❤ Seige ❤ I LOOKED LIKE a fool while smiling as I walked into the lobby. Lahat ng bumabati sa akin ay nginingitian ko at binabati ko rin na hindi ko naman gawain noon. Gusto kong matawa dahil pare-pareho ang reaksyon nila tuwing babatiin ko sila. "Yow, Bro!" bati ng dalawa na nasa opisina ko pala. "Musta!" nakangiti kong bati at nakipagbanggaan ako ng kamao sa kanila na kinataka nila. "Hanep! Ano ba ang nakain mo ngayon, Segi boy?" nagtataka na tanong ni Paul na hindi parin makapaniwala, habang ako ay umiling lang at pabagsak na naupo sa swivel chair ko at pinatong ang mga paa sa table. "Hmm, I feel like I'm in heaven..." nakangiti kong sabi at napahawak sa labi ko habang iniisip ang lahat ng nangyari sa amin ni Love. "Aha! Tila naka-home base ka na, Segi boy. Tama ba?" nakangising

