Chapter 1

3922 Words
Third Person POV Sa isang kagubatan kung saan napakadilim at sinag lang nang buwan Ang nagsisilbing ilaw. May tatlong bata ang tumatakbo at halos magkandarapa na sa sobrang pagmamadali parang mayroong tinatakasan. Halata ang takot,pagod at kaba sa mga ito. Teresita's POV 11:45pm "R-rita...bilisan mo ha?Kaya mo yan,akin na yang kamay mo."inabot naman nya sakin."S-sandali--ahh huuuu!!!B-bubuhatin ko muna s-si Marietta...."binuhat ko muna si Marietta at agad na hinawakan ang kamay ni Rita,kahit na mahirap ay nagpatuloy kami. Kasalukuyan kasi kaming tumatakbo ngayon dito sa gubat na ito ,para mag-tago dahil hinahanap kami ng tatay namin.Naiiyak ako ,gusto kong umiyak ,umiyak ng umiyak pero hindi sa ngayon at hindi muna sa ngayon. "A-ate--n-na..natatakot a-ako...A-ate"halos hindi ko na marinig ang boses ni Rita.Napahinto ako at hinarap sya."R-rita...wag kang matakot a-ahh?Nandito lang a-ako...andito lang si Ate para sa inyo...hah?R-rita?R-ritaaa?"pinipilit kong palakasin ang loob nya ,kahit na ako din ay hinang-hina na pero para sa kanila, kailangan kong lakasan. "T-tara na hah?R-rita?Dun tayo sa may puno ng narra mag-tago ,b-bilisan natin ha?"pilit nyang pinipigilan ang pag-gawa ng ingay, tahimik lang syang umiiyak habang hila-hila ko.Si Marietta naman ay tahimik lang ,walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi na bago sakin ang ganitong pangyayari,kasi halos gabi-gabi ay palaging nag-aaway sila Tito at Tita ,nadadamay kami.Wala kami sa puder ng magulang namin dahil sila daw ay delikadong tao?Delikado?Mali....RESPETADOng tao pala. "A-ate...d-dito na b-ba?A-ate?"tanong nya habang pilit na pinupunasan yung luha at sipon sa mukha nya."s-sige diyan na...diyan na tayo m-magpahinga."dahan-dahan kong binaba si Marietta,nakatulog na pala sya sa likod ko.Nilatag ko yung jacket na gamit ko at dun sya pinahiga. "R-rita?M-magpahinga ka na muna dyan ah?B-babantayan ko kayo dito"lumapit ako sa kanya ay pinunasan Ang mukha nya gamit yung damit ko ,pinasinga ko din sya dahil grabe na sipon nya."A-ate...dito ba ako?"tanong nya at tumabi na kay Marietta."O-oo ah ,h-higa ka na.Konting tiis na lang,dadating na sila Mama at Papa natin,Hindi na tayo tatakbo dito."Hindi sumagot si Rita. Sumandal ako sa puno at doon ko lang naramdaman ang pagod,sakit sa likod ,hapdi ng sugat ko sa siko ,sakit ng mata at sakit ng paa.Yumuko ako sa tuhod ko. Pinipigilan kong maiyak,sobrang hirap na ng pinagdadaanan ko.Masyado pakong bata para sa ganitong mga problema,pero bakit kailangan ko pang maranasan yung ganito? Tumingala ako , maraming bituwin,napangiti ako habang tuloy-tuloy Ang pagbagsak ng luha ko.Gusto kong mabuhay ng normal ,yung katulad ng Ibang bata dyan.Gusto kong mabuhay ng hindi mahirap , Hindi din mayaman.Nakakatawa masyado na akong pilingera. Kung sana,nandito sila Mama at Papa?Hindi ko sana nararanasan yung mga ganito.Gusto kong makita ,makasama at malaman kung nasan sila at bakit nila kami iniwan sa nga Tito at Tita namin? Pinunasan ko na yung mukha ko,Ang lagkit ko na ,halo-halo Ang sipon,luha,pawis,dugo,ulam at kanin sa damit at katawan ko. Flashback~ 7:30pm "Ate ,nandyan na si Tito."sabi ng 5 taong gulang kong kapatid na si Rita."Sandali lang...Rita