5 | To Protect

2227 Words
Follow me f*******:, YouTube, and t****k: Juanna Balisong ENJOY READING! (/>o HUMIHIGOP ng tsaa si Danica habang pinagmamasdan ang nakatatandang kapatid na si Dominic na abalang naghihiwa ng mga rekado para sa nilulutong ramen. Alas dies na ng gabi at kasalukuyan silang nasa Filipino-Japanese restaurant ni Dominic. Kasasara lamang ng resto at siya itong nag-aya na roon kumain para na rin makausap ito gaya ng hiling ni Samantha. Pinaunlakan naman ng kanyang kuya na roon na sila maghapunan at ito ang magluto ng paborito nilang magkapatid na ramen. "How's the tea?" tanong nito habang naghihiwa ng onion leaves. "Masarap, pero mas masarap pa rin iyong tsaa ni mama." Muli siyang sumimsim sa tasa. Nakangiting napailing si Dominic at inilagay ang hiniwa sa tinitimplang soup. "Ewan ko ba at hindi ko makuha-kuha iyong recipe ni mama, kahit si Dad ay hindi alam." "Nagtaka ka pa, nasa family tradition na natin na tanging sa babaeng anak at mapapangasawa ng anak na lalaki lang mapapasa ang recipes ng mga magulang." Gamit ang chopstick ay sumubo si Danica ng Agedashi tofu. "Yeah-yeah, kaya nga kahit anong suhol ko sa'yo ay ayaw mo ibigay." Si Danica naman ang napatawa. Ilang minuto pa ng pagkikwentuhan, Dominic served their food at naupo sa tapat niya. Takam na tiningnan ni Danica ang umuusok at naguumapaw na bowl sa kanyang harap at sinimulang lantakan ang niluto ng kanyang kuya. "Oh, I really missed the old days." At muling sumubo. Nakangiti namang pinagmasdan ni Dominic na kumain ang kapatid. "Nani mo kawaranai yo, imōto. Watashitachiha tada seichō shi, toshiwotoru dakedesu." (Nothing changed, little sis. We just grow up and grow old.) Muling napangiti si Danica. Habang masaganang kumakain at nagkikwentuhan ang dalawa ay naalala ni Danica ang pag-uusap nila ni Samantha. Noong nakaraang araw pa ito nag-uungot sa kanya tungkol sa kanyang kuya dahil sa pagiging hadlang nito sa plano nila. Hindi naman nga nila magawang sabihin dito ang plano dahil tiyak na hindi maiintindihan at hindi sasang-ayon ang kanyang kuya sa dahilan nila. "Nga pala kuya," pinunasan niya ang labi gamit ang napkin. "Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong palagi kang nasa shop ko. Hindi mo ba napapabayaan itong resto mo? Ano bang dahilan at napili mong sa shop ko pa tumambay?" Natigilan si Dominic sa tanong ng kapatid. Ano pa nga ba ang dahilan niya kung bakit siya palaging naroon? "Why, what's the problem? Dati-rati ay palagi naman akong naroon to check on you." "Yes, pero hindi naman sa puntong halos buong araw ay naroon ka. It is because of Samantha, right?" Saglit na hindi sumagot si Dominic. He flicks his tongue and leans on his chair. "I don't really like that woman, Nics. Mukhang wala naman s'yang alam sa pagtatrabaho sa shop mo. Kailangan pa ngang sabihin kung ano ang dapat niyang gawin bago pa s'ya kumilos." "At kailan ka pa naging HR aber?" natatawang ani Danica. "Can't you see kuya? Since Samantha came, muling bumabalik ang sigla ng shop ko. She seems to be my lucky charm for saving my business from bankruptcy. Saka, Sam is so nice, sweet, and intelligent. Binibigyan niya pa nga ako ideas about handling the business. Baka sadyang hindi lang s'ya sanay sa pisikal na gawain." But Dominic just shrugs. Of course, he can't tell her that Samantha is hitting her fiancé dahil