KABANATA 6

2099 Words
Betty's POV.... Pagkalabas na pagkalabas ng anak ko sa hospital ay kaagad ko siyang pinasiyal. Alam kong kailangan pa niyang magpahinga subalit ito ay araw para ipagdiwang ang kaniyang paggaling at para maramdaman muli ng aking anak ang kalayaan mula sa hospital. Masayang tanawin ang aking anak na naglalaro kasama ang ibang bata sa playground. Friendly ang aking anak at napakaliksi kaya naman sobrang nakakatuwang pagmasdan kapag ganiyan siya kakulit. "Nay! Ice cream!" Turo ni Kokoy sa nagtitinda ng ice cream kasi bumili din 'yong mga kalaro niya. Tiningnan ko ang aking maliit na pitaka. Sinilip ko ang natitira kong isang daan. Huminga ako ng malalim bago ako lumapit at ibinili siya ng ice cream. Para sa kasiyahan ng anak ko. Dapit hapon ay umuwi na rin kami pagkatapos kong mapunasan ang kaniyang pawis at mapaltan ulit ng damit. Ang mga sumunod na araw ay naging mapayapa at parang bumalik sa dati. Gigising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok ni Kokoy tapos pupunta ako sa karinderya pagkahatid ko sa anak ko. "Hindi na ako kinokontak ni bebe luvs ko!" Iyon ang naabutan kong scenario sa karinderya. Ang aking amo ay sobrang sama ng timpla. Kitang kita iyon sa pagkunot ng kaniyang noo at simangot. "Magandang umaga baccla" aking bati ngunit binigyan niya lang ako ng masamang titig na para bang may ginawa akong masama. "Bakit?" Tanong ko. "Bakit hindi na kinokontak ng bebe luvs ko? Sinulot mo na ba?" Suminghal ako at napahawak sa aking dibdib. "Lah. Wala akong ginagawa sa'yo at wala akong pakielam sa mga fafa mo Rica" "Bakit hindi na siya nagre-reply?" ngumuso ang aking among bakla habang nakapangalumbaba. Kinuha ko naman ang aking apron at nagsimulang hugasan ang mga pinaglutuan. "Baka naman busy lang" Eme. Baka hindi ka kailangan sa ngayon. Ewan ko ba dito kay Rica. Halata namang ginagamit siya ng lalaking 'yon. Ang lalaking 'yon. Naalala ko na naman ang darating na akinse. Napalunok ako ng maalalang mayroon pa nga pala akong naiwang business sa kaniya. Kinakabahan tuloy ako. Paniguradong aararuhin ako ni Alejandro. Aminado ako.... Masarap at nakakadala ang mga nangyari sa amin ng gabing iyon. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi lalo na't muling nag-fa-flash ang lahat ng mga nangyari. Nararamdaman ko lahat ng sensasyon at inungol ko nang gabing iyon. Masarap. Hindi ko maitatanggi iyon. Bahala na sa akinse. It is what it is. Hindi naman ako virgin. Isa pa, gwapo at magaling siya. Hindi ako lugi. Nakakamiss din naman. Tsaka kailangan ko ng puhunan para sa binabalak kong reselling. "Betty!" Muntikan ko ng mabitawan ang sandok sa gulat. Napatingin ako kay Rica na nakapameywang sa aking harapan. "Oh bakit baccla?" "Naririnig mo ba ako? Sabi ko sa'yo bawal mo agawin ang bebe luvs ko ah?" Napakurap ako ng ilang beses. Bakit sinasabi niya iyon sa akin? Bigla tuloy akong nakonsensiya kasi may booking ako sa bebe luvs niya. "Hindi nga. Bakit?" "Mahirap na. Maganda ka e. Baka matipuhan ka niya" "May anak ako" aking dahilan. "Hindi ako mahilig sa lalaking walang sense ng responsibilidad. Ayaw ko ng walang pera" dire-diretsyo kong sambit. "Hmm...sabagay. Hindi ka no'n