KABANATA 8

1987 Words
Alejandro's POV... "Oy pare!" Kumurap ang aking mga mata nang may pumalakpak sa aking harapan. "Ano? Bakit tulala ka pare? Tagay mo na!" Sabi ni Kula, katropa ko sa kanto. Nag-iigib siya ng tubig sa palengke. "May naisip lang kayo talaga" tumawa ako. Inabot ko ang plastic na baso na may lamang lambanog. Nilagok ko iyon ng mabilis bago sumubo ng pulutan. "Hanep? Ano kayang nangyayari sa tropa natin ano? Nabalitaan ko kay Pareng Manny, may dumadaan daw na babae sa mansyon mo ah?" Inakbayan ako ni Jepot, ang tropa kong nagbabakal bote. Ito trip namin tuwing hapon, minsan napapainom kapag ka may extra. "Ha? Wala" umiling kaagad ako. Mukhang mabilis na nakarating sa kanila ang balita. Napakadaldal naman ng gwardiya sa subdivision namin aba. "Huwag mo na itanggi. Kamusta ah? Siya ba dahilan kung bakit ka tulala?" "May utang lang ako doon sa babaeng 'yon. Ngayon wala na. At hindi ako tulala doon" pagpaliwanag ko habang inaalala ang mukha ni Bettywaps. Isang linggo na nakaraan pero rumerehistro pa rin sa akin ang itsura niya. Gabi-gabi ata akong nag-sa-s4ls4l nang siya ang nakikita ko. Umiinit ang katawan ko tuwing naalala ko ang namumula nitong mukha habang nakaawang ang mga labi. Para niya akong hinahunting ng nasasarapan niyang itsura. Ewan ko ba. Ang dami-daming babae diyan pero parang sa kaniya pa ata ako lib*g na lib0g. Pvta! Hindi ko maintindihan sarili ko minsan e. "Asus pare, sabihin mo na. Masarap?" Sumingkit ang mga ni Kula habang naghihintay ng sagot. "Anong mga posisyon ang nagawa niyo? Kamusta naman ang katawan?" May kung anong dahilan at hindi maganda sa pandinig ang sinabi niya. "Tigilan mo. Hindi 'yon babaeng pakarat lang Kula" naiinis kong sambit. "Uy hephep....bakit ka nagagalit? Normal lang naman sa atin pag-usapan ang mga babae mo ah" "Oo nga. Bakit ka galit ngayon Alejandro ah?" Segunda pa ni Jepot. Tumawa silang dalawa at nag-apir. "Hindi niyo maiintindihan pero huwag nating pag-usapan" Napailing ako at ako na mismo ang kumuha ng tatagayin kong alak. Naalala ko na naman 'yong nangyari. No'ng makita ko si Betty na kasama ang anak niya, napagtanto ko na agad kung bakit niya ako sinampal no'ng sinabihan ko siyang pokpok. Hindi naman pala siya bastang bayarang babae. May paninindigan at responsableng ina siya. Kaya nga nagmalasakit ako e. Nakakakonsensiya 'yong panghuhusga ko at kahit naman ako paloko-loko, marunong naman ako humingi ng sorry. "Wow. Ang Alejandro natin sumeseryoso na oh" natatawang sambit ni Kula. Napailing na lang ako bago ako muling tumungga ng alak at tumayo na. "Oh saan ka pupunta? Hindi pa tapos 'to!" Nangangalahati pa lang ang lambanog. "May gagawin pa ako. Hindi pa pwede magpakalasing" dahilan ko bago ako naglakad palayo sa kanila. "Bawal umalis oy!" Kumaway lang ako tsaka kumaripas ng takbo. Panigurado hindi nila ako palalayasin. Nang nasa isa na akong kanto tsaka lang ako tumigil. Pheww. Ang hirap namang tumakas. Napatingin ako sa kanto kung saan ako napatigil. Naaninag ko ang karinderya ni Rica mula rito sa pwesto ko. Bakit ako dito dinala ng paa ko? Ayaw ko pa naman makita ang bading na iyon. Ilang araw na akong kinukulit. Babalik na lang ako sa mansyon. Wala naman talaga akong gagawin. Sadyang wala ako sa mood para uminom. Tatalikod na sana ako nang may mahagip ang mata ko. Ang babaeng hindi ko nakikita isang linggo na ang nakakaraan. Nakasuot ito ng simpleng daster. Ganu'npaman, angat pa rin ang ganda niya. Nagla-lock ang dalaga ng karinderya. Mukhang siya lang ang tumao ah? Buti naman wala si Rica. Inisin kaya natin? Napailing ako sa isipan ko. Sabi niya huwag na kami mag-usap. Lakas maka-pelikula. End of contract putek. Napakamot na lang ako ng batok. Makauwi na nga lang. Tatalikod na sana ako ulit nang may makitang lumapit sa kaniyang lalaki. Pamilyar pa sa akin 'yong lalaki. Kaagad kumuyom ang kamao ko. Hindi magiging maganda ito. ____________________ Betty's POV.... Naging normal na ang araw-araw kong buhay. Ginamit