"Nakakatuwa ang daming tao." ani Hunter habang nakain ang asawa at pinapanood naman nila ang napakaraming taong na nunulungan para sa kasal na gaganapin bukas. Sa partido pa lang nila Keil bukod sa sasakyan nila ni Keil na isang wrangler at hillux, dala din nila ang service van ng resort nila na dala naman ni Nick kung saan naka sakay ang pamilya nito at ilang mga kamag-anak na kasamang manunulungan. Bukod dun meron pa silang 5 jeep na inarkila na sakay naman ang mga kalalakihan na galing din sa side ni Keil na manunulungan sa kasal nito na inusap ni Keil na agad naman na sumama. Kaya heto ngayon napakabilis talaga ng trabaho basta maraming nagtutulong-tulong, hindi na rin pumayag ang magulang ni Sandy umupa pa ng venue ang ikakasal sa lawak ba naman ng bakuran ng mga ito iyon na lang an