magugustuhan kasi may anak ka" tila siguradong sigurado ang boses ni Rica nang sambitin iyon. Mapait akong ngumiti. Totoo naman e. Mahirap magmahal ng isang babaeng mayroon ng anak. Kaakibat ng pagmamahal ng isang single mom, dapat mahalin mo rin at alagaan ang kaniyang anak. Bibihira ang lalaking tatanggap sa babaeng may anak. Kasi may responsibilidad. Hindi naman ako naghahanap ng lalaki sa buhay pero malay mo naman. Paano kung umibig ako? Ganoonpaman, kung papipiliin ako kung pag-ibig ba o anak ko, siyempre anak ko pa rin. Hindi ako magmamahal ng isang lalaking hindi kaya mahalin ang anak ko ano. Mabilis ang naging daloy ng araw. Namalayan ko na lang, dumating na ang araw ng akinse. Alam kong akinse na dahil sa kulay pulang bilog na marka sa aming kalendaryo. Kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba habang tinitingnan ang cellphone ko. Wala pang message ang kumag na iyon ah? Teka. Anong oras ako pupunta kung ganoon? Pumunta ako sa contacts at pinindot ang number ni Alejandro sa aking cellphone. Nag-tipa ako ng mensahe. Ako: Anong oras ako pupunta diyan? Minabuti ko ng bumangon habang naghihintay ng reply. Naglinis ako ng bahay bago inihanda ang almusal namin ni Kokoy. Habang nagpupunas ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko iyon at tiningnan ang text message galing kay Alejandro. Scammer: Pagkatapos mananghalian. Kitakis ganda Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko bago ako muling nagtipa ng mensahe. Ako: Sige. Huwag kakalimutan ang balance mong 2,500. Hindi ka makakatira hangga't wala 'yan. Scammer: Ready na. Ready na rin itong manoy ko. Sumasaludo na. Paki-ready din no'ng sa'yo. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa nabasa. Ang...bastos niya! Hindi ko na siya ni-reply-an. Bagkus ay naghanda na ako para mamaya. Wala naman siyang balak....pilayin ako hindi ba? Ang laki pa naman ng manoy niya. Bago magtanghalian ay ibinilin ko si Kokoy kay Jevie. Nagdahilan na lang ako kay Jevie na naghahanap ako ng pagkakakitaan pa para sa amin ni Kokoy. Sabay-sabay pa kaming kumain ng tanghalian bago ako umuwi at nagbihis. Hindi ko naman paghahandaan ang mangyayari ngayon ngunit sinigurado ko na sobrang malinis ang aking katawan at nag-stretch na din ako para handa ako. Nakasuot ako ng simpleng itim na t-shirt at short na maong. Inilugay ko lamang ang aking itim na buhok at hindi na nag-abalang mag-make up. Pagkasapit ng ala una ay bumyahe na ako at ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng magarang subdivision. "Uy natatandaan kita" ani ng gwardiya sa akin. Kaagad akong tumango. "Doon po ulit sa number na iyon kuya" May tinawagan ito bago ako pinapasok sa loob. Hawak ko ang suot kong tote bag ay nagtungo ako sa bahay kung saan kami nagkita ni Alejandro noon. Huminga ako ng malalim nang nasa harap na ako ng malaking gate. Nakailang lunok ako ng mariin bago ko pinindot ang doorbell. Nag-vibrate ang cellphone ko kaya nagpapanic ko iyong kinuha sa aking totebag. Nakita kong may mensahe na naman si Alejandro. Scammer: Pumasok ka na lang. Bukas ang gate ganda. Sinarado ko ang cellphone bago ko tinulak ang gate. Tulad ng sinabi ni Alejandro, bukas nga