NAKAKUNOT ang noo ni Linda nang makita ang hindi kilalang number na tumatawag sa cellphone niya. Nang makita niya ay Philippine number ito. Naisip niya na baka scammer dahil talamak ang mga manggagantso na mga tao kaya naman hindi niya sinagot noong una. Mahirap na at baka kung ano pang panloloko ang gawin ng tumatawag. Ngunit hindi ito tumigil. Kaya naman nang ikalawang tawag na nito ay sinagot na rin niya. "Hello? Who's this?" seryosong tanong niya. Ngunit hindi ito sumasagot kaya ibinaba na lamang niya ang telepono. "Alam mo kung ayaw mong magsalita, please don't call. Nakakaistorbo ka e." sa ikatlong tawag nito ay inaway na niya sabay baba niya ng telepono. "Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga katulad niyong manloloko. Tsk." sigaw niya sa telepono niya habang nakatitig di

