Chapter 54 KASSANDRA POV "BAKIT hindi ka pa natutulog, Kassandra?" Tanong ni mama mula sa likuran ko. Hindi ako nakatingin sa kanya bagkus nakatingin ako sa kawalan. Marami akong scenario na iniisip, isa na dito kung paano ko ipapaliwanag kay Bea ang lahat na maunawaan niya ako. Malaki na si Bea at tiyak kong nakakaunawa na siya sa mga bagay–bagay. Pero natatakot ako sa maaring kahinatnan kapag nalaman niya ang totoo kung paano siya nabuo. Matamlay akong naupo sa sofa. Hunarap ako at tumitig kay Mama. "Inaalala ko si Bea, mama , kung paano ko uumpisahang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong laban ko. Tiyak, kong masasaktan siya. Na ako na kanyang ina ay handang ipakulong ang sarili niyang ama." Malungkot na sabi ko sa aking ina. Dahil ang totoo, sobr

