Chapter 56 KASSANDRA POV DAHIL wala na akong maisagot sa usapan namin ni Kaydan ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam, kung bakit ako sobrang nasasaktan sa nakikita kong pait at sakit sa kanyang mga mata. Oh, god! Help me! Para piliin ang tamang daan. Hindi p'wedeng pairalin ko ang puso ko. Kailangan kong tibayan ang loob ko sa hustisyang gusto ko makamit. Yumakap ako nang mahigpit kay Jacob at naramdaman ko ang mga kamay niyang marahang hinaplos ang likuran ko. "Hush, Love..." hinagkan niya ang ulo ko na tila isang nakakabatang kapatid. Klaro na sa pagitan namin ni Jacob ang lahat na hanggang kaibigan lang ang kaya kung ibigay sa kanya. Palabas na kami sa pinto nang tawagin ako ni Kaydan. "Kassandra..." he spoke softly. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nilingon ko siya. His