kunin mo yung isa pang plato dali."naghain ako ng pagkain para kay Tito ,lasing na naman kasi sya,at parang alam ko na ang mangyayari."Marietta...baby ,tulog ka na ah ,sige na "binaba ko na si Marietta sa sahig Kung saan sako na ginawang banig lang ang higaan namin."Ate...si Tita wala pa ,nandyan na si Tito."nagulat ako at dali-daling hinatak si Rita palapit sakin."Rita,bantayan mo si Mari ah.Dyan ka lang,dyan lang kayo"pagkasabi ko non ay nagmadali akong pumunta sa kusina namin at ayon na nga. "Nasan ang Tita mo!Teresita!"sigaw ni Tito habang paikot-ikot sa loob ng kusina.Kinabahan naman ako."A-ahh T-tito ,hindi ko po a-alam eh".Utal-utal kong tanong."Kumain na po kayo ,n-naghanda napo ako--o-o"pimiyok nako sa sobrang kaba."Anong ulam...P*unyeta iyan na naman?"nakaturong tanong nya sa ulam. *Asin lang po ulam namin* "Ta*na ,kaninang tanghali pa yang ulam na yan ah ,mga walang kwenta."galit na sigaw nya SINIGANG NA KARNE NG BABOY iyon. Tapos ay pinagsisipa nya yung dingding na gawa lang sa kawayan. Aayusin ko na sana yung plato nya ng bigla nyang,hinampas yung lamesa dahilan para mabitawan ko yung plato ,nahulog sa lupa."Anak ng mayaman nga naman nuh!TANGA!TANGA KANG BATA KA!KAHIT KELANNN!!!"Sigaw nya sakin ,at nagulat pako dahil hinila nya yung damit ko para mapatayo ako ,dinuro-duro yung noo ko. "T-tito...m-masakit po..t-tama na po"naiiyak na sabi ko.Sinabunutan nya ako at hinila palabas ng bahay,hawak-hawak ko yung kamay nya dahil pakiramdam ko ay matatanggal na Ang buhok ko."Wala kayong alam gawin ,palamunin na nga lang kayo ay lampa pa?!"pagkasabi nya non ay tinulak nya ko ng malakas at nasubsob ako sa lupa ,Ang siko ko ang unang tumama kaya naman paniguradong nagkasugat ako nyan. Nakita ko kung paanong nagchismisan Ang mga kapit-bahay namin.Nakita ko kung paanong ,pinagtinginan ako ng mga kapwa ko bata.Nilakasan ko Ang loob ko at pinilit tumayo.Naglakad ako papunta sa kusina at doon ay nakita kong hawak-hawak ni Tito yung itak. "Wala ka talagang kadala-dala ano?Halika dito daliii!!!"sigaw ni Tito at aligaga naman akong lumapit sa kanya."Anong inulam nyo ngayon?Ha?Anoooo...letseee!!!"napalunok ako ng ilang beses ,pawis na pawis na din."A-asin po Tito...Yun po ulam namin."nagmamadali at utal-utal pang Sabi ko. "Sinong niloko mo?!Asin ?Asin pala ahh!"nagulat ako dahil pagkasabi nya non ay syang pagbuhos nya sakin ng ulam,at binato nya ko ng kaldero na may kanin. MASAKIT... MAHAPDI... SOBRANG SAKITTT... IKAW BA NAMAN BATUHIN NG KALDERO SA MUKHA? Habang nagwawala si Tito don ay nagmamadali naman na akong pumasok sa kwarto, sinuot ko yung jacket at binuhat si Marietta tsaka ko naman hinila si Rita na ngayon ay umiiyak na. Sa likod ng simbahan kami dumaan papasok sa gubat,dahil halos bilang na bilang lang Ang mga bahay don sa Barrio namin.Kaya kahit mahirap ay pinilit ko,mailigtas at maprotektahan lang Ang mga kapatid ko. ~END OF FLASHBACK~ Akala ko wala na akong luha,akala ko hindi na ako iiyak.Akala ko lang pala yon.Pilit ko ulit pinupunasan yung mukha ko at doon ko lang ulit naramdaman yung mga sakit sa katawan ko.Dahan-dahan akong tumayo at nag-inat-inat bawat galaw ko ay syang pagsakit ng sobra ng katawan ko.Maya-maya lang ay dahan-dahan naman ulit akong naupo. "Ang ganda ng mga butuwin... salamat sa inyo kayo ang ilaw at liwanag ko sa tuwing nasa dilim ako...bukod don---"hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may narinig akong gumagalaw sa mga d**o. *walang tao dito,Hindi ako naniniwala sa mga multo ,at malayo na kami sa barrio...Sino to?* Dahan-dahan akong tumayo at... Isang aso?sa sinag ng buwan ,kulay puting aso ang nakita ko at dahil don nakahinga naman ako ng maluwag.Maya-maya Lang ay.... "Spy?heyyy Spy?Where are you?Spy,we hav---"gulat syang napatingin sakin kaya naman ay hindi nya natapos ang sasabihin nya. Nakahawak sya ng ilaw,at nasisilaw naman talaga ako dahil nakatutok sa mismong mukha ko yung ilaw nya."Y-yung i-ilaw nyo po ,K-kuya?"kinakabahang sabi ko.Natauhan naman sya at dali-daling binaba."O-oh...sorry ..I'm so sorry."nagmadali syang lumapit sakin at bahagya naman akong lumalayo."Would you mind if I sit here?I can accompany you...tho?" *ENGLISH ENGLISH SYA HAYST* "N-no Sir,it's okay po"Sabi ko naman.Buti nalang at marunong akong mag English. "By the way...Ako nga pala si Derix Jaxz Daliyeng,16 years old.Im here kasi sinundan ko si Sky, actually kanina ko pa kayo nakita.Nag-camping Kasi kami ,there oh?"tinuro nya yung sa may bandang madilim,Wala naman akong nakita?Ano isasagot ko nyan? "You see that?Yes ,dyan kami."Nakita kong nakangiti sya,nilahad nya yung kamay nya at--"Derix Jaxz Daliyeng"inabot ko naman iyon at pinilit magsalita"T-teresita...Teresita E-ellanor"nagkamay kami. Naupo sya malapit sa paanan ng mga kapatid ko ,at tumingin sakin,halata ang awa sa mga titig nya."D-don't worry ,Wala akong masamang balak sa...I mean ahm HAHAHA t-this is a-awkward---so yeah "para syang timang.Naupo nalang din ako sa may malaking ugat ng puno. Sobrang sakit ng katawan ko,wala din pala akong tsinelas?hayst Medyo malamig ngayon siguro kasi magpa-pasko na.Natatakot ako.Ayoko sa lahat ng mga ganyang panahon,basta may selebrasyon.AYAW KO. "Teresita,bat kayo nandito?Madilim at delikado anong ginagawa nyo?Yung mga magulang nyo?"taka ko syang tinignan.Sunod-sunod yung tanong nya."S-sorr---"Hindi ko sya pinatapos."A-ano...si Tito k-kasi,Kuya,si Tito Kasi eh..."naiiyak ako habang nagsasalita.Lumapit sya sakin at nilagay yung kamay nya sa ulo ko.Nakakahiyaaaa....basa yung ulo ko ,malagkit at may kanin-kanin pa "Okay lang,magkwento ka ,makikinig ako pansamantala." Nakangiting sabi nya. Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita at niyakap ang mga tuhod ko."Kasi Kuya ,laging lasing si Tito.Sinasaktan nya si Tita at nadadamay kami.Wala kaming magulang,pina-alaga lang nila kami kila Tito."dinampot ko yung maikling sanga ng puno at nagtuloy sa pagkukwento."Sa totoo lang,Hindi ko pa sila nakikita.Hindi ko pa naririnig mga boses nila...Hindi ko nga po alam kung ako lang ang batang ganito.Buti nalang talaga masipag,mabait at malakas ako h-hahahaha"pinilit kong hindi umiyak. Tahimik lang si Kuya Derix,nakatingin lang sya don sa may flashlight."Naniniwala akong mabait ako.Masipag ako at malakas ako kasi...kasi kahit na sinasabi nilang Wala akong kaalam-alam ,mahina,walang respeto ?Hindi ko sila paniniwalaan."tatango-tango pang sabi ko. "W-what do you mean,Hah?Ang bata mo pa Teresita,by the way how old are