Kaunti lang naman ang bibilhin ni Linda dahil solo lang naman siya sa buhay. Simula nang umalis si Nelo ay hindi na ito nakipag-communicate kay Linda. Sa totoo lang ay hindi rin naman kasi ito kinontak ng babae. Sa halip ay ibang bagay ang inuna nito. "I think bagay 'to sa mansion niyo." kumikinang ang mga mata ni Linda habang titig na titig sa mga babasaging plato sa istante. Nauna kasi nilang nadaanan ang mga appliances at gamit sa kusina kaysa ang mga pagkain. Sa mga pagkain sila papunta ngunit madaraanan ang mga gamit sa bahay bago makarating doon kaya naman nakapag-window shopping pa sila bago mag-grocey. "I don't think I'll be needing that." umiiling pang sabi ni Nejieh habang nakatingin sa tinutukoy ni Linda. Paano ay kumpleto naman ang mansion at tingin niya ay wala nang kailanga

