Gusto ng mapikon ni Hailey sa ipinakikita ni Hunter na attitude, kanina lang sa resort akala mo kung sinong prince charming na pinakilig ang lahat tapos heto back to suplado mode nanaman. Inihatid sila nito sa bahay nila dahil nakatulog na si Honey kaya binuhat na nito kanina at dinala sa kuwarto nito. Hindi niya alam kung anong drama nito bakit may pag kiss pa ito kanina tapos ngayon parang akala mo kung sinong binata. "Tita, Tito. Alis na po ako kailangan ko pa pong bumalik sa resort walang katulong si Keil sa pag-aayos dun." tumaas ang kilay ni Hailey. Ano daw? Tito at Tita? Kelan pa nito tinawag ng ganun ang parents niya e mulat sapol naman nanay at tatay na ang tawag nito sa magulang niya high school pa lang ang mga ito. "Sige. Mag-ingat ka sa pag mamaneho Hunter." bilin pa ng Papa

