"Mommy hindi na po ba ako makakabalik ng school? Hindi ko na po ba makakasama ang mga friends ko?" tanong ni Honey sa ina na napakagat labi habang nag gagawa sila ng module ng anak dahil nag request muna sila ng homeschool para sa anak na naintindihan naman ng school dahil sa kinasasangkutan niyang issue para makaiwas sa gulo at hindi madamay ang anak nilang si Honey na hindi pa na iintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Marami na itong tanong pero hindi niya masagot ng deretso dahil hindi pa niya maipapaliwanag dito ng maayos ang mga pangyayari. "Makakabalik naman anak may inaayos lang kami ng Daddy." "Gusto ko na pong bumalik sa school Mommy." maktol ni Honey na binitawan ang hawak na pen. "Sorry kung nadadamay ka sa gulo naming matatanda anak. Pangako aayusin namin ito ng Daddy pa

