Welcome to more pleasurable reading experience. Hot and Steamy. Read at your own risk. Addiction is not a crime here. This is...
Chapter 3: Chasing Ms. Sungit
Napatulala nalang si Janzen sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdang makalayo ang babaeng kanyang nakabungguan. "Shet! I'm late!" Lakad-takbo siyang umalis. Sa parehong direksyon siya nagtungo sa pinuntahan ng babae.
"What's your name?" Kagyat na tanong ng kanyang professor pagpasok niya sa classroom.
"I'm Janzen Punzalan." Tugon niya.
"Mr. Punzalan it's the first day of school. You're one of the two late comers in my class. Ayoko sa lahat 'yung mga nale-late! Do you understand?"
"Yes ma'am."
"Ang gwapo mo pa man din. May lahi ka ba? Nakakaintindi ka ba ng Filipino?" Biglang nakiusyoso ang kanyang professor. Dinig niya ang impit na kilig ng mga kaklase niyang babae.
"I'm Filipino-American ma'am. Nakakaintindi at nakakapagsalita naman po ako ng Filipino."
"Wow!" Reaksyon ng kanyang prof na para bang pati sa kanya ay kinikilig din. "Tumabi ka na kay Ms. Montelibano." Itinuro nito ang bakanteng upuan sa harapan.
Parang may mga bituin sa tabi ng upuan nang makita niyang ang babaeng masungit na nakabungguan niya ang makakatabi niya sa klaseng iyon. Favorite subject niya wala pa man ang Comms I. Kahit na inirapan siya nito sa sandaling iyon, ang mahalaga'y sila ang seatmate.
"Hi sorry ulit kanina." Bulong niya rito.
"Magsulat ka nalang." Iritableng tugon nito. "Wag mo nang ipaalala 'yun dahil naiinis lang ako. First day of this sem pero late ako ng dahil sayo. Very significant pa man din sa grading system ni Ms. Santos ang tardiness. Dahil sayo may isa na akong marka na late."
Hindi na siya umimik pa. Nagsulat na nga lang siya. Pero habang ginagawa iyon ay walang tigil naman siya sa kaiisip kung anong gagawin upang mapaamo ang babae.
It turned out na classmate niya ito sa lahat ng subjects for that sem. Maghahabol pa kasi siya during summer break ng subjects for the first sem. Noon nalang talaga siya ulit na-excite. It was a 360 turn. May inspiration na siya upang maging masaya sa kanilang pagbabalik sa Pinas.
Sa lahat ng subject na nakasama niya ito ay mas lalong naging interesado siya sa babae. Maliban sa dinededma siya nito, na first time in his existence na may nandedma sa kanya. Maganda rin si Ms. Andrea Montelibano. Yes. Alam na niya ang first name nito. Sa dami ng pagpapakilala session sa mga prof ay nalaman na niya iyon. Matangkad tulad niya. Very Asian ang ganda dahil sa pagiging morena nito. Idagdag pa ang pagiging matalino nito at prim and proper. Sobrang active nito sa recitations at hindi nagmimintis ang mga sagot. Talagang napapabilib siya nito.
Ang napansin niya lang ay tila wala itong kaibigan sa mga kaklase nila. Magkakasama na ang mga ito noong first sem pero walang kumakausap dito. Mas may kumausap pa nga sa kanya na mga kaklase nila eh.
Matapos ang huling klase nila sa araw na iyon ay hinabol niya ito.
"Can we talk?" Tanong niya nang sabayan ito sa paglalakad.
"No. Uuwi na ako." Malamig na tugon nito.
"Wala pa naman tayong assignments di ba? Gusto ko lang namang bumawi sa pagiging late mo kanina eh. Aayain sana kitang kumain?"
Himinto ito sa paglakad. Humarap sa kanya. Binigyan siya ng nanlilisik na tingin. "Get lost Fil-Am boy. I'm not your ordinary girl. Hindi ako tulad ng iba na magkakandarapa sayo. Sorry."
Akmang tatalikod na ito at magpapatuloy sa paglakas nang sagutin niya ang sinabi nito. "Kaya nga mas gusto kitang makilala eh. You're not ordinary."
Hindi na muna niya ito kinulit. Nakuntento na muna siya sa ganoong interaction nila. Hanggang makauwi ay ito lang ang iniisip niya. Nawala lang nang makita niya ang nakaparadang Suzuki Jimny sa bahay ng kanyang lolo't lola.
"Wow! The f**k! Kanino 'tong jeep na 'to?" For his first day ay nag-commute lang siya sa kahabaan ng Espanya. Sa New York ay may sarili siyang kotse na ginagamit niya pagpasok. May driver's license na rin siya. Dream car niya ang jeep. Nangako ang papa niya noon na kapag nag-kolehiyo na siya ay bibilhan na siya nito ng jimny. "No way. Is this for me?"
Ilang sandali pa'y tumawag ang kanyang papa. "Do you like it?"
"This is mine pa?!"
"Yes of course!"
Sobrang saya ni Janzen sa mga sandaling iyon. Kinabukasan ay ginamit na nga niya kaagad ang jimny. Manghang-mangha ang mga lalaki niyang kaklase. Karamihan sa kanila ay may mga sasakyan din naman bilang galing din ang mga ito sa maayos na buhay kaya nga nakapag-aral sa UST. Pero kadalasan ay pinaglumang sasakyan ng pamilya ang gamit ng mga ito. Sa kanya kasi ay brand new at latest model pa. Ang mga babae naman ay mas lalo pang na-fall sa kanya. Si Andrea lang talaga ang hindi. Gayunpaman ay napansin niyang bahagya na siyang sinusulyapan nito.
Matapos ang klase ay agad siyang nagpaalam sa mga bagong tropa niyang lalaki. Hahabulin na naman kasi niya si Andrea.
"Oh saan ka pupunta pre?" Tanong ng isa sa mga ito. "Di ba dapat isama mo muna kami sa joyride with your jeep."
"Sorry next time mga pre. Promise. I just need to talk to Andrea." Akmang aalis na siya nang higitin siya ng isa sa mga 'to.
"Wait lang pre. May gusto ka ba kay Andrea?" Si Jomari ang nagtanong. Ito ang pinaka-close niya sa mga bago niyang tropa.
"Oo eh. Kakaiba kasi siya. Mas gusto kong ako ang naghahabol. I think nasa kanya ang mga gusto ko sa isang babae." Nakangiti niyang tugon habang ini-imagine ang babae na kahawak kamay na niya at girlfriend niya.
"Naku pre mag-ingat ka huh?"
"Bakit naman?"
"Siguro naman napansin mong wala siyang kaibigan di ba? Iniiwasan kasi 'yan ng mga lalaki at mga babae sa batch natin. I know na matalino siya. Maganda. Pero kakaiba raw ang ugali. Parang may mental problem. I don't know. 'Yun ang usap-usapan."
Hinawakan niya sa balikat si Jomari. "Ako na ang bahala pre. Usap-usapan lang naman 'yun eh. May naglakas na ba ng loob sa inyo na kausapin siya? Na kilalanin siya?"
Nagtinginan lang ang mga ito. That means the answer was 'no'.
"I'll be the first one to do it." Saka na siya umalis at sinundan si Andrea. Mabuti nalang at naabutan niya ito sa parehong pathway na dinaraanan nito. "Andrea!"
Lumingon ito. "Ikaw na naman?"
"Please hayaan mo na akong bumawi sayo. Gagawin ko ang lahat."
"Lahat? Gagawin mo ang lahat?"