Chapter 3

1055 Words
            "O, anong nangyari sa 'yo? Bakit paramg ginahasa ka ng sampung baka?" tanong ni Billie nang makita si Lance na pumasok ng cafeteria na pinapasukan nilang dalawa. Basang-basa kasi ito ng pawis at gusot ang suot nitong puting T-shirt. Nakatsinelas lang din ito na umentrada lang sa glass door. Mabuti na lang at ang unang nakakita sa kaniya ay ang kaniyang kaibigan at hindi ang manager nila. Kundi, siguradong masasabon na naman siya nito.             "Mahabang kuwento, pare. Nandiyan na ba si Boss?" Sumungaw pa siya sa may pantry kung saan madalas naglalagi ang kanilang amo para tingnan ang orders ng mga costumer.             "Wala pa," sambit ni Billie.             Mabilis siyang pumasok sa counter at tinungo ang locker room kung saan naroroon ang mga gamit niya. Mahigit isang taon nang namamasukan bilang isang crew sa cafeteria na iyon si Lance. Sapat lang naman ang sinasahod niya roon para sa pamumuhay niya. Matagal nang ulila si Lance sa magulang, namatay kasi ang kaniyang mga magulang. Kinse anyos siya noon nang mamatay ang kaniyang ina habang hindi naman niya nakilalam ang kaniyang ama na sa pagkakaalam niya ay isang Amerikano. Kinupkop siya noon ng isang bahay-ampunan nang pumanaw ang ina subalit pagtungtong niya ng ika-labing walong taong gulang ay nagsarili na at humanap ng trabaho.             Pero sadya yatang mailap ang suwerte sa kaniya. Matalino naman siya at nakapagtapos hanggang senior high school ngunit kahit anong gawin niyang sikap ay hindi pa rin gumiginhawa sa buhay. Sadya nga sigurong hindi para sa kaniya ang suwerte pero kahit ganoon ay hindi naman siya sumusuko. Pangarap niyang magkaroon ng sariling car dealership company at masakyan ang iba't ibang mamahaling kotse. Kaya kahit suntok sa buwan ay nag-iipon siya ng pamapaaral sa sarili para lang matupad ang mga pangara na iyon.             Habang nakaupo sa bench sa harap ng locker niya at inaayos ang sapatos ay siy namang pagdating ng kaniyang manager. "And why are you late?"             Nakapamewang pa ito at taas ang isang kilay na tinarakan siya ng mata. Binigyan niya ang manager ng nakakalokong ngiti sabay kamot sa ulo. Alam niyang hindi na siya makalulusot pa sa mga oras na iyon kaya naman marahan siyang tumayo at nakayukong hinarap ang amo.             "Pasensya na, sir. Na-late kasi ako ng gising, rumaket pa kasi ako kagabi," sabi niya habang kinukutingting ang mga daliri na tila nahihiya sa amo.             "Mister Lance Daniel Cortez..." Lumapit ito sa kaniya bago muling nagsalita. "Baka nakakalimutan mo, ako ang manager dito. Hindi ka ba nahihiya sa mga kasamahan mo dito sa cafè na nauuna pang pumasok sa iyo?"             "E, kayo nga, sir—"             "Shut up!" Halos tumalon ang puso ni Lance sa gulat sa bigla nitong pagsigaw. Irereklamo niya sana na late din naman siya dumarating sa cafè pero hindi naman siya kailanman nagreklamo. Pero bago pa man niya masabi ang mga iyon ay halos umusok na agad ang ilong nito sa galit.             "Ito na nga po," wika niya sabay tikom ng bibig.             "Ibabawas ko sa suweldo mo 'yan," sambit nito at nanlaki ang mga mata ni Lance sa narinig.             "Sir, naman. Five minutes lang naman akong late, a? Baka p'wede naman nating gawan ng paraan 'yan?" aniya sabay himas ng braso nito.             Nagulat ang manager niya sa ginawa nito at nang tingnan siya ang binata ay tila napakalagkit ng titig nito sa kaniya. Alam ni Lance na may tinatagong pagtingin sa kaniya ang kaniyang manager kaya huling-huli niya ang kiliti nito.             Buong akala ng mga nagtatrabaho sa cafeteria na iyon ay straight ang amo nila pero basang-basa na ni Lance ang bawat kilos at galaw ng kanilang amo. May mga pagkakataon pa ngang nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya habang nagtitimpla ng kape at kung minsan naman ay parang kakainin na siya nito kapag nakikita siyang nagbibihis sa locker room.             "Last na 'to, ha? Sa susunod na ma-late ka, iaawas ko na talaga sa sahod mo iyan!" bulyaw nito sa kaniya kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman nang pagbigyan siya nito.             "Yes, sir!" magiliw na wika niya sabay halik sa pisngi ng amo na parang wala lang sa kaniya na may lihim na pagnanasa sa kaniya ito. Syempre! Gagawin niya iyon para mag-take advantage at hindi mabawasan ang perang kikitain niya sa araw na iyon. Kakarampot na nga lang ang kita niya, tapos mababawasan pa. Mahalaga ang bawat sentimong natatanggap niya bilang trabahante. Sa gabi namanay umeekstra siya sa pagbebenta ng balut kaya kahit papaano ay nakakaraos siya.             "O, hindi ka ba nasabon?" usisa sa kaniya ni Billie nang pumunta siya sa counter para  kuhanin ang order ng costumer.             "Hindi, 'no! Ako pa ba?" pagmamayabang nito sabay kindat sa kaibigan.             "Ibang klase ka talaga. Bilib na 'ko sa iyo," sambit naman ni Billie na pailing-iling pa habang tumatawa.             Dinampot naman ni Lance ang tray na may lamang tatlong order ng kape at iba't ibang klase ng cake. "Anong table 'to?" tanong niya sa kaibigan.             "Doon sa table four. Doon sa maraming tatlong chicks na nakaupo roon." Nakangusong itinuro ni Billie ang mesa kung saan niya dadalhin ang tray ng pagkain.             Napukaw naman ang atensyon niya sa tatlong babaeng nakaupo sa table four ngunit isa sa mga babae roon ang talagang nakakuha ng kaniyang mga mata at hindi na maalis ang tingin niya roon. Nakasuot ito ng pulang bestida na bulaklakin ang disenyo at talaga namang nakabibighani ang ganda. Sa tingin niya ay anak mayaman ito dahil sa kutis at ayos.             "Miss, order ninyo." Marahan niyang inilapag ang tray sa mesa at ipinatong sa kani-kanilang tapat ang mga order nito. Ang huli ay ang mocha latté na order ng babaeng iyon na sadya namang nabighani siya sa taglay na kagandahan.              Nang ilapag niya ang order nito sa babaeng iyon ay hindi sinasadyang magdampi ang kanilang mga kamay nang hawakan iyon ng babae. Nakaramdam si Lance ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa kaniyang kamay patungo sa buo niyang katawan.             "Kuya, 'yong kamay ko." Biglang natauhan si Lance sa matagal na pagkakatitig sa dalaga.             "S-sorry po."Mabilis naman niyang inalis ang kamay at ang tray bago tuluyang umalis. Lihim siyang napangiti nang tumalikod sa tatlong babaeng iyon at bumalik sa counter.             "Mukhang trip mo 'yong isa do'n, pre, a?" pang-aasar ni Billie nang mapansin si Lance.             "Ha? 'Di, a," tanggi nito. Pero ang totoo, nabighani talaga siya sa babaeng iyon at hindi na naalis ang paningin niya habang ito ay kumakain.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD