Maingat na bumangon si Hailey mataas na ang tirik ng araw sa labas ng bintana ng kuwarto ng anak. Bigla siyang nag-alala ng mapansin na wala ang anak sa tabi niya sisigaw na sana siya para tawagin si Honey ng bumukas ang pinto at pumasok ang anak na may dalang tray ng pagkain na dinampot nito sa sahig dahil malamang binitawan muna nito ang tray na dala para buksan ang pinto. Maingat ang anak na pumasok na dala ang tray ng pag kain na ipinatanong sa kama. "Wait lang Mommy wag ka munang kumain may kukunin pa po ako sa baba, wait lang." wika pa ni Honey na nag mamadaling tumakbo palabas ng kuwarto. Sinaway pa niya itong wag tumakbo at baka mahulog sa hagdan pero para itong walang narinig na tumakbo pa rin. Natawa naman siya ng makita ang hotdog at itlog na prito, malamang ang anak ang naglu

