Halos gumulong na sa kakatawa si Hunter habang lasing na lasing na si Keil na samang-sama ng loob na parang bantang nag susumbong sa kanila ni Nick habang nag-iinom sila sa Taverna. Ayaw sana niyang mag-inom pero napilitan na silang pumunta ni Nick dahil nag banta ito na bubuhusan daw nito ng maraming chlorine ang swimming pool sa west wing ng resort tingnan lang daw nito kung hindi mamuti ang lahat ng guest ng resort na dadaigin pa ang mga nag paturok ng gluta. Muling tumawa si Hunter na dinampot ang lisensyang iniiyakan ni Keil ngayon na ginunting pa nito. 1st time on the history nakita niya si Keil na umiiyak na pati sipon at laway nag halo na dahil lang sa edad nito na dati naman hindi issue rito. Ngayon panay ang pilit nito na 32 lang daw ito at mali daw ang nasa lisensya nito ipapa

