Chapter 58 KASSANDRA POV ISANG mahinang katok ang narinig ko subalit hindi ko gustong bumangon. Narinig kong bumukas ang pinto. "Hey, sleepy head," bati ni Jacob na tuloy–tuloy sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama ko. "Hindi ka daw kumain kagabi sabi ni Vicky," hinawakan niya ang isang kamay ko. Kagabi tinawagan ko ito. Wala akong ibang makausap upang maalis ang matinding tensiyon, subalit nasa manila ito may ini–asikaso sa personal nilang negosyo. Umalis si Vicky dahil may inutos ako. At maagang–maaga pa lang ay dumating agad ito direkta mula manila hanggang dito sa mansiyon. "Magkakasakit ka sa ginawa mo, Kassandra. H'wag mo nang isipin ang mga sinabi sayo ni Zairah, normal lang iyon dahil asawa siya ni Zane. Iniisip niya lang ang kapakanan ng asawa niya." "I'm fine, Jacob