ko ang 2,500 pambili ng sako sakong damit para sa online selling na gagamitin ko. To ship na raw kaya iniintay ko. Sana dumating na para naman may extra na ako. Sana lang talaga bumenta. Ang ilang natira ay panggastos na namin ni Kokoy. "Ikaw na muna magtinda dito ah? Hugasan mo Betty ng maayos 'yong mga pinggan. Magwalis ka rin! Kapag hindi naging maayos 'yang ginagawa mo, hahanap ako ng bagong tatao" Tahimik na lang akong tumango dahil hindi ako makapagreklamo. Ilang araw na ang lumipas na naging mahigpit at masungit si Rica. Iniiwan niya rin ako ngayon dito pagkatapos niya magluto, sinasadya na wala akong katulong. Nanadya siya dahil feeling pa rin niya, ako ang dahilan kung bakit hindi na siya kinokontak ni Alejandro kasi daw ang huling pagkikita nila ay 'yong na-meet ako ni Alejandro sa karinderya noong nakaraan pang tatlong linggo. Bakit ako kaagad? Inaamin ko na may transaksyon kami pero doon na lang iyon. Wala na akong pake kung hindi na siya kinokontak ni Alejandro ano. Ako pa na-hotseat?! Ako na naman. Nagtatrabaho nga lang ako ng matiwasay dito. Nakakainis naman. Pero okay lang na magtinda mag-isa kaysa naman naririnig ko siyang dramahan ako kasi wala pa raw paramdam ang bebe luvs niya tapos sungit-sungitan ako di'ba. Hindi ko pwede i-down itong trabaho na ito kasi ito palang napagkakakitaan ko. Magre-resign din ako dito kapag nakahanap na ako ng iba. Maghapon akong nagtinda ng mag-isa. Nakakapagod lalo na kapag ka tanghalian, sadyang napupuno kami. "Ano ba 'yan ate, matagal pa ba?" Tanong ng masungit naming suki. Kaagad akong humingi ng pasensiya pagkabalot ko ng ulam niya. Ang hirap ng ako lang dito pero kinakaya ko. Labas sa tainga na lang ang natatanggap kong mga reklamo. Kasalanan ni Rica kung bakit naalis na ang ibang customer. Da-dalawa lang naman kamay ko. Pagod na pagod ako pagsapit ng hapon. Hinugasan ko pa lahat ng plato at kaldero at lahat ng mga lagayan ng ulam. Ramdam ko na hulas na hulas at ang sakit ng kasu-kasuan ko. Bwisit talaga! Hindi talaga ako papasok bukas dahil mali na itong ginagawa ni Rica. Pagkaayos ng mga kaldero at mga plato, sinarado ko na ang karinderya. Sinigurado ko na lock lahat bago ako lumabas. May bitbit akong balot na ulam. Ito na lang ang hapunan namin ni Kokoy. Nasaan kaya ang batang 'yon. Hindi man lang ako binisita dito. Palakad na sana ako nang may tumawag sa akin. "Betty!" Boses pa lang, alam ko na kung sino na. Napapikit ako. Grabeng kamalasan naman ito. Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Isko iyon, isa sa mga pinakakilala kong batugan. Pakain pa 'yan ng magulang sa edad na trenta. Kilala ding siga. Hindi ko siya pinansin. Binalik ko ang tingin sa daan at naglakad ngunit hindi pa ako nakakalayo nang humarang siya sa daanan ko. "Ang suplada mo naman" giit nito habang creepy na nakangisi. Huminga ako ng malalim. "Pwede huwag ngayon Isko?" Wala talaga akong lakas para i-entertain siya. Naglakad ako sa ibang direksyon pero sinundan niya ako. "Kailan mo ba ako papansinin ah? Sagutin mo na ako Betty" Isa si Isko sa mga papansin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako pa natipuhan. Tagal tagal ko na siyang tinataboy e. "Tigilan mo ako Isko. Wala akong panahon sa'yo at lalo sa gaya mong batugan. Bago ka sumuyo ng babae, bakit hindi mo muna subukang magtrabaho" umirap ako at tumalikod para sana sa iba na lang ako daaan ngunit masiyado siyang makulit. "Bastos ka ah!" Hinuli niya ang mga braso ko. "Huwag mo nga akong hawakan!" Winaksi ko ang kamay niya ngunit hinigpitan niya iyon. Napadaing ako sa sakit. "Huwag ka ngang mag-feeling virgin diyan ah. Bakit ba ang pakipot mo ah?! Betty, gustong gusto kita. Ang ganda ganda mo. Ang sarap mo tirahin" Naalarma ako nang ilapit niya ang sarili sa akin. "Ano ba Isko—" "Putangina mo!" Napaupo ako sa gulat nang bigla akong bitawan ni Isko at bumagsak siya sa sahig. Napahawak ako sa dibdib habang tinitingnan ang lalaking sumuntok kay Isko. "Kahit kailan ka Isko. Puro ka kabastusan! Gago!" Sambit ng lalaking naka-puting t-shirt at naka-jersey na short. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. "Alejandro" tawag ko ng mahina. Tumitig sa akin ang binata. "Ayos ka lang ba ganda?" Napakurap ako bago ako tumango ako ng maraming beses. "Ikaw na naman Alejandro!" Napatingin kami kay Isko na kakatayo lang matapos masuntok. Putok ang kaniyang labi sa suntok ni Alejandro. Bahagyang hinarang ng binata ang likod para hindi ako makita ni Isko. "Oo nga. Ako nga Isko. Na-miss mo ba ako?" Malokong sambit ni Alejandro. Suminghal si Isko. "Mali yatang sinuntok mo ako sa teritoryo ko Alejandro" Tumawa ng malakas ang binata. "Mali rin atang angkinin mo ang babaeng ayaw naman sa'yo" "Pake mo! Sa amin na itong dalawa. Walang pakielamanan" "Anong wala? Tropa ko ang binabangga mo 'tol. Alam mo naman ang patakaran ko. Walang dapat na bumabangga sa mga tropa ko hindi ba?" Umabante si Alejandro kay Isko. "Baka gusto mo ulit makaisa sa akin?" Umatras si Isko na parang isang duwag na nilalang bago sumilip sa akin. "Tropa mo ito?" Tanong niya. "Oo. Kilala ko siya" sagot ko na lang. "Eh siga 'to e. Hindi ka naman nakikipag-ibigan sa mga ganitong klase ng tao ah?" Kumunot ang noo niya at hindi makapaniwala sa sagot ko. "May problema ba do'n Isko?" Hinarang ulit ni Alejandro ang katawan sa akin. "Alam mo naman siguro ang ginagawa ko kapag binabastos ang mga tropa ko hindi ba? Gusto mo bang makatikim ulit sa akin?" Bahagya akong namangha nang biglang umatras ulit si Isko. Takot siya? May kinatatakutan pala ang gagong 'yan. "Sa susunod tayo magtutuos!" Giit nito bago kumaripas ng takbo. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong umaalis na siya. Salamat naman. Naglahad ng kamay si Alejandro sa aking harapan. Tiningnan ko iyon bago ako nagpasiya sa sarili na tanggapin iyon. Isang linggo na ang nakakaraan nang hindi na kami mag-usap dahil wala na rin namang dahilan. Hindi ko aakalaing magkikita na naman kami sa ganito pang paraan. "Matagal ka ng ginugulo no'n?" Tanong niya pagkatayo niya sa akin. Pinagpagan ko ang damit bago ko ni-check ang dala kong ulam. Buti naman walang natapon. "Oo. Siga 'yan sa baranggay namin" Huminga ako ng malalim. "Hindi ka na no'n gagalawin. Sabihan mo ako kapag binastos ka na naman. Hindi papalag 'yon sa akin. Siga ako e" ni-flex niya 'yong muscle habang nakangisi. Napatitig ako ng matagal kay Alejandro. Hindi naman pala talaga siya ganoong kagago. Angas niya kanina. "S-salamat" nahihiya kong sambit. "Hindi 'yon libre" giit niya dahilan para mapalunok ako. "Ayaw mo ng may utang na loob hindi ba?" Hindi ako nakailag. Natamaan talaga ako sa sinabi niya. "W-wala akong pera tsaka sinabi ko bang tulungan mo ako—" Naputol ang aking sasabihin nang umabante siya palapit sa akin. "Hindi naman pera kailangan ko e" Napalunok ulit ako nang nagtungo ang mata niya sa labi ko. Nahimigan ko na agad ang gusto niya. Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang linggo. Nag-init ang aking katawan dahil doon. Bahala na. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya doon. "Anong ginagawa mo?" "Nagbabayad ng utang na loob" sagot ko bago ko siya hinila papuntang karinderya. "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya. "Hindi ako gutom" Umirap ako bago ko binuksan ang pinto sa likod. Tinulak ko siya papasok bago rin ako pumasok at ni-lock ang pinto. Nang kami na lang dalawa, mabilis kong inilingkis ang mga kamay ko sa leeg niya. Natigilan si Alejandro sa ginawa ko, halatang hindi inaasahan ang ginawa ko. "Wow. Ang agresibo mo ganda ah?" Mahina siyang tumawa. Kinagat ko ang labi bago ako huminga ng malalim. "Isang round lang, maliwanag?" Umawang ang bibig ni Alejandro bago iyon kumislap ng isang hindi mapaliwanag na apoy sa kaniyang mga mata. "Sure ka? Hindi ako tatanggi?" Tumango ako bago ko nilapat ang labi sa kaniya. Bahala na. Pagbibigyan ko ang sigaw ng katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD