"Sira ba ulo mo?" gulat na bulalas ni Keil sa kaibigan ng sabihin nito ang desisyon na siya ang kusang lalayo kay Hailey after what happened. "Siguro nga pero enough is enough pakiramdam ko sa kakapilit ko na maging kami hanggang sa future ako lang yung masaya habang si Hailey palagi na lang siyang na sasaktan." Napa buga naman ng hangin si Keil na kinuha ang wrench saka gigil na ibinato palayo na ikinainis naman ni Hunter. "Abnoy ka ba? Kunin mo yun." "Tingnan mo nga kung gaano na kabulok ang truck na to." sabay sipa sa bumper ng pick-up truck na pilit na kinukumpuni nanaman ni Hunter dahil ayaw nanaman umandar. "Mas matanda pa ito sa'yo pang junkshop na ito pero bakit hindi mo pa isinusuko. Pilit mo pa rin inaayos kahit sa totoo lang mukhang wala ng pag-asa na umadar pa ito. Gets mo