ayaw niyang masaktan ang kapatid sa kaalamang iyon. He knew Danica became fond of Samantha, that's why she would definitely refuse to fire her. And speaking of Ricky, they've been together for years at gago na lamang ito kung papatulan nito si Samantha. Bilang lalaki ay alam dapat nila ang limitasyon sa isang relasyon. Si Samantha ang nasa mali kaya gumagawa siya ng paraan upang harangan ito. "Bakit ba kasi ayaw mo na lang tanggapin ang tulong ko? I can lend you my money to help you." Itinaas niya ang wine glass at uminom. "Here we are again..." Danica rolled her eyes. "I'm not a kid anymore, kuya. Gusto kong maging kagaya mo, be independent pagdating sa paghahawak ng sariling business. I appreciate your concern pero kaya ko 'to." "Fine. But I will still be there sa ayaw at sa gutso mo." Mula noon ay nasaksihan ni Dominic ang pinaghirapang pagpupundar ni Danica ang pangarap na shop. NIhindi ito humingi ng tulong sa kanya o kahit sa mga magulang nila. Masasaktan ito kung tuluyang magsara ang shop at hindi niya kakayaning masaksihan ang pagkalugmok sa itinayong pangarap ng kapatid. Walang nang ibang magawa pa si Dominic kundi ang bantayan ang bawat kilos ni Samantha. May tiwala siya kay Ricky na hindi nito magagawang lokohin ang kapatid niya, ngunit kay Samantha ay wala. Natitiyak niya na gagawa at gagawa ito ng paraan upang sirain ang relasyon ng dalawa. That is why he has his eyes on her. Babantayan niya lahat ng kilos nito maging ang paghinga at paggalaw ng mga daliri nito bago pa man magtagumpay ito sa binabalak. He will protect her sister at all cost. Even if it means everything he can do in his power. "PWEDE ka nang magbreak, Samantha. Si Claire na muna ang papalit sa'yo para makapaglunch ka," imporma sa kanya ng kasamahang si Nami. "Salamat. Baka sa labas na lang din ako maglunch-" "Ah, may binili si ma'am Danica para sa atin. Ito ang sa iyo oh," iniabot sa kanya nito ang isang paper bag. "Pasabi na lang din salamat kamo," maamong ngiti ni Samantha. "Pero sa labas pa rin ako kakain, magpapalit lang ako ng damit." "Sure." Pumasok siya sa locker room at doon nagpalit. Nitong mga nakaraang araw ay naroon pa rin si Dominic sa shop at wala pa ring pinagbago sa kalagayan nila. Nagagawan at nagagawan pa rin ng binata na harangan siya kay Ricky. Kinausap na niya noon si Danica patungkol sa makulit nitong kuya ngunit maski ang paki-usap nito ay hindi umobra sa malditong chinitong iyon. Ngayon ay kailangan niyang maka-isip ng solusyon papaanong maiisahan niya si Dominic. Paglabas niya ng silid ay sakto naman ang pagdaan ni Ricky. Tiyansa na niya iyon. Walang sinayang na oras si Samantha at agad na hinabol ang lalaki. "Ricky!" Hawak niya sa kamay nito. "Oh, Samantha," lingon nito. "Bakit, may kailangan ka ba?" "A-ano kasi... Uhm..." nag-isip siya ng maidadahilan upang makasama ito. "Since lunch break na rin naman, gusto mo sabay na tayo? Inaya ko kanina si Danica kaso nauna na raw s'ya at may orientation daw s'yang pupuntahan para sa gaganaping Baking trade show and expos next week." "Oh right, ngayon na pala iyong orientation. Dapat ay naroon din ako para-" "No!" Agad na tutol niya. "I mean... pinapasabi rin sa akin ni Danica na s'ya na lang daw ang pupunta since walang maiiwan sa shop." Well, that's not a lie. Talagang may pupuntahan si Danica kaya kanina pa ito umalis. Alam niya