandaan na nasaktan ito kahapon sa mukha. Sinigurado siya sa bagay na 'yon, hanggang sa hindi na niya namalayang ilang pulgada na lamang pala ang layo ng mukha niya mula sa mukha ng dalaga. Nagulat siyang makitang unti-unti na nagdilat ng mata si Gisella dahilan kaya napaatras siya. Sa maayos na distansya, pinanood niyang bumangon ito. Hindi niya alam, but he find Gisella's waking up cute. She looked really vulnerable while stretching her arms na animo'y bagong gising lamang niyon. Mukhang wala pa itong kaide-ideya kung ano'ng nangyari rito at kung nasaan ito ngayon. Nang may simulang kapain ito sa gilid ng kama, tila may hinahanap itong bagay na agad niyang ikinaalerto. "Are you looking for something?" tanong niya nang makalapit dito. "Huh?" gulat na usal nito. Nang mapasigaw ito. Even her surprised scream is lovely. Ilan pa bang mga bagay ang matutuklasan na kaakit-akit sa dalaga? Lahat na yata ng bagay tungkol dito ay kaibig-ibig. If all of the people knew that, they'll surely like her, and if that happens, saan pa siya lulugar sa buhay nito? "E—Eston. You're here? W—What are you doing here?" sunod-sunod na tanong na nito. Pinanood niyang inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid kung nasaan ito. "Oh, where am I?" Looked how innocent she is? People can really fool her easily. Kaya 'di siya nagtakaka kung bakit masyadong overprotective si Mr. Lacanlale sa anak. Someone must really need to protect this pure little angel. "You're in a hospital," aniya nang bumakas na sa mukha nito ang pag-aalala. "Hospital? Why? Uh—how about my dad and mom? Where are they?" Ayaw na niyang masyado pa itong pag-isipin lalo't mas maiging makapagpahinga muna ito. "They said, you collapse earlier. Pero sinabi rin ng doktor kanina na okay ka na. Mayamaya lang pwede ka na ring lumabas," saad niya. He saw the relief in her face. "Okay, thank you Mr. Cole." Napansin niyang naging pormal na naman ang pananalita nito sa kanya. Ayaw na ayaw niyang kausapin siya ng ganoon ng dalaga. Pakiramdam niya wala siyang naging kahit na ano'ng ugnayan dito. And, that hurts him like hell. Binalingan siya nito. Tila may hinahanap na kasama niya. "Is Ate Gennie with you, Mr. Cole?" Muntik na niyang nakalimutan ang kapatid nito. Ngunit hindi ang kapatid nito ang dahilan kaya siya naroon, he wanted to clear some misunderstandings. Kung may pagkakataon—no, he must not think like that. He obviously hurt her. Hangal na lamang siya kung iniisip pa niyang may pag-asa pa sa kanilang dalawa. Kailangan lang niyang maiayos ang malaking pagkakamaling nangyari dahil sa kanya. "She's not with me, Gisel." "She'll definitely hate it, kapag nalaman niyang nandito ka kasama ko. She's already thinking badly about us. I—If she said something about us meeting yesterday, please tell her that's not true." "We were together yesterday." Nanlalaki ang mga mata nitong bumaling sa kanya. "That's not tru—" Hindi niya alam papaanong mapapaniwala ang dalaga na magkasama nga talaga sila kahapon gayong nag-iba ang kanyang boses dahil sa mga sugat niya malapit sa bibig matapos na makipagbuno siya sa dalawang lalaki noong bago ang araw na 'yon. Gisella looked confuse now. "I don't know, how to explain everything—" "N—Narinig mo ang lahat ng sinabi ko n'on?" Is she worried about the things she said? Wala naman itong binanggit na masama sa kahit na sino'ng tao. Kaya nagtataka siya kung bakit tila alalang-alala ito. May nakalimutan ba siya? Pilit niyang inaalala ang bawat salitang binitawan nito. Masyado kasing tutok ang atensyon niya sa paglilinis ng sugat nito, at pangamba na may makakilala sa kanilang dalawa at makita silang magkasama. Alin do'n? "That, I still like you. I didn't mean to ruin your relationship to my sister. Alam kong ikakasal na kayong dalawa at kung ano man ang nararamdamannko para sa 'yo, I still shouldn't have said anything about that. I'm very sorry Mr. Cole. Please, forgive me." May tila mabigat na bagay ang dumagan sa puso niya ng marinig ang mga salitang binitawan nito. He immediately gasped for some air. He almost forgot that she said she still likes him. Naiyukom niya ang isang kamay. Hindi ba magandang pangitain 'yon para sa kanya? Saka naman unti-unti na nag-sink in sa isip niya ang mga ginawa niya sa dalaga. Mula sa malamig na pakikitungo niya hanggang sa mga pag-iisip niya ng masama rito. He's actually the worst here! Parang ang kapal naman ata ng mukha niya. "This would be the last time that I'll be mentioning about our past. I am very sorry." "Please, stop apologizing Gisella. Wala kang ginawang kasalanan. Ako dapat ang humihingi sa 'yo ng tawad sa lahat ng nangyari. I'm very very sorry." Is this really the end for the both of them? Halatang huli na siyang ayusin pa 'yon. Gisella is hurt. Maaatim ba niyang hayaan ang sariling pasukin muli ang buhay nito gayong labis-labis na niyang nasaktan ang dalaga. "No, Mr. Cole. It was all my fault for thinking that you like me, I misunderstood all of the letters that you'd sent me. Sulat lang 'yon para sa isang kaibigan, pero inisip kong may iba pang meaning kahit dapat alam ko sa sariling hindi pa naman tayo nagkikitang dalawa ng personal. Ang akala ko talaga may nararamdaman ka para sa 'kin, at noong sumagot ako sa 'yo sa mga sulat na 'yon. Pakiusap, kalimutan mo na lang lahat 'yon. I am only being selfish that time, I should have known better... You can't love someone like me." Animo'y gumuho ang buong mundo niyang makitang lumuluha na noon si Gisella. Katulad kahapon, hindi man lamang niya nagawang i-comfort ito sa pangambang nagkakamali lamang siya ng nararamdaman. He was confused to feel something for Gisella kahit excited na siyang ikasal kay Genevieve because all along he thought he's about to get married to the love of his life. Pero ang babaeng totoo niya talagang minamahal umiiyak na pala ng mga oras na 'yon sa harap niya, gayong niloloko lamang siya ng ibang tao para sa mga pansarili niyon na interes. He's an evil person to think na kunin pa rin ang kamay ni Gisella. Pero heto siya nakikita itong nasasaktan dahil sa kanya. Gaano pa siya ka-insensitive na taong hayaan ang taong mahal niyang umiyak ng ganito? Kahapon, gustong-gusto niyang yakapin ang dalaga. He wanted to comfort her. Alam niyang masyado ng huli para gawin niya 'yon. Kahit totoo naman ang iniisip nito. There is no misunderstanding about the letters she had read. Walang kahit ano'ng pagkakamali sa pagkakaunawa nito ng mga sulat niya, maging ang damdamin niyang isinulat doon, he thought the same thing. Ang naramdaman nila pareho sa simpleng palitan ng sulat. Lahat 'yon totoo. They genuinely love each other. But they get entangled to something so evil. Kaya mahirap na para sa puso nilang mahilom pa. Hindi na niya hahayaan pang masaktan ang dalaga. She deserves someone better, at hindi siya 'yon. Hindi na niya nagawa pang makapagsalita. Naubusan na niya ng lakas na gawin 'yon. Alam niya kasing oras na ibuka niya ang bibig ay magmamakaawa lamang siya sa dalaga hayaan siyang muling papasukin nito sa buhay nito. Pero ganoon na ba siyang kaganid na tao? Can he really do that? If they can start over again. He would gladly accept that. Pasasalamatan niya ang lahat ng santo at santa na kilala niya kapag nangyari 'yon. Doon niya namalayang umiiyak na rin niya, ngunit hindi niya magawang ipakita 'yon sa dalaga sa pangambang panghinaan siya ng loob at bawiin ang desisyon na magmahal ito ng lalaking mas deserve nito. Lalo tuloy siyang naiyak nang magawa niyang ma-imagine ang bagay na iyon. He can now imagine Gisella embracing another man. Pati ang wedding nito kasama ang lalaki na iyon, magkahawak ang kamay ng dalawa, and they'll say 'I do’ in their wedding. Fuck, that hits really hard. Magkayakap lamang silang dalawa. How can he let this beautiful being get away? He is really stupid. *** One month later... "MR. Cole, what are you doing here?" bungad na tanong ni Gisella sa lalaking kalalabas lamang noon ng sasakyan nito na may dalang pink na rosas. Napataas ng kilay ang dalaga nang bumakas ang pagtataka sa maganda nitong mukha nang iabot 'yon ni Eston. "This is mine?" nagtataka na nitong wika. "Yes," nakangiting aniya ng may dala rin siyang kahon ng tsokolate at malaking stuff toy sa loob ng sasakyan na iyon naman ang sinunod niyang ilabas. "Ang mga ito ba, saan ko pwedeng ilagay?" tanong na niya. Hindi niya magawang makita ang reaksyon ni Gisella habang buhat-buhat niya ang human size na teddy bear at nasa kabilang kamay naman ang tsokolate na inabot niya sa dalaga, na tinanggap naman niyon. Binuksan ng dalaga ang pinto ng shop nito upang papasukin siya sa loob. Saktong maaga pa niyon kaya wala pang gaanong katao-tao sa loob bukod sa kanilang dalawa lamang. Sinadya niyang gumising ng napakaaga para lamang makabili ng fresh na bulaklak at sumadya roon sa bagong bukas na pastry shop ng dalaga. Nalaman niyang itinuloy nitong buksan ang pangarap na pastry shop, katulad ng naikwento nito sa mga sulat na ipinadala sa kanya noon. Iyon din ang sinabi niya sa ama ng dalaga kaya naman tumulong itong makahanap ng maayos at magandang place na mabuksan ang shop na 'yon. Saktong ilang blocks lamang ang layo niyon sa kompanya niya at ano mang oras niya gustuhin ay makakadaan siya. Nagkataon nga lang na nagpalipas muna siya ng ilang linggo para tilang sinampal siya ng katotohanan na ayaw niyang makitang maikasal ang dalaga sa ibang lalaki. Kung 'di talaga para sa kanya, kahit papaano 'yong approve sa kanya. Gisella is too pure for some gigolo out there. He must protect her at all cost. Kapag nakakita na siya ng lalaking... tiwala siyang hindi ito sasaktan, baka magawa na talaga niyang pakawalan ito. That's his peace of mind. Gayong alam na alam niya ang sakit na mararamdaman oras na mangyari 'yon. He was ready for that, but still painful for him. Minsan naiiyak na lamang siya kapag naiisip ang bagay na 'yon, kaya nga sa tuwing nalulungkot siya deretso siya sa harap ng shop nito upang makita lamang ito. Solve na kasi siya sa bagay na 'yon. Iginaya siya ng dalaga sa staff room at doon ipinalagay ang dala niyang malaking stuff toy. Bagay 'yon sa lugar, kung sakaling maisipan ng dalaga i-display na lamang 'yon. "Gagawan muna kita ng kape. Maupo ka na lang muna doon," anito. "Ah. No, hindi rin ako magtatagal aalis din agad ako," aniya kahit sa totoo lang gusto pa niyang mag-stay ng matagal. Sa loob na lamang siya ng kanyang kotse kung sakali kasing umalis na siya, doon niya na lamang simpleng panonoorin ang mga gagawin nito. "No, you'll be only watching me inside your car. You should stay here, and I'll brew you some coffee. Then, let's have a talk after." Natigilan siya at 'di agad nagawang iproseso 'yon sa kanyang isipan. Naupo siya sa isang silya na nakahanda na roon, at may ilang cookies at pastries na rin. Halatang nakahanda na ang lahat ng 'yon bago pa man siya dumating. Para ba 'yon sa kanyang lahat? Expected na nitong pupunta siya ng araw na 'yon. Gusto niya tuloy mapakanta kahit sa totoo lang sintunado siya. He's like a child feeling excited while waiting for Gisella. Nakatalikod ito habang ginagawan siya ng kape. He could smell how heavenly the place is, at kung tama ring isipin niyang animo'y asawa na niya ang dalaga. Malaya niya tuloy itong pinapanood. Kapag nasa labas kasi siya, 'di niya masyadong makita ang lahat sa loob. Malaking pasasalamat na lamang niyang hinayaan siya nitong mag-stay doon sa loob. Siguradong babaunin niya 'yon hanggang sa trabaho at pagtulog niya. He's more than grateful for the experience. Noong una halatang mailap pa ang dalaga sa kanya, pero nakikita niyang unti-unti nitong hinahayaan na siyang makapasok muli sa buhay nito. He's really glad about that. Kahit sa totoo lang sapat na nga sa kanyang naroon siya sa loob ng sasakyan at simpleng nasusulyap-sulyapan ito. Nang humarap ito bitbit na ang kape niya. Mabilis na ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin. Siguradong maiilang uli ito kung sakaling mahuli siyang nakatingin dito simula pa kanina. "Thank you," pasasalamat niya nang iabot sa kanya ang isang tasa ng kape. Naupo ito sa katapat niyang upuan na labis niyang hindi inasahan. Akala niya ay itutuloy na nito ang naudlot na gawain dahil nandoon siya subalit heto ito sa mismong harap niya. He immediately felt a bit restless. Gusto niya kasing sulyapan ang mukha nito. He misses her already to the point na dinownload pa niya ang mga larawan nito noong nagtatrabaho pa bilang model. Some of the photos are something he couldn't let other people see, this woman in front of him is not only an angel rather a goddess! Ang mga larawan nito ang magpapatunay nito ng lahat ng 'yon. He kept his phone in a nice and safe place. Ayaw niyang malaman nitong ginamit niyang wallpaper ang picture nito. That's something for him to keep and no one must see, lalo na ang mismong taong 'yon. "Mr. Cole..." "Eston, please call me Eston." "Mr. Eston." "I'm not that old yet. Eston is much better." "Eston." "Yeah, I like that one the most." She chuckled. Ah, that's so angelic! "Okay, Eston. Let me clear something here." "I'm listening." "I know everything already, you don't have to feel guilty about me." Nag-angat na siya ng paningin sa dalaga. Saka niya napagtanto na kahit naroon siya at komportable kasama ito, hindi rin naman ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya. Mababanaag ang lungkot sa mukha nito. "Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng ginawa ng kapatid ko. Although she has already been reprimanded by our father. Hindi ko lang sigurado na titigil na talaga siya. Pero ganoon na talaga siya simula noong bata pa lamang kaming dalawa. Nalaman ko ring hindi na niya itinuloy ang kasal ninyo." Ano ba ang dapat niyang sabihin? Ayaw niyang mapunta sa kapatid nito ang usapan nilang dalawa. Hindi naman iyon ang ipinunta niya, at ayaw niyang iyon din ang pag-usapan nilang dalawa. But he only cares the most is to see Gisella okay. That's what matters most for him. "What happened to us Eston. Please, kalimutan mo ng lahat 'yon. Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari. Hindi mo rin kailangang makaramdam ng guilt dahil nadamay ka lang sa problema naming pamilya," wika nito. Nahihimigan siya sa boses ng dalaga ang labis na pagkadismaya rin nito sa nangyari. "You have a great life ahead of you. Kalimutan mo na lang lahat-lahat ng tungkol sa 'kin." 'Di niya namalayang mali na ang pagkakahawak niya sa taas at tumapon ang laman niyon sa suit na suot niya. "Oh my god! Are you okay?" Mabilis na dinaluhan siya ng dalaga. Hindi na nga rin niya naramdaman kung mainit pa ba 'yon mukhang nakalimutan na ng utak niya ang stimuli. Tinulungan siya ng dalawa na matanggal niya ang coat ng kanyang suot. "We need to call an ambu—" "No, I'm fine. Don't worry, makapal naman ang suot kong coat kaya hindi tumagos ang init n'on sa loob," putol niya. Saka nagpapanic na ito. Iginaya siya nito sa lababo kung saan dahan-dahan na pinunasan nito ang mantsa sa suot niya. Batid niya sa sariling hindi naman 'yon uubra, pero nagkaroon kasi siya ng mas malapitang view sa mukha nito at malaya pa niyang napapanood ang mumunting kilos ng dalaga. Nang tumikhim siya upang pukawin ang atensyon nito. Mukhang malayo na ata ang nilalakbay ng mga kamay nito. Kaya pinigilan na niya ang dalaga. "I'm fine, don't worry. Ako ng bahala," aniya na bumakas ang pilit na ngiti sa kanyang labi. "A—Are you sure?" "Yes, of course." Akala pa naman niya nawalan na siya ng pakiramdam. Pero mukhang healthy pa naman siya. Inilabas niya ang cellphone na sigurado ring nabasa kanina at ipinatong muna niya 'yon sa gilid habang nagpaalam naman si Gisella na kukuha muna ng towel para sa kanya. "Here." Inabot nito ang nakuhang puting towel. "Nagdala na rin ako ng pamalit mong shirt. Are you sure, you're really okay?" "Yes, I'm okay. Pakilagay mo na lang muna katabi ng phone ko 'yong towel at shirt." "Okay... you have a text messa—" Bigla siyang napabalikwas at napalundag upang maliksing damputin ang cellphone. "Uh—it's not a text message. It's a call. Yes, a call from my secretary." Mabilis na paliwanag niya. He's obviously trying to divert what Gisella might have seen. "D—Did you see anything?" Hindi ito umimik. Todo tuloy na kaba ang naramdaman niya ng mga oras na 'yon. Halatang nagulat ang dalaga sa ginawa niya. Pero mukhang huli na ang lahat dahil siguradong nakita niyon ang screen ng cellphone niya. "I—I still love you, Gisella. I can't just let go. I'm still in love you," buong pusong pag-amin niya sa dalaga. "Totoo lahat 'yon ng mga nabasa at naramdaman mo mula sa palitan natin ng sulat noon. Hindi 'yon misunderstanding, mahal talaga kita. Malaking pagkakamali ang bastang naniwala ako sa lahat ng sinabi ng kapatid mo ng hindi sinisigurado na totoong lahat 'yon. I'm very sorry, and I love you." Hindi pa rito nagsalita. Nangamba na siyang baka nga maging huling beses na lamang 'yon na makita niya ang dalaga. Kung 'yon na talaga, kailangan niyang tanggapin na iyon na ang huli. "I didn't say anything dahil alam kong nasaktan kita ng sobra. Masyadong magiging makasarili ako kung ipipilit ko pa rin na maging tayo sa kabila ng lahat ng nangyari. Hindi naman kita pipilitin, hindi mo rin kailangang ma-bother. If you're not in love with me anymore. That's okay. I can't just seem to let go yet. Let me still to love you. Hindi ko kayang makalimutan lang basta ang lahat. I still need some time. Please, forgive me." Humugot siya ng malalim na hininga. Pareho lamang silang biktima. But he can't still find to forgive himself. Parang ang hirap-hirap na tanggapin sa nangyaring 'yon malaki ang naging kasalanan niya. "Noong unang beses tayong nagkitang dalawa. Alam ko ng may mali, you resemble more the pictures you have sent me from the letters. Kahit kini-claim ni Genevieve na siya 'yon. Naramdaman ko agad na I wanted to be with you, kahit alam kong ikakasal na ako sa kapatid mo. Na kahit magkasama kaming dalawa, you're still in my mind. Pero pinangunahan ako ng paniniwalang, I made a promise to that person that owns those letters, that I will only love her." Mabigat na ang kanyang dibdib. Malapit ng bumuhos ang kanyang mga luha na pilit niyang pinipigilan simula pa kanina. He was always in pain sa tuwing nakikita niya ang dalaga, kahit sa bawat pagkakataon na 'yon na nagkikita sila. Nandoon ang pangamba niyang baka iyon na ang huli, pero 'di pa niya nagagawang mag-let go. Sa higit tatlong taon na 'yon, si Gisella ang nagligtas sa kanya mula sa kadiliman na ang buong akala talaga niya ay wala na siyang pag-asa pang mabuhay sa mundo. Palagi siyang hinahabol ng bangungot nang iwanan siya ng ina para sa pera, at lumalaki siyang walang ibang kumakalinga sa kanya na daig pa niya ang isang basahan na balang araw matapos na gamitin ay itatapon lang na parang basura. Pero sa simpleng palitan nila ng sulat ng dalaga. He found salvation. Gusto niyang magkaroon ng magandang buhay kasama ito, future na kasama ito, and the family that they both dreamed to have. Lahat 'yon, kineep niya sa kanyang puso na pinanghawakan niya para makapagtapos siya ng pag-aaral at magkaroon siya ng maipagmamalaki sa harap ng pamilya ng dalaga. But what happened is the opposite. There's no more story about them. They're only letting go of each other which hurts like hell. "You saved me Gisella. Tinulungan mo akong makita kung sino talaga ako. Walang ako ngayon kung 'di dahil sa 'yo. Niligtas mo ako mula sa madilim na nakaraan na mayroon ako, sa paniniwalang walang ibang halaga ang buhay ko kung 'di mabuhay katulad ng dikta ng ibang tao. You helped me smile again, and feel alive. I saw myself dreaming again. Minahal kita kahit hindi pa kita nakikita ng personal, limitado man ang koneksyon nating lahat hindi ka pa rin nagsawa na sumulat pabalik sa 'kin. Even though I'm living a hellish life there by myself and trying to survive each day. Because of your sincere words, nandito ako ngayon." Inabot niya ang mga kamay nito at ibinalot ang sa kanya. "I love you, I really love you. Hindi ako nakapunta sa lugar na sinasabi mo na magkita tayo the first Monday of March. I didn't receive your letter that time. Hinarang 'yon ng kapatid mo, I am very sorry for not asking anything, for not confirming everything. For being cold to you. For everything, I'm very very sorry. But let me say it again, it's true that I love you from the bottom of my heart. I wanted to marry you, be the mother of my children, cook for me everyday, I wanted to hug you every night and every morning. Lahat 'yon, gusto kong katabi mo ako, at ako ang kasama mo. Ako lang ang pwedeng tumingin sa 'yo nang puno ng pagmamahal." "Parang 'di naman asawa ang hanap mo, Eston," anito. "I mean, of course I can cook too. I can do laundry. To be exact, hindi mo na kailangang gumawa ng gawaing bahay. Having children, nope. Hindi mo kailangang na isipin pa ang bagay na 'yon. Just stay with me, forever. Pero kapag ayaw mo na, I'll try my best to understand, baka kapag nakasama mo 'ko, you might find me annoying and clingy. But I promise, I'll only love one woman for the rest of my life, and that's only you." "That's tempting." "I love you so much. I failed to hand you to anyone. Gusto kong ako lang ang mahal mo, makakasama mo habang buhay. I'm afraid to say this, but I might really kill someone who get in our way. I want to be your one again..." "Yes, me too." "Please, marry me Gisella..." "Yes." "Become my wife and spend the rest of your life with me." "Yes, I will." "Gisella..." Para atang 'di niya masyadong naiintindihan ang mga nagiging sagot ng dalaga. He is confused. Binawi nito ang mga kamay na hawak niya ng mga oras na 'yon. Ang buong akala niya iyon ang paraan ng dalaga upang tanggihan ang lahat ng sinabi niya. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang mukha. Mainit ang mga kamay nito. She gently smiled at him. "Yes, I will marry you Eston. I want to become your wife and spend the rest of my life with you." Natagpuan niya na lamang ang sariling nilapat ng dalaga ang labi sa kanya. Naguguluhan pa rin siya pero kusang kumilos ang mga kamay niyang ibinalot sa baywang ng dalaga at tugunin ang bawat halik nito. They were both clumsy. Obviously, amaterus. Natagpuan na lamang nila ang mga sariling nagtatawanan sa mga pagkakamali na. That's their first kiss. Pero iyon din ang pinakamemorable na bagay na una nilang ginawang dalawa. "I love you too Eston," sambit nito nang siya naman ang humalik sa mga labi nito. "I love you more, my angel," anas niya sa pagitan ng bawat paghihiwalay ng labi nilang dalawa upang huminga. There's no more clumsiness in their kisses. Pinagsaluhan nila ang pagkakataong 'yon na sa wakas pareho na nilang nahahagkan ang bawat isa. Ang problema na lamang niya ay kailangang makabili siya ng bagong engagement ring para sa dalaga. Mahirap pa naman na marami itong customer na lalaking umaaligid sa lugar. *** Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD