“Bilisan mo!” Saglit na lumingon si Lance sa kaniyang likuran habang hila ang babaeng hindi niya kilala. Halos kumabog ang dibdib ng dalaga sa pagmamadaling ginagawa nilang dalawa makatakas lang sa mga body guards ni Dennis. Tila walang kapaguran ang mga pulutong ng mga lalaking humahabol sa kanilang dalawa. “Dito tayo!” Sa wakas ay nakakita ng isang lugar na maaaring mapagtaguan si Lance upang makapuslit sa mga nais tumugis sa kanila. Mabilis niyang inilusot ang katawan sa maliit na butas ng yero at nang ligtas na makapasok doon ay inalalayan naman niya ang babaeng kasama na maitawid ang sarili sa talim ng mga yerong nakaharang sa butas na kasya lang ang dalawang tao. Halos magkadikit ang dibdib ng dalawa sa napakakipot na lugar na pilit pinagkasya ang kanilang mga sarili upang makapa