namang maiintindihan ng kaibigan ang ginawa niyang palusot para mapalapit kay Ricky. Ikinawit niya ang mga kamay sa braso nito. "Shall we? Maybe after natin maglunch ay mailibot mo naman ako rito sa mall," sinimulan niyang akayin ito palabas mula sa backdoor nang sa gayon ay hindi sila makita ni Dominic. "Hindi ko pa s'ya actually naiikot at naghahanap rin ako ng mga restaurants and places na pwedeng puntahan during weekends." Palabas na sana sila nang isang dumadagundong at maawtoridad na boses ang tumawag sa pangalan niya. "SAMANTHA!" Tila ang mga ugat sa katawan niya ay sandalling nanlamig at hindi makadaloy nang maayos ang kanyang dugo. Ang kilabot ng takot ay nanalaytay sa kanyang gulugod pataas sa kanyang batok. At ang kanyang mga tuhod ay tila nais manghina at manlumos nang marinig ang boses ni Dominic. Nang lingunin nila ito ay malalaki ang hakbang ang ginawa ng lalaki at agad na nakalapit sa kanila. Nanlilisik ang matang tiningnan ni Dominic ang kamay niyang nakakapit sa braso ni Ricky. Tila gustong maeskandalo ni Samantha sa inabutang tagpong iyon ni Dominic at nais niyang alisin ang kamay mula sa pagkakapulupot sa braso ni Ricky. Ewan niya ba at pakiramdam niya ay tila malaking pagkakamali ang pagkakahuli nito sa kanila. Well, in the point of Dominic, it is. Nilingon nito si Ricky. "May pag-uusapan pa kami." Hindi pa man nakakasagot si Ricky ay walang ano-ano'y mahigpit at malakas ang kamay na hinawakan ni Dominic ang braso ni Samantha at hinila na ito paalis. "Aray ko, Dominic, ano ba?" Tila bakal ang mga kamay ng lalaki na patuloy siyang kinakaladkad. Muli siyang nagpumiglas nang hilahin siya nito papasok sa locker room. "Bitawan mo ako sabi-" Nagngangalit na pabalda siya nitong hinarap kasabay ng pagsara ng pinto. "Ganyan ka na ba talaga kadesperada at nagagawa mong manira ng relasyon ng iba?" "Wala kang alam." Pilit na bawi ni Samantha sa kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Dominic ngunit hindi ito natinag at mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak sa kanya. Nais manghina ni Samatha sa sakit ng pagkakawak nito. "Alam na alam ko ang ibig sabihin ng mga ikinikilos mo, Samantha. At hindi ako tanga para balewalain lahat ng mga ginagawa mo." Nagtatagis ang mga pangang wika nito. "Bakit, ano bang mapapala at gusto mong makuha?" Ibinuka ni Samantha ang bibig ngunit walang salitang nais mamutawi. Tila piping itinikom niya ang bibig at nanlilisik pa rin ang mga matang tiningnan si Dominic. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan kaya matapang sinalubong na lamang niya ang mata ng binata. Nais niyang isumbat dito ang lahat ng dahilan na meron siya ngunit hindi niya magawa. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil hindi niya maipagtanggol ang sarili sa lalaki. "What? What kind of reason you have at nagagawa mo ito sa-" Sabay silang napatingin sa pinto nang magbukas iyon. Gulat na mga mukha ni Nami at Claire ang tumambad sa kanila nang mabungaran sila ng mga ito. "S-sorry po, hindi po namin nais makaabala." Isasara na sana muli ni Claire ang pinto nang magsalita si Dominic. "No. Lalabas na rin ako." Bago ito lumakad ay muli siyang nilingon ng binata. "Hihintayin kita sa labas. May pag-uusapan tayo." At patuloy na nilisan nito ang silid. Agad naming nilapitan si Samantha ng dalawang kasamahan. "Anong nangyari bakit parang bad mood si Sir?" Tanong ni Nami. "Ayos ka lang ba, Sam? Nag-away ba kayo ni Sir Dominic?" Tanong naman ni Claire. Ngumiti siya sa mga ito. "Wala iyon, may hindi lang kami pinagkaintindihan. Namali kasi ako ng bigay ng order kanina kay napagsabihan niya ako," dahilan niya. "Gano'n ba? Naku, e kami rin naman minsan nang nagkamali ng bigay ng order," ani Nami. "Oo nga, pero ngayon ko lang nakita si Sir Dominic na magalit. Tuwing nandito naman iyon ay laging mabait at palangiti." Si Claire. "Hayaan n'yo na at baka may dalaw kaya mainit ang ulo, saka iilang weeks pa lang ako rito at marami-rami na rin akong kapalpakan kaya napagsabihan." At tila balewala siyang tumawa. Matapos mahimasmasan ay muli siyang lumabas dala ang lunch. Malapit na siya sa pinto nang isang customer ng shop ang lumapit sa kanya. "Magla-lunch ka na ba miss? Halika sabay na tayo. I'll treat you." Nakangiting alok ng lalaki. "No, but thank you. May lunch na ako." Pakita niya sa hawak. Napakamot na lamang ang lalaki sa batok. "Maybe I can just go with you to accompany you?" She lazily rolled her eyes. She knows men like him; she calls them "the pushers" mga tipo ng lalaking kahit ilang beses mong tanggihan ay magpupumilit at mangungulit pa rin. At wala siya sa mood ngayon para makipagdeal sa mga ganito. "Alam mo, ilang araw na akong nagpapabalik-balik dito just to see and personally meet you. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na i-approach ka. So, do you want to have lunch with-" "No. She's not going with you." Putol ng isang baritonong tinig. Naramdaman ni Samantha ang isang mabigat at makapangyarihang presensya sa kanyang likuran na nakapagpadagundong sa kanya puso. "Pare, Wala namang bastusan. Alam mo namang pinopormaha-" Halos manlamig ang kalamnan ni Samantha nang maramdaman niya ang kamay ni Dominic na pumulupot sa kanyang baywang. "She's with me." Mas lalong nagtatalon ang kanyang puso nang hilahin siya ni Dominic palapit sa katawan nito at madama ang init na batid ng presensya nito. Walang nagawa ang lalaki kundi mapakamot sa ulo. Dominic held her hand at hinila siya palabas ng shop. Pakiwari ni Samantha, sa bilis ng pangyayari ay hindi agad naproseso ng kanyang utak. Sa mga simpleng kilos at haplos ni Dominic ay animo napatigil anv kanyang sistema. Napatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak. Dumaloy mula roon ang kakaibang init na naghatid ng nakakakiliting kuryente pakalat sa kanyang katawan. Tila nablanko ang kanyang utak at heto ngayon siya at nagpapatianod na lamang sa binata. Muli niyang naalala ang pagsasabong nilang dalawa kanina. 'Don't be swayed so easily you fool!' saway niya sa sarili at binawi ang kamay mula kay Dominic. Nagpatigil sa paglalakad ang binata na nilingon siya nito. "What now?" "Why are you dragging me? Wala naman akong masamang balak dahil talagang kakain lang ako," sarkasitiko niyang sabi. "And that's what we are going to do." Bahagyang napatawa si Samantha. "Pati ba naman sa pagkain ay babantayan mo ako?" "Kung maaari at dapat ay gagawin ko. Malay ko ba kung sa pagkain mo ay may orasyon kang ginagawa." At nagpatuloy ito sa paglalakad. Hindi makapaniwalang tuluyang napatawa si Samantha. "Anong tingin mo sa'kin, mangkukulam?" Itutuloy... Hope you enjoyed! Don't forget★ to vote and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD