"Teka naman anak dahan-dahan naman." nagagalit na turan ni Veron ng basta na lang tumayo si Hailey sa wheelchair na tulak-tulak ng ina pagdating sa kuwarto kung saan naka confine si Hunter after itong dalahin ng isang concern citizen. Sa isang isla pala na padpad si Hunter sa Brgy. Talim at nag kataon na mahirap na pamilya ang nakapulot kay Hunter at walang linya ng kuryente daw kaya hindi naihingi ng tulong kung hindi pa daw ito nakita ng isang tanod at nakilala na siyang lalaking matagal ng pinag hahanap hindi pa daw madadala sa hospital si Hunter. Kaya kahit hirap ng bumangon si Hailey mula sa hospital bed niya dahil kagabi pa siya parang nag lalabor pakiramdam niya lalabas na talaga ang anak niya at hindi na nito mahihintay ang pag babalik ng ama pero heto at nalaman nila na may nag da