you?"nginitian ko naman sya. "Eight po,eight years old na po ako.Sya nga po pala,ayon po pala si Rita"tinuro ko si Rita na natutulog at inilawan naman nya."Lonerita Katarine Ellanor ,sya po ang pangalawa sa'min,five years old na sya ."nakangiting sabi ko.Tumango naman sya at nilipat yung ilaw kay Marietta."And who's she?so cute HAHAHA"nakangiti sya. "Ahm sya po si Marietta Luna Ellanor,3 years old na po sya.Ako po panganay"tinignan ko sya ,nilalaro nya yung mga dahon.Yuyuko na sana ako kaso tumingin sya."Kanina s-sabi mo 'di ba na naniniwala kang mabait matalino at malakas ka?Why is that?I mean ,ikaw lang?Ahm like ,ikaw lang naniniwala to yourself?"Hindi nakangiti at mukhang seryoso sya."P-pwede magkwento ka pa?Maybe I can help you or ah!sh*ts naman...so yeah makikinig ako."tumango ako sa kanya ,nilaro ko sa kamay ko yung sanga ng kahoy,lumalamig na rin lalo. Tumingala ako at ang ganda ng moon,Malaki eh"Para kasi on sa'kin,ako lang ang nakakakilala sa sarili ko kaya ako lang rin ang maniniwala sa sarili ko..."nakatingala pa rin ako habang nagke-kwento."K-kuya...alam kong masama ang mainggit pero Hindi ko maiwasan...sobrang lupit ng kwento ng buhay ko...sa lahat ng mga bata sa lugar namin...ay-ha!ahm ay ako lang ang ganitong mag-isip ,sa lahat po ng bata doon sa lugar namin ako lang ata talaga,at iyon po ang mas---masakit"muntik ko ng Hindi masabi yung huling salita dahil naiyak na talaga ako,ngayon lang ako umiyak ng ganito sa harap ng isang tao."Shhh it's okay,nandito ako"tinapik-tapik ni kuya yung likod ko.Iyak Lang naman ako ng iyak habang nakayuko ,at nakayakap sa mga tuhod."S-sa lahat ng b-bata...ako lang ang hindi pa nakaranas maglaro ng maghapon...mag-aral ng may baon...mag-aral na kumpleto uniform...ako yung bata na minsan lang makapaglaro...minsan ayaw pa nila kong kalaro..."ngayon lang ako nakapag sabi ng problema ko sa iba.Todo na iyak ko habang si Kuya Derix naman ay tinatapik-tapik pa rin yung likod ko."G-gusto ko pong mamuhay katulad ng pamumuhay nila...gusto ko ring maranasan maging bata ,yung puro laro lang nasa isip ko...maglalaro sa umaga ..uuwi ng tanghali para kumain ,pagkatapos ay lalabas at maglalaro ulit maghapon ...yung parang gigising lang para maglaro at matutulog para m-magpahinga...gusto ko din ng ganon ehh...Kuyaaa gusto ko non ,gustong-gusto ko po ng ganon eh"para akong si Marietta na nagsusumbong,Para akong nagsusumbong sa mas matanda sakin.Ganito pala pakiramdam ng may Ate o kaya Kuya,may nakikinig. "Wag kang mag-alala Teresita...kakaiba ka...wag mo yan tawagin na problema ah? Tawagin mo yang pagsubok , challenge ganon...Wag kang susuko...Maybe our Lord put you on that situation coz he knows na kaya mo ,dahil malakas ka...ikaw palang yung bata na nakilala ko na ganyan mag-isip,matalino ,malakas ,matapang at maganda pa...mabait ka din na Ate eh...I'm so proud of you Teresita"nakangiti sya at niyakap nya ako.Pinupunasan ko yung mukha ko dahil iyak pa rin ako ng iyak. "Siguro kung nandito Ang mga magulang ko?Hindi na'ko maghihirap ,kami ng mga kapatid ko...isusumbong ko sila...makakapaglaro na'ko... Kumpleto na gamit ko,Hindi na'ko mapapa-away..."naiyak na naman ako ng sobra kasi naiinis ako Bakit kasi wala kayo? Magulang po namin kayoooo....Mama...Papa...Sana dumating napo kayo... Tahimik kami.Walang nagsasalita ,sobrang lamig na at napakaliwanag ng buwan...anong oras na ba? Si Kuya kanina pa tahimik ,natulog na ata..."Kuya?Kuya huyy?"kinakalabit ko sya, tumingin naman sya hayst akala ko naman tulog na."A-ahh yeah ,why?"tanong nya habang nagi-inat inat pa."Anong oras na po ba?Baka hinahanap ka na po sa inyo?"Kasi naman kanina pa sya dito eh,Hindi ako pwedeng matulog dahil babantayan ko pa sila Rita at Marietta."3:56am na...N-no, camping lang namin eh...taga Manila talaga ako,eh ikaw?Ang galing mo talaga ah,'di ba Ilocano at Itneg salita nyo dito?Buti naiintindihan mo'ko?"huma-hangang sabi nya sa'kin at dahil doon ay napangiti ako. "Opo naman,Tagalog po kasi si Tita eh ,si Tito naman po Itneg...Dyan po sa baba,yung barrio dyan ,doon kami nakatira,pangalan po non ay LAM-AGAN....Sitio Lam-agan po."paliwanag ko pa."At yung unang Sitio na madadaanan nyo po papunta dito ay ang Sitio Tabungao...doon po ako nag-aaral"tumango-tango ulit sya.Nagulat ako nung bigla nyang hubarin yung pantalon nya at yung jacket nya. Nako Bata pa ako ehhh haystttt.... Nakashort naman pala si Kuya,and t-shirt din."Here ,suot mo yan, matulog ka na din at babantayan ko kayo,kunin mo na din tong isa kong kwintas ah,wag mong iwawala kung saka-sakali mang hindi na tayo magkita, at least alam kong may kasama ka,kunwari iyang kwintas na iyan ay ako HAHAHA..."sinuot ko yung jacket nya,Ang laki naman HAHAHAHA at yung pantalon ay pinangkumot ko kay Rita at Marietta."Teresita,Ang sabi mo hindi mo pa nakikita yung mga parents mo di ba?Yung last name mo,sa Tito mo ba yon?"tanong nya at taka ko naman syang tinignan."Hindi po ah,sa Papa ko yon...pina-alaga daw po nila kami kila Tito kasi ,busy daw po sila at RESPETADOng tao daw po sila..."mapait Ang ngiti sa labi ko syang tinignan."Y-yeah...kasi E-ELLANOR is talagang respetado sila,mayaman sila...kilala sila sa business world...may mga hospitals at iba pang business ang mga Ellanor...I know them kasi may Business din kami..."Hindi ko sya kinibo,Wala na akong masabi.Mayaman pala sila talaga?Baka naman ibang Ellanor yon?Kung mayaman sila dapat Hindi na nila kami pinaalagaan dito haystt naman... "Sige na ,matulog ka na... babantayan kita,yung kwintas ,alagaan mo ah... proud ako sayo,sleep well"nahiga na'ko non pagkasabi nya. Grabe ang sakit ng katawan ko,pagod na pagod ako,Kaya naman di ko namalayang nakatulog na pala ako. ~Kinabukasan~ "Kuya Derixxx... ahihihihi..kala ko po masakit yan?" "Hindi yan masakit,panlinis lang yan ng mga sugat...sige kain ka na muna ,oh!Mari ,Kain na oh?Say--ahh...yummy HAHAHA,masarap nuh?" "O-po...sarap kuya to..." "Kuya,yung aso mo hinahabol ulit si Kuya Denxel ahihihihi...Spyyyy wag mo sya habulinnn..." Malakas at rinig na rinig ko ang mga tawanan at kwentuhan nila... *Teka?D-derix?Denxel?Sino yon? Pagkain?Masarap?ano yonnnn?* Pinilit kong bumangon,talaga nga namang masakit at mahapdi yung mukha ,siko at tuhod ko pati na rin mga paa.Ang tigas na ng buhok ko ,yung dugo ng sugat ko natuyo na at masakit na din. Tumayo ako at doon ko nga sila nakita si Marietta na maayos naman na,sinusubuan ni Kuya Derix?Ang puti nya pala. Si Rita na may hawak na dalawang tinapay at salit-salitang kinakagatan habang tumatawa at sumisigaw doon sa may hinahabol nung aso,lalaki?Siguro eto yung Denxel?Maputi din,bat ang tatangkad nila? "ATEEEE!!!TIGNAN MO OH!MAY MGA TINAPAY KAMIII TAPOS MGA MAYLUUUU AHIHIHIHI"sa sobrang lakas nh sigaw nyang yon ay talagang maririnig ng buong Barrio...Biro Lang "Teresita,Good Morning...here oh!May mga tinapay dito.Kumain ka na muna ,lilinisin natin sugat mo mamaya...yan lang kasi mga baon namin eh..."Sabi ni Kuya Derix ,dahan-dahan akong lumapit,inabutan nya ako ng tubig. Kinuha ko iyon at nagmumog...naghilamos ako at... MASAKITTT MASAKIT ULETTT SOBRANG SAKIT NUNG MATA KOOO TINAMAAN NGA PALA TO NG KALDERO... HAYSTT Pagkatapos ko non ay lumapit na ulit ako sa kanila...tawa pa rin ng tawa si Rita...sinusubuan pa rin ni Kuya Derix si Marietta,at nakita ko ring palapit na sakin yung tinatawag nilang Kuya Denxel. "Eto,Milo and tinapay kainin mo muna...Grabe pala nangyari sa mukha mo?pero wag ka mag-alala cute ka pa din...Hoy!Denxel bilisan mo nga.."Hindi ako makapag-salita ,kinuha at kinagatan ko na agad yung tinapay dahil gutom na gutom na din ako. Maya-maya Lang ay tumayo sa harap ko yung lalaki kanina na hinahabol ng aso.Nakangiti at nakaturo sa sarili.Nahiya naman ako kaya nilunok ko muna yung tinapay at muntikan pa'kong mabulunan. "Ehem...Siyak gayam ni Denxel Mond D. Ellanor...17 nakon kin kaibigan ako ni Derix HAHAHAHA, pasensya na Hindi ako masyadong sanay mag-ilocano...Good Morning sayo Teresita"madaldal pala to,nakalahad na yung kamay nya sa harap ko Kaya naman tumayo na ako at pinunasan yung kamay ko. *translate:Ako nga pala si Denxel Mond D. Ellanor,17 na ako.* "T-teresita Selena P. Ellanor,e-eight and Good Morning din po..."gulat syang nakatingin sa'kin,habang nagkakamay kami. "Ellanor ka rin?Weh?Hoyyyy Derixxx,bat di mo naman sinabing ELLANOR pala silaaaa???"malakas na sigaw nya at natawa naman si Kuya Derix.Oo nga noh? Ellanor din sya, Ellanor kami? Pinagpatuloy ko ang pagkain,maaga pa eh,magliliwanag palang,pero andito kami naghahabulan,nagtatawanan sila.Ako naka-upo lang,iniisip kung paano na naman kami mamaya?Kung saan na naman kami tatakbo,ano na naman sasabihin ko kila Tito... "Wag ka ng umiyak dyan,sasakit lalo mata mo nyan sige ka...by the way,lilinisin na natin sugat mo ah,saglit Lang tuh" Nagulat ako sa nagsalita ,si Kuya Derix pala.... Derix's POV Masaya kong sinusubuan si Marietta,si Rita naman ay busy sa pagkain,si Denxel naman parantanga doon na nagpapahabol ulit Kay Spy. Anim na hakbang Ang layo namin sa inuupuan ni Teresita,tinignan ko sya ,tulala Lang sya at kitang-kita ko kung paanong sunod-sunod yung pagbagsak ng mga luha nya.Naawa ako dito,Ang babata pa nila, ngayon lang ako nakakita ng ganyang kagaling,katapang na bata at babae pa,kakaiba. Nilapitan ko sya ,dala ko na rin yung first aid kit,kinuha ko pa to sa camp namin eh. I sigh first before I speak... "Wag ka ng umiyak dyan,sasakit lalo mata mo nyan sige ka...by the way,lilinisin na natin sugat mo ah,saglit Lang tuh"nginitian ko sya at dahan-dahang naupo at inayos yung gamit. *Napakabata nyo pa ,pero grabe na nararanasan nyo...hoping that someday we'll meet again and when that times come?Sana okay ka na ,Wala ka na sa ganyang sitwasyon.