"Okay na, Uly. You can have a dinner date with her. And don't forget to fetch her at seven. Siyempre pagpalitin mo muna ng damit bago mo i-date." tila na-glue na ang magkabilang dulo ng labi ni Uly dahil hindi na maalis ang ngiti nito sa mga sinasabi ni Eloiza. Ito na yata ang pinakamalokong kupida ng taon. "Yes, mem." agad na sambit ni Uly kay Eloisa saka tumayo sa kinauupuan nito. "So... later?" pagkukumpirma niya kay Pisces. Hindi pa rin naman maka-get over si Pisces sa mga pangyayari. Bukod sa nabigla siya na si Eloiza ang sumagot para sa kanya ay nagpipigil siya sa excitement. At kung malapit lang si Eloiza sa kanya ay nakurot na niya ang tagiliran nito. Sukat ba namang halos ibenta na siya nito sa binata. "Okay." tipid na sagot na lamang ni Pisces. Ngunit sinegundahan naman ito ni

