"Bakit di mo sinabi sa akin?" tanong ni Hailey sa anak habang sabay silang naliligo at nakalubog sa bathtub. Nasa likod siya ng anak habang nilalagyan ng conditionaire ang mahaba at makintab na buhok ng anak. Isang bagay na pinag papasalamat niya sa lahat, dahil lahat ng sa anak niya sa kanya nito namana. Ang hirap siguro kung kamukha ito ng ama baka gabi-gabi na lang siyang umiiyak kapag mag liligalig ito noong baby pa. Baka hindi niya kayanin ang 10 taon na malayo sa pamilya niya. "Alin po?" "Na nakita mo na ang Daddy mo sa personal." "Busy ka po kasi, tulog na po ako sa tuwing uuwi ka po mommy." Napakagat labi naman si Hailey, oo nga naman. Dahil sa pag-aasikaso niya ng divorce paper nila ni Hunter, lagi na lang tulog na ang anak sa tuwing uuwi siya. "Nag pakilala ka ba sa kanya ku

