"Hindi ko dapat ginagawa to, nakakaloka. Kasi mali to." wika ng OB na pinuntahan ni Keil at Sandy. "Ito naman parang others sige na tulungan mo na kami." giit pa ni Keil. "Para naman hindi kita tinulungan noon kay Hunter." tumarak naman ang mata ng doctora na kaharap nila. "Wala ka naman ginawa nu saka may asawa na ako at happily married kaya tigilan mo na ang panunumbat sa akin niyan." mag kaka batch mate sila noon sa high school at dati itong may gusto kay Hunter na nag papatulong sa kanya dahil typical suplado si Hunter noon. Yun pala malakas na ang tama sa kapatid niya kaya iwas na iwas noon sa mga babae at kaya pala halos gusto ng tumira sa kanila noon. "Sige na tulungan mo na kami turuan mo na kami paano gamitin yan." turo ni Keil sa pills na hawak nito, na iiling na napabuga ng

