"Nashaan na ba ang babaeng 'yon?" bulong niya sa sarili na pasuray-suray nang pagpasok niya sa kuwarto ay wala siyang naabutang tao. "She's not here either." saad niya nang silipin niya ito sa banyo ngunit wala ito roon. Saka niya naisip na baka nasa guest room ito. Nagtungo siya sa guest room para doon ito hanapin. Walang sabi-sabi na kinatok nito ang pinto nang pagkalakas-lakas. Halos mabulabog ang kung sino mang tao ang nasa loob. "Ashawa ko, lumabash ka 'riyan. Mrsh. De Vera!" sigaw pa nito na halos bulabugin na ang tao sa buong bahay at hindi lang sa kuwarto dahil sa pagsigaw nito. Naalimputangan naman na kukusot-kusot pa ng mga mata na si Pisces. Nabosesan niya ang taong kumakatok sa labas. Ngunit ang pagkakaalam niya ay hindi uuwi si Uly. Kaya naman nagtataka ito kung bakit nasa