iyon. Pumasok ako sa loob. Sinarado ko muna at ni-lock ang gate bago ako namangha sa laki ng bahay na nasisilayan ko. Ang ganda ng tatlong palapag na mansyon. Maging ang disenyo ng hardin ay maganda. Maintain ang mga tanim at ang gaganda ng mga halaman. "Pangarap kong bahay ito" ani ko sa sarili habang nagmamasid sa paligid. Pero hindi ito ang tamang panahon para mamangha, naghihintay pala ang 2,500 ko. Huminga ulit ako ng malalim. Tinapik ko ang sarili bago ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating ako sa pintuan. Kumatok ako ng tatlong beses. "Tao po. Alejandro!" Tawag ko. "Bukas 'yan ganda!" Rinig ko ang pamilyar na boses niya. So nasa loob siya. Kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. This is it pansit. Para sa puhunan! Pinihit ko ang doorknob at tulad ulit ng sinabi ni Alejandro, bukas iyon. Dahan-dahan ko iyong tinulak pabukas. Dinig ko ang tunog ng pinto habang binubuksan iyon. Hinubad ko ang tsinelas bago ako tuluyang pumasok. Ang mga mata ko ay nagpokus sa isang set ng sofa kung saan nakaupo si Alejandro. Nakasando itong itim at isang boxer short. Napunta ang titig ko sa kaniyang buhok. Bagsak iyon at medyo natatakpan ang mukha niya. Halatang bagong ligo. Atleast naligo siya ano. Pinatibay ko ang loob bago ako lumapit. Hindi ko pinahalatang kabado ako. Nanatiling blanko ang aking mukha. Matindi ang titigan naming dalawa hanggang sa tumigil ako sa kaniyang harapan, halos magdikit ang aming tuhod sa lapit ng aming distansiya. Siya na nakaupo at ako na nakatayo. "Hubad" giit ni Alejandro habang may apoy ng pagnanasa ang kaniyang mga mata. Hindi ko inasahan ang pagiging agresibo niya. "Ang...bayad muna" paninigurado ko. Mamaya imbes na 2,500, 250 pa ang ibigay niya. Suminghal siya bago may kinuha ito sa garter ng boxer short niya. Inilahad nito ang 2,500 sa aking harapan. Hinablot ko iyon pero mabilis niyang iniwas sa akin iyon. "Bakit mo nilalayo?" Sumingkit ang kaniyang mga mata bago siya tumayo. Napaatras ako sa bigla niyang pagtayo. "Anong kaya mong i-offer para sa 2,500?" Tanong niya. Tumaas ang kilay ko. "Hindi pa ba obvious 'yon sa ginawa natin noong nakaraan?" Inilapit niya ang katawan. Napaatras ako ulit. "Bakit ka umaatras? Hindi mo ba ito gawain?" Bakit parang in-interrogate naman niya ako ngayon? "Bakit mo tinatanong? Tsaka umaatras ako kasi wala pa 'yong 2500. Walang hawak hangga't walang pera" "Gusto mo ba talaga 'to ganda?" Nahigit ko ang hininga nang bigla niya akong hapitin sa bewang. Napalapat ang kamay ko sa dibdib niya sa gulat. "Anong kaya mong gawin para sa 2,500?" "Lahat kaya akin na. Wala nga sabing hawak hindi ba hangga't wala ang 2,500?" Giit ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo ba talaga 'to ganda?" Bumaba ang kamay niya sa puwitan ko at pinisil iyon. Bumaon ang kuko sa balikat niya sa gulat. "Ano ba? Wala nga sabi hawak hindi ba?!" Tinulak ko siya kahit hindi man lang siya gumalaw. Matagal na tumitig sa akin si Alejandro. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya pero bigla niya akong binitawan. Bakit kakaiba ang kinikilos niya? "Bakit...ang weird mo ngayon ah?" Tanong ko habang niyayakap ang sarili ko. Kinuha niya muli ang 2,500 at inilahad iyon sa akin. "Pwede ka ng umuwi" giit niya bago umiwas ng tingin. Natigilan ako habang nakatitig sa perang nilahad niya. "Umuwi?" Tanong ko. Namali ba ako ng pandinig. "Oo. Kunin mo na 'yang pera tapos umuwi ka na" Umawang ang bibig ko. "Hindi mo ako kakan tutin?" Umangat ang tingin niya sa akin. "Ayaw kong tirahin ang babaeng napipilitan lang" "E-eh?" Hindi ko siya maintindihan. "Magpasalamat ka na lang kaya ano?" Kumamot siya sa batok. "Pero...usapan natin 'to. Bakit? Bakit binibigay mo na lang?" Hindi ko maintindihan. "Nakita kita sa hospital" pag-explain nito. "'Yong perang bigay ko sa'yo, pinambayad mo" "Sinundan mo ako?" Napasinghal ako. "Curious ako kung bakit ka nasa hospital e" kinamot na naman niya ang batok. "Tapos nakita ko 'yong anak mo" Napatayo ako ng tuwid. "Ano naman ngayon?" "Hindi ka talaga pokpok hindi ba? Ginawa mo lang 'yon kasi nahospital ang anak mo" Hindi agad ako nakaimik dahil hindi ko aakalaing malalaman niya ang tunay kong dahilan. "Lahat gagawin ng ina para sa anak nila kaya naiintindihan ko kung bakit ka galit na galit no'ng hindi kita binayaran. Ayan na kwits na tayo" Napatitig ako sa 2,500 na hawak ko. Alam ko dapat maging masaya na ako dahil hindi ko na kailangan pang ibenta ang katawan ko para sa halagang ito pero....parang may mali. "Bakit mo ito ibibigay?" Tanong ko. Umangat ang tingin sa akin ni Alejandro. "Kasi kailangan mo?" Naningkit ang aking mga mata. "Naaawa ka ba sa akin?" Nanlaki ang mga mata at umawang ang kaniyang mga labi. Bullseye. Walangya. May konsensiya pala itong lalaking 'to. "Tingin mo nakakaawa ako kasi nabuntis ako ng maaga at kinailangan ko pang magbenta ng katawan para sa anak ko ganoon ba?" Parang tinatapakan naman ang dignidad ko nito. Hindi ko matanggap. Ayaw ko pa naman sa lahat kinaaawaan. Umiling si Alejandro. Bumukas ang bibig niya pero walang lumabas ni isang salita. Aba. Gusto pa depensahan ang sarili. "Ayaw ko ng utang na loob. Lalo na sa'yo. Customer kita. Hindi mo dapat alalahanin kung anong ginagawa ko at para saan ang perang panggagamitan ko" itinago ko sa aking pitaka ang 2500 at binalik iyon sa tote bag. Ibinaba ko ang tote bag sa isang maliit na coffee table bago ko sinunod hubarin ang t-shirt ko. Bahala na. Mataas ang pride ko. Hindi ako lalabas ng mansyon na ito na may utang na loob. Nakatayo si Alejandro habang pinagmamasdan akong hubarin isa isa ang aking mga damit. Kitang kita ko kung paano gumagalaw ang adams apple niya habang lumulunok. Diniskarte niya ang perang ito. Kailangan niyang makuha ang kapalit ng perang pinaghirapan niya. Nang mahubad ko na ang lahat ay matapang kong sinalubong ang mga mata niya. "Gawin mo lahat. Sulitin mo ang araw na ito. Ang transaksyon ay transaksyon. Hindi ako tumatanggap ng awa" Lumapit ako sa kaniya at sinapo ang kaniyang pisngi bago ko pinalandas ang mga kamay ko pababa sa kaniyang dibdib hanggang sa tiyan pababa ng kaniyang...naninigas na manoy. Naramdaman ko ang pag-igting ng panga niya sa ginawa ko Inilapit ko ang bibig sa kaniyang tainga at bumulong bago ko pinisil ang kaniyang pagkal4l4k! "Ipasok mo, Alejandro"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD