Dahil sa pagtatanong-tanong ulit nilang magkaka-ibigan natunton din nila ang bahay nila Sandy na gulat na gulat ng makita ang pag hinto ng sasakyan nila sa harapan ng bahay ng mga ito na meron ginagayakan na parang meron okasyon, may bibit pa si Sandy na mga malalaking sandok na nakatingin sa kanila. "Anong ginagawa n'yo dito Kuya." bulalas pa ni Sandy na kay Hunter nakatingin. "At saka bakit basa kayo saan umulan?" tanong pa nito na inabot sa isang binatilyo ang dala nito sabay tawag sa mga magulang nito na agad naman lumabas ang ina mula sa loob ng bahay habang sa likod naman ng bahay ang ama nito na may dala pang mahabang itak at puro dugo pa ang kamay. "Tangi**! Ayaw kong maging handa dito." bulong ni Hunter na nag-uunahan sa pag tatago sa likod ni Keil na umaatras na din ng lakad.