* "Hindi ako marunong dito pero ,ito..oo itong alcohol,lagyan natin ah?Yung kamay mo lagyan mo din..."tahimik lang sya,kita ko kung pano nya pigilan yung mga luha nya...Sorry ,this is all I can do..."Sabihin mo kung hihinto ko na ah? Teresita?Okay ..."tumango-tango lang sya...kumikibot-kibot yung labi nya,Bata ka pa talaga,kahit anong sabihin natin Bata ka pa rin, matalino ka lang talaga kaya ganyan ka mag-isip...swerte ng magulang mo,may anak silang katulad mo... Dahan-dahan kong dinadampi yung bulak na may alcohol sa gilid ng sugat nya sa may siko at Wala naman syang reklamo, nakatingin lang sya sa ginagawa ko. Sunod ay sa tuhod nya,talaga namang mukhang may mga nauna pang sugat eh,medyo hinila nya yung paa nya kaya naman hinipan ko ,Kasi baka masakit yon."Sorry ah,sorry ...wait konti na lang eh ,tiisin mo ah"tango Lang ulit sya. Bata ka pa nga talaga,huwag ka lang magsalita dahil baka matalo mo pa ako HAHAHA Nalinis ko na lahat ,ngayon ay Hindi ko magalaw yung mukha nya.Namamaga yung kanang mata nya,puro kanin yung buhok nya at Ang dumi na talaga nya. Medyo malayo yung camp,balak ko ulit bumalik doon para kumuha ulit nh damit eh,kaso yung oras sh*ts...6:34am na pala?...8:30am aalis na kami.. "Teresita,aalis na kami maya-maya ,but wait ihahatid kita sa inyo ah,before we go back there sa camp?Para Alam ko kung saan bahay nyo...and di ba?Dadaan din kami dyan?"pinilit kong pasayahin yung boses ko.Nakatingin Lang sya sa'kin eh...haystt.. "Opo,yung kubo ,malapit sa kalsada Yun po yung bahay namin...kami nalang po ang ganyan yung bahay dito..."mukhang okay naman na sya ,tahimik lang talaga... "Aalis na kami eh,sana wag ka ng bumalik dito sa gubat pagnagkataon nuh? Teresita?Delikado kaya dito..."seryosong Sabi ko sa kanya.Napatingin sya sa'kin ,nakanganga pa ,HAHAHAHA Ang cutee..."Ilang beses napo kaming nagtatago dito sa gubat...wag na po kayong mag-alala ... Salamat po pala sa inyo Kuya.."nginitian nya ako,Kaya naman I smiled back too... "Aalis na po kayo?Babalik na po kayo ng Manila?Kuya?" "Hindi ah,may bahay sila Denxel doon sa Man-abo...alam mo ba don?Ilocano din sila doon eh..." "Ahh doon po ba?Opo alam ko,sa palengke ng Man-abo ,doon po kami nagbebenta ng buko iniikot ko po iyon para makapagbenta..."kwento nya,kinukot-kot pa ilong ,nangungulangot ata HAHAHAHA... "Malayo yun dito ah..pano?I mean paano ka nagbebenta?" "Si Tita ,nilalakad namin minsan ,minsan naman po nakikisakay kami sa mga truck or tricycle dyan.." "Buti nakakaya mo?Kelan kaya Babalik parents nyo?Para maayos na buhay nyo...Matalino ka pa naman Teresita..."at dahil sa sinabi ko ,gulat at napangiti sya sa'kin , Ganon na ba talaga kaimportante sayo ang compliment?Sayang lang,ngayon palang kita nakilala pero bilib nako sayo...Antanga,napakatanga ng mga tao sa paligid mo,dahil Hindi nila nakikita yung isang Teresita na magaling na ikaw... Mabilis na lumipas Ang oras..7:45 am na...Nagtatawanan kami ,pati si Teresita ay nakikitawa na.Inayos ko na yung gamit nila at yung damit ni Denxel pinasuot ko kay Teresita, nilagay ko yung belt ko sa bewang nya para magfit yung damit,Malaki kasi ,ayos naman na bumagay sa kanya... "Kuya Denxel buhatin moko AHIHIHIHI..." "Okay,okay come on...hahaha Ang gaan mo naman pala Lonerita..." "Teresita,ako na magbubuhat kay Mari.." "Huwag na po Kuya Derix ,Kaya ko na.." Mabilis kaming nakarating sa Sitio Lam-agan...sa baba yung bahay na sinasabi nya..Yung mga tao pinagtinginan kami,Hindi ko sila maintindihan eh.Nakahawak sila ng baso ,Siguro kape.. Si Teresita nakayuko Lang habang buhat-buhat si Marietta.Si Denxel naman binaba na si Rita at ako?Buhat ko yung damit at mga natirang tinapay. "Yah!Tirisitaaa..ninlap-wam et?ayy nakais-isaw kayo?" "Ayyy ihhhh nangay ket danisa ay inung-an ,ninlaplap-wan et danisa?" *Translation:Yah Teresita,saan ka nanggaling?Ang dumi-dumi nyo? *Ayy ihhh ano ba yung mga yan,San ba sila nanggaling "?* Ilan lang yan sa mga narinig ko at halatang ,nandidiri sila. Nasa may court na kami ng huminto si Teresita. "Kuya Derix,Kuya Denxel maraming salamat po sa inyo...ayon Lang po yung bahay namin..nakikita nyo yan pag alis nyo mamaya ,sa gilid ng kalsada Yan eh..dito na lang po kami..."nakangiti pero malungkot Ang mata nya. "It's nothing Teresita...nice to meet you pala , Ellanor HAHAHAHA baka kapatid kita?"Biro naman ni Denxel sa kanya.Natawa na Lang sila. "Bye po sa inyo mga Kuya..." "Sige po , salamat ulit..ingat po kayo"pagkasabi nya non ay umalis na sya. Bumalik na kami ni Denxel sa camp at Tama ako nag-aayos na sila. "Ano?Derix ayos na ba?Kamusta sila?"tanong ni Sir George,Alam nya kasi kinuento ko eh.Para Hindi ako maparusahan."They're okay now Sir..Naihatid na namin."dali-dali Kong inayos Ang mga gamit ko...rinig ko naman Ang napakalakas na kwento ni Denxel sa kanila...kahit kelan talaga eh "Yes Sir, sobra... maraming sugat yung panganay Ser..si Teresita,may black-eye panga po eh.." "Kawawa naman Yung mga batang iyan"sir "Weh?is it true ,Denz?"tris "Oo nga,you know?Ang galing nun kaya,ako nga nung 8 years old ako walang kaalam-alam eh,kaso si Teresita grabe,babae pa yon ah pero antapang..." "Matapang nga , dalawang kapatid yung tinatakas nya tas gabi pa Yun."brix "And you know what's more interesting is?Guys,I am Denxel Mond Ellanor..."nakaturo pang Sabi ulit ni Denxel sa sarili nya...nagtawanan sila. "Hanapin mo pake ko,Xel"Sabi ni brix. "Eh ano naman?"Trish. "Sooooo???"ako. "Psh..Wait kasi...Soo eto na nga...I am Denxel Mond Ellanor and she is Teresita Selena Ellanor HAHAHAHA..."natahimik kaming lahat sa sinabi nya...Oo nga pala ,same sila ng last name... "Why is that?How come?"Buray. "Weh?Kaano-ano nyo?"Baks. "Baka naman pinsan mo?" "Hindi ko Alam,Wala namang nasabi sila Mom and Dad na I have cousins or relatives here sa Abra..." "Baka lang talaga kaapilyido mo Lang...kaya we better hurry guys ,sila Denxel and Derix ay maiiwan sa Man-abo..." Naligpit na namin lahat at nakasakay na kami sa sasakyan. Hope to see you again, Teresita...be strong always.Take care. A/N:Guys yung lugar na nabanggit is totoong lugar po. Lamag-an- real name is LAMAGAN,salita nila doon ay Ang salitang ITNEG. TABUNGAO- real name is TABANGAO, salita nila doon ay ang salitang ILOCANO. MAN-ABO-real name is MANABO,Itneg at Ilocano Ang salita nila doon. -ang mga lugar na iyan ay matatagpuan sa Abra. -Pls...sabihin nyo sa'kin yung mga Mali ko and itatama ko po. Support my story and Thanks ☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD