CHAPTER 21 ❤ Magnolia ❤ NAKATITIG LANG AKO ngayon sa mukha ni Seige habang magkatabi kami sa higaan ko. Hinayaan ko na matulog sya ngayong gabi na katabi ko, dahil ito ang huling araw na makakatabi ko pa siya. Sa nakalipas na araw ay mas naging mahirap sa akin. Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko na maiiwan ko siya na walang paalam. Ayoko na maglihim sa kanya, pero sigurado ako na hindi niya ako hahayaang makaalis. Bukas, sa saktong pag-alis niya patungo sa isang probinsya kasama ang Tito Xander niya ay siyang pag-alis ko ng bansa. Tingin ko ay si Sir Xander ang pinakiusapan ni Tita para mailayo si Seige at para hindi niya matunugan ang pag-alis ko. Hinaplos ko ang mukha niya na tiyak kong mamimiss ko ng matagal. Lalo na "yung bawat pagkibot ng kilay niya sa korteng salubong ay hudyat l

