Natuptop ni Hailey ang bibig habang isa-isang tinitingnan ang mga picture na isenend sa kanya ng kung sino. Pakiramdam niya nagtaasan ang lahat ng balahibo niya at hindi niya alam kung anong saktong mararamdaman sa mga oras na iyon. Bumagsak siya ng upo sa kama niya na binitawan ang cellphone saka napa pikit habang hindi niya alam ang unang iisipin niya ang possibilidad ba na mabuntis siya ni Hunter o ang sinabi ni Hunter that Shawn is cheating with Marissa. Nakita na mismo ng mga mata niya pero ayaw pa niyang paniwalaan ng una pero heto na ang tunay na ebidensya pero parang nalulutang ang isipan niya. Kadarating lang nila ni Hunter sa bahay nila buti na lang busy ang mga tao sa gaganaping birthday ng kuya niya bukas kaya walang nakapansin sa kanila ni Hunter ng dumating at tumalilis siy

