“Saan ka pupunta?” Alas sais pa lang ng umaga nang magising si Lance kaya hinayaan muna niyang matulog ang dalaga kaya iyon kaagad ang naging tanong sa kaniya ni Beverly. Nagtaka ito nang magbihis siya ng puting T-shirt at magsuot ng pantalon. “Saan ba sa tingin mo?” wika nito sa walang muwang na si Beverly na kinukusot ang mga mata. “Magtatanong ba ako kung alam ko ang sagot?” bawi naman nito. Kung sa bagay, may punto naman ang dalaga. Pero hindi pa ba halata na na papaasok siya sa trabaho? Mukhang wala ngang ideya ang dalaga sa kung anong buhay mayroon ang binata kaya naman mas maganda sigurong ipaliwanag dito ang mga bagay sa buhay niya. Wala naman sigurong mawawala kung magkukuwento si Lance ng tungkol sa kaniya. Kasalukuyan siyang nagsisintas ng sapatos nang panandalian niyang iti

