Chapter 10

2489 Words
"WE'RE now friends," sambit ni Gisella habang inaalala ang nangyari sa pagitan nila ng fiance ng kapatid kani-kanina lamang. Nakaupo siya sa kanyang kama, bigla tuloy nawala ang p*******t ng paa niya dahil sa mga natamong sugat kanina dahil sa hindi kasyang sapatos. Magkagayonman, hindi pa rin mapalis sa kanyang labi ang labis na tuwang malaman na talagang in-good-terms na sila ni Eston. Kung tama rin ba niyang isipin na magkaibigan na sila ng dating kapalitan ng sulat ay malapit na rin niya itong maging brother-in-law. Napasinghap siya nang masanggi ng isang daliri ang noo'y nangingitim ng sugat. Ilang metro rin ang nilakad niya kasama si Eston, kahit nakaflat shoes ay tumatama pa rin ang gilid niyon sa namamaga pa niyang sugat, kaya't sa huli ay lalo lamang lumala 'yon. Sinubukan niyang tumayo upang malaman niya kung kaya niyang maglakad gamit ang dalawang paa ng agad din siyang nabigo. Napahawak agad siya sa dulo ng kama bago tuluyang bumagsak sa sahig. "Oh," nasambit na lamang niya nang bumaba ang paningin niya tuloy at makita ang drawer kung saan nakalagay ang maliit niyang treasure chest. Saka sumagi sa isip niya ang laman niyon. May kung ano'ng bigat ang tila dumagan sa dibdib niyang mapagtanto ang mga sulat na itinago niya. Kahit hirap maski maikilos ang katawan ay lumapit siya roon upang buksan ang ilang taon niya rin itinuring na mahalagang mga bagay para sa kanya. "To my love..." basa niya sa labas ng mga liham na 'yon. Parehong tao na nagsulat ng mga salitang 'yon, at ang lalaking kanina niya lamang nakasama para itanong ang mga bagay na hindi nito alam sa kanyang kapatid. Why is she happy again? Tila nawala sa isip niyang masaya siya kanina habang inaalala ang magandang pagtatagpo nilang dalawa, ngunit napalitan 'yon ng lungkot ngayon. Obviously, Eston is head over heels in love to her sister, Genevieve. May paninikip ng dibdib na isa-isa niyang kinuha mula sa box ang mga sulat upang simulan na ring tanggalin 'yon mula roon. Ayaw niyang may makakita pa niyon at maging problema ng kapatid niya at ng magiging asawa nito. Subalit, naroon ang pag-aalinlangan niya. She can't destroy those letters though that is the right thing to do. Kagat niya ang ibabang labi, muli niya kasing nabasa ang mga sweet na letter na ipinadala sa kanya ni Eston. Doon nga nahulog ang loob niya sa binata. Nakita niyang may ilang blangkong piraso ng papel na nasa loob din niyon. Those are scented papers. Natatawa na lamang siya sa sarili dahil makailang beses niyang inaral na pagandahin ang sulat kamay niya. Hindi kasi bagay ang magulo at pangit na sulat kamay niya noon sa gamit niyang papel. Daig pa ang sulat ng doktor na kung 'di magulo ay minsan nama'y tila simbolo na lamang. Sigurado siyang nahirapan pa noon si Eston na i-decipher 'yon. She chuckled. Hayun na naman siya. Magulong-magulo na naman ang tunay talaga niyang nararamdaman. "Good bye my first love..." isinulat niya sa kanyang huling magiging liham para kay Eston. Doon niya natagpuan ang sariling lumuluha na habang inilalagay ang pangalan niya sa dulo ng papel. If only she was like her Ate Gennie. She's too afraid to interact with the other people. Palagi siyang pinangungunahan ng anxiety at takot. Base rin sa naging pag-uusap nila ni Eston kanina, napatunayan niya lamang din na bagay nga talaga ang dalawa. Matagumpay sa business world si Eston, habang katuwang naman ng Ate Gennie niya ng dad nila. Those two really suited each other. 'Di naman siya ganoon noong bata siya. Hindi na rin niya matandaan kung kailan nagsimula na nagkaroon siya ng takot na makihalubilo sa ibang tao. *** "ANG akala ko ba nagbago ka na Eston? Nasa'n diyan ang dating nagmamalaki sa 'kin na nagbago na raw siya?" sermon ni Zoren kay Eston na noo'y abala na gamutin ang sarili dahil sa mga galos na natamo. "Nagbago na 'ko," sagot ni Eston habang 'di magawang tingnan ang kaibigang si Attorney Zoren. Ito ang tinawagan niya kanina gamit ang cellphone ng mga binugbog, alam niyang matapos na i-handle nito ang marahil na bangungot na bumungad dito kanina ay agad na dumeretso ito sa kanyang bahay. Ala-una na noon ng madaling araw. Pero imbes na katahimikan ang matatagpuan niya sa sariling tinutuluyan, ay pinuputakti naman siya ng walang katapusang sermon nito na sa katunayan ay rinding-rindi na siya. He actually hates when a person talks a lot. Kahit pa kaibigan niya ang maingay at madaldal na tao, gusto na lamang niyang mag-walkout o 'di naman kaya'y magkulong na lamang sa loob ng kwarto. Pero 'di niya 'yon magawa gayong nakatayo ngayon sa labas ng pinto ng silid niya si Zoren. Sinisiguradong wala siyang takas mula rito, at daig pa nito ang kanyang pumanaw na ina sa haba ng mga aral sa kanya. "I just snapped earlier. 'Di na 'yon mauulit, at tama lang din ang ginawa ko sa mga taong 'yon." Malalim na napasinghap si Zoren sa narinig mula sa kanya. "What the hell? Alin do'n ang tama? Eston, you broke four of the ribs of the most injured man. Habang ang isa naman ay basag ang ilong at nabali ang buto sa tadyang. Can you imagine that even if they recover, hindi ibig sabihin niyon ay makakapagtrabaho pa sila ng normal!" "That's good to hear." "What?!" Napabuntong-hininga na siya. "Ikaw na ang bahala na magcompensate sa kanila at sa pamilya nila. Hindi sana magiging gano'n ang mangyayari kung 'di silang lumaban dalawa. Ang balak ko lang ay gawaran sila ng tig-isang suntok sa mukha, okay na 'ko. Saka ko hiningi ang cellphone na narinig ko silang kinunan nila sa loob ng restroom ng mga babae—" "It's still not okay that you beat the hell out from them. Hindi ka pulis para gawin 'yon, sana tinawagan mo 'ko o ang mga pulis para sila ang gumawa n'on. Look what happened to you. Alam mo naman siguro ang pwedeng maging consequence nito. Lalo na kapag nalaman ni Chairman Cole ang nangyaring 'to." Agad na tumalim ang mga mata niya nang tukuyin nito ang kanyang gagong ama. He never expected to hear his father's name that time. Parang sa lahat ng bagay na nangyari sa kanya, isang malaking pagkakamaling banggitin pa 'yon ng kanyang kaibigan. Lalo tuloy siyang na-bad mood. "Nag-stay ka sa ibang bansa dahil sa kaparehong insidente katulad nito. I don't want that to happen to you again, I know you suffered a lot while staying there by yourself." "You don't have to remind me. Kabisado ko pa 'yon sa memorya ko," pagsasawalang-bahala niya. Nakita niyang naiyukom nito ang dalawang kamay. Batid niya ang matinding pag-aalala lamang nito para sa kanya. Ngunit 'di 'yon ang magandang pagkakataon upang ipaalala nito ang nangyari habang nasa ibang bansa siya. That only breaks his heart more. "I am very sorry to what happened to Tita Esther—" "Zoren, please. I'm not in the mood to talk about that," putol niya sa balak nitong sabihin. Hindi niya pa kayang marinig ang tungkol sa kanyang ina at sa kahit na ano'ng bagay na nangyari one year ago. Nasa point pa siya ngayon na naghihilom ang puso niya. Tumayo siya upang magtungo na sa kanyang kwarto at doon ay matulog at magpahinga. Wala ring nagawa ang kaibigan upang pigilan siya. "Kung balak mong matulog dito may extra comforter ako sa kabinet. Kunin mo na lang do'n. But I suggest you go home. Baka kanina ka pa hinihintay na ng asawa't anak mo. Ayokong pati sila ay mag-alala para sa 'yo," aniya bago isinara ang pinto. Wala na siyang iba pang narinig mula kay Zoren. Ilang sandali lamang ay narinig niyang bumukas at sara ang pinto at batid niyang umalis na ang kaibigan. Natagpuan niya ang sariling mag-isa. Sanay na dapat siya sa ganoon, dahil matagal siyang nag-stay sa ibang bansa dahil sa isang kaparehong pangyayari na labis niyang pinagsisihan. Matagal sana bago niya matanggap ang lahat ng nangyari, lalo na noong sising-sisi siyang wala sa tabi ng ina habang mag-isang nakikipaglaban ito sa isang malubhang sakit. Makailang beses ba siyang nagmakaawa payagan lamang siyang pabalikin ng bansa ng kanyang demonyong ama? Ngunit nang maaga siyang makagraduate ay pinagbigyan din siya nito, ngunit pagbalik niya ng bansa, ilang linggo na ang nakalipas nang pumanaw ang kanyang ina. Mariing naisara niya ang mga mata nang maalala ang bagay na 'yon. Nang magising siya noong umagang 'yon nakatanggap siya ng mail mula sa kanyang laptop galing kay Zoren. Batid kasi niyon na wala siyang balak na tingnan ang message sa sariling cellphone kaya't sa important mails na lamang nito ipinadala ang tungkol sa leave of absence niya ng tatlong araw. Gusto niya tuloy na matawa sa bagay na 'yon. Parang hindi yata maganda na lumiban siya sa trabaho gayong ilang buwan pa lamang simula ng ibigay sa kanya ang posisyon bilang CEO ng kompanya ng kanyang lolo. Isinara niya 'yon at naglakad na patungo sa banyo upang maligo, nang tumambad sa salamin na naroon ang kasalukuyang hitsura ng mukha niya. Pati siyang may-ari ng sariling katawan tila nakalimutan niya atang dalawang lalaki ang kinaharap niya. Hindi dahil nahirapan siyang lumaban subalit batid niya na ilang araw na rin kasi siyang 'di nakakadalaw sa gym upang mag-exercise. Kinakalawang na siya. Sa huli, napagtanto niyang magandang desisyon na rin na 'di siya pumasok muna sa trabaho. Puno pa kasi ng pasa ang mukha niya, at nangangamba rin siyang makita 'yon ng ama at higit na magdulot ng malaking problema sa kanya. Malalim na bumuga siya ng hangin at marahas na sinuklay ng daliri ng isang kamay ang buhok. "What the heck am I thinking last night?" tanong na niya sa sarili. Matagal bago niya tuluyang nasabi sa sariling kontrolado na niya ang sariling init ng ulo at basta-bastang manangan siya sa dahas. Hindi nga ba't 'yon din ang dahilan kaya siya ipinatapon ng sariling ama sa ibang bansa dahil sa pagiging basagulero niya noong nag-aaral siya. Madalas din siyang lumiban sa klase kaya makailangang beses ding bumagsak. Subalit nagbago na siya. Binago niya ang sarili dahil sa isang sulat na natanggap niya mula sa babaeng tumulong sa kanyang makitang may rason pa siya para magpatuloy sa buhay. Ang babaeng nagparamdam sa kanya na tatanggapin pa rin siya kung ano mang nakaraan na mayroon siya. Maririnig ang lagaslas ng tubig habang naliligo siya. Kasabay ng ingay na tila nag-eecho pa sa kanyang tainga ang isang mapait na alaala noong araw na umuulan na daig pa niyang kagamitan na ipinamigay ng sariling ina sa halagang 'di man lamang niya alam. May isang taong nag-abot sa ina niya ng araw na 'yon ng ilang lapad ng perang papel. Malinaw pa sa memorya niya kung gaano kasaya ang ina nang tanggapin 'yon habang may dalawang lalaki naman ang hawak siya sa magkabilang kamay at isinakay sa nakaabang na magarang itim na kotse na basta na lamang sumulpot sa labas ng bahay nila. Dagling natigilan siya. He was already gasping for air when isara niya ang tubig. Naitakip niya ang isang kamay sa bibig. Ang akala niya'y matagal na niyang naibaon 'yon sa kanyang alaala. It is still painful for him. *** NAGPASYANG magpahangin muna sa labas si Eston. Tamang-tama na maganda ang panahon. Ang balak sana niyang mag-stay sa kanyang kwarto at doon magpahinga, nagbago ang isip niya. Lalo lamang sumasama ang pakiramdam niya. At mukhang malabong gumaling siya kung 'yon ang gagawin niya maghapon, mamamatay siya sa pagkabagot. Nakasuot siya ng black hood at jogging pants ng umagang 'yon. Nakaikot na siya ng dalawang beses sa buong paligid ng isang parke na nakita niyang kakaunti lamang ang tao. 'Di pa rin siya nakontento nang lumiko siya at maghanap ng taxi. May gusto lang siyang pasyalan tutal ay naroon na rin naman siya sa labas at dudang may ibang taong makakikilala sa kasalukuyang disguise niya. Though, he looked like a creep. Pero mas matatakot siguro ang mga tao oras na makitang balot ng pasa at sugat ang mukha niya. Kalahating oras ang nagdaan nang matagpuan niya ang sariling nakatayo sa labas ng malaking bahay ng mga Lacanlale. Malayo siya mula sa batid niyang surveillance camera na nakatutok sa gate niyon at sa mataas na bakod. Nang agad na magtago siyang makitang naglalakad palabas niyon ang kotse ni Mr. Lacanlale, ang ama nina Genevieve at Gisella. Mukhang paalis pa lamang ito. Nahagip ng paningin niya tuloy sa 'di kalayuan si Gisella na kumakaway sa paalis na sasakyan ng ama. Saglit na natigilan siyang napagtanto na matagal na pala siyang nakatitig sa dalaga. Naroon ang kakaibang sensasyong kanyang naramdaman nang mapagmasdan muli ang mukha nito. Pero pilit niya munang ikinubli ang sarili upang 'di siya makita nito. Hindi naman si Gisella ang dahilan kaya siya naroon... si Gennie. Ang kapatid talaga nito ang ipinunta niya upang makita. He almost forgot na sabay nga palang umaalis ng bahay ang fiancee niya at ng ama nito. Bigo tuloy siyang makita si Gennie nang ma-distract siya kanina. Ano na bang nangyayari sa kanya? Ilang araw ng laman ng isipan niya si Gennie at kasabay niyon ang excitement niya dahil sa pagpayag nitong maikasal sa kanya. He's been on cloud nine ever since she agreed to marry him. Pero, bakit sa isang iglap nang mag-krus ang landas nila ni Gisella, doon din nagsimula ang kalituhan sa sistema niya. He frowned. He suddenly remembered something about what he heard last night. That angelic face of Gennie's younger sister lies a very dangerous woman that he can't let himself get entangled further. Tumalim ang mga mata niya. Ang pagkikita nila ng nagdaang gabi, at kasabay niyon ang tila pagbabalik ng dating siya na labis niyang kinamumuhian. He can't let all of this hardwork go into waste especially not because of some woman he only recently met. 'Yon na rin ang huling pakikipag-usap niya rito. Ngunit hindi siya ang tipo ng tao na madaling magpaniwala sa kung ano'ng naririnig niya mula sa ibang tao nang 'di niya 'yon nakita ng mismong mga mata niya. Katulad noon nang maniwala siya sa mga salitang binitawan ng ina na hindi siya kahit kailan ibibigay nito sa kahit sinoman para sa pera, pero nang abutan ito ng malaking salapi, nasaksihan niya kung paano'ng winarak niyon ang pagkatao niya. "Okay, papunta na 'ko. Are you sure, you're okay? Si Matthew? 'Di mo ba siya kasama ngayon?" Dali-dali siyang nagtago mula sa paningin ng dalagang nakita niyang lumulan ng sasakyan at nagmamadaling minaniobra iyon palabas ng automatic gate. Bakas sa boses niyon ang pag-aalala. Balak na rin sana niyang umalis nang may kakaibang ideya na sumagi sa isip niya. Para matapos na talaga ang kaguluhang nagaganap ngayon sa isipan niya. Balak na niyang wakasan na 'yon! Pumara siya ng taxi na saktong dumaan sa harapan niya. This thing that he was about to do will put an end to all of the doubts and questions in his mind right now. Sisiguraduhin niya 'yon! For God's sake! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD