Chapter 4

1229 Words
Four Years Later. “Kristoff, please lang inumin mo na ang gamot mo para hindi ka na mahirapan huminga.” Mariing sabi niya sa anak niyang tatlong taong gulang habang hinihila ito paupo sa bench. Hinabaan naman siya nito ng nguso pero sumunod naman sakaniya ang anak. She gently ruffled his hair. Kasalukuyan sila nasa pagamutan dahil kailangan na nitong mapasailalim operasyon sa puso. Kristoff has a congenital heart abnormality called Tetralogy of Fallot. May butas ang pagitan ng kaniyang puso, makapal ang kanang bahagi nito at maliit din ang butas ng ugat na papunta sa kaniyang baga. He is a blue baby dahil sa kulang sa oxygen ang dugong dumadaloy sa katawan nito. Madalas din itong hingalin dahil na din sa sobrang kalikutan nito. Hindi nito iniinda ang kaniyang sakit dahil puro laro nasa loob ng isip. She sees herself in his attitude na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. But at least he knows his limitations. Kristoff would always sit down when he knows that his heart is tired. At kadalasan sa mga panahong iyon ay ubos na din ang pasensya ni Tabitha sa bata. “Mama naman. Mahuhuli ko na ang butterfly.” Dipensa naman ng bata. They were at the hospital’s garden, nakaadmit na ang kaniyang anak dahil kailangan itong obserbahan ng mga doctor ng ilang lingo bago ito maoperahan. Kristoff was diagnosed late dahil hindi agad lumabas ang mga sintomas ng heart defect nito, kaya naman tatlong taon na siya bago kinailangang operahan. But as sick as he is ganoon naman ito kakulit. Kinuha nito ang syrup na gamot at ininum ito. “Nanay said, wag daw ikaw papagod kasi galling ka palang work. Rest ka nalang sa room, okaaaaay?” Nakangiting sabi pa nito sakanya while neatly placing the medicine container back at her hand. Kristoff looks like her pero the moment he smiles, the face of his father shows. He is growing more looking like his dad. The person she loves. The only one who has her heart. Now she has his mini me version. Sa totoo lang maslalo niyang minamahal si Tristan dahil na din sa anak niyang kamukhang kamukha ng ama. “Para makatakbo ka nanaman kung saan saan?” marahan niyang pinisil ang pisngi ng batang alam na alam mong madaming iniisip na kalokohan. “Kristoff Abraham hindi mo mabibilog ang ulo ni mama. Kaya halika na doon sa kwarto mo at magpahinga ka na. You know that you need to rest, di ba?” Bumusangot lalo ang bata sa harapan niya. She wanted to grin, but she also wanted to be that disciplinary figure this child need as he is growing up. Kids need boundaries in order for them to grow up as a good person. Kaya naman niyakap nalang niya ito to hide the grin she has at kinarga na niya ito. Hindi ganoon ka taba ang anak niya. It was part of his condition. Mahirap siya mag gain ng weight. Hopefully that’ll change once he finally gets his heart fixed. But his condition was never a hindrance for him on being a kid. He loves running around and making a mess. He’s a feisty fireball of energy na kinagigiliwan naman ng kaniyang lolo at lola. Tabitha opted to stay with her parents dahil na din sa kailangan niya ng makakasama lalong lalo na sa sitwasyon nilang mag-ina. Ang madrasta din naman niya ang nagtaas ng concern na iyon. They needed to look after Kristoff lalo na sa kondisyon nito. And Andrea was a great grandmother to her son. She dotted on him and would be his side kick in most of his back yard antics. Andrea was even more protective of Kristoff than her own sons who are now school age kids. At dahil na din sa tulong n iyon ng kaniyang pamilya, she is now a Full pledge OB-Gynecologist but being a mom makes her want to be a pediatrician instead. Nilalaro ni Kristoff ang kaniyang buhok habang nakasandal ang mukha nito sa kanyang leeg. “Lam mo po Mama, nakakita ako kanina ng pogi.” He paused for a moment na parang mag-iisip pa kung anu ang isusunod niya sa kwento niya. “Pero syempre mas pogi ako. Laki pa tuytuy ko din dun. Sabi nya kasi kasing pogi nya ako, sabi ko naman maspogi ako kasi laki tuytuy ko sakanya.” Nakangiting saad ng bata na kamuntik na niyang mabitawan dahil sa sinabing iyon. “At sino ang nagsabi sayo na masnakakapogi ang pagkakaroon ng malaking tuytuy?” she asked trying to mask the laughter and shock in her voice. “Si Uncle Willie.” He stated matter of fact. Si William ang kaniyang pang apat na kapatid. She has five step-brothers and they are something. Natawa nalamang siya sa kwento ng anak niya. “Pero kilala ng pogi si Nanay. Nagmano nga sya kay Nanay. Pareho kayo mama, parating naka puti ng damit.” Saad nito. Napaisip siya. Her son would seldom call a man pogi unless pogi nga ito. He would usually describe them as tall or tanned, or with distinguishing facial features like mustaches or beauty marks. “Yang pogi ba na yan ang kasama dati ni Ninang Brit mo? Si Dr. Jhared?” tanong niya dito. He chuckled, “Mama, si Dok Jar-head po, di sya pogi. Matangkad yun.” Sabi nitong mahaba ang nguso. “Tapos nagkikiss yun kay Nanay. Di nagmamano.” That made her more curious. Si Jhared lang naman ang close sa pamilya nilang doctor sa hospital na iyon. But she haven’t been to other departments. Sa sinabing iyon ng anak, bigla na lamang siyang kinabahan. How can she be stupid not to think of the possibility of Tristan practicing at the same hospital? After all this hospital was named after his late father. Malapit na sila sa kwarto kund saan sila nakaassigned. She would have to ask her step mom about this pogi Doctor her son was talking about. “Maaaaa!” biglang naging excited ang kaniyang anak. “Sya yung pogi oh!” He was pointing to someone behind them. Biglang bumilis ang pulso niya, sinubukan niyang lumingon habang karga karga pa ang kaniyang anak. Unang nagtama ang mga mata nila ni Tristan. His eyes showed a hint of surprise bago ito napalitan ng ngiting halatang pagpapanggap para hindi mapansin ng batang karga niya. “Hi Kristoff!” pagbubungad pa nito sa anak nila. “Siya ba ang mama mong parating nakasuot din ng puti?” Tumango naman bilang sagot ang bata. “Opo! Galing lang siya sa work. At sabi ni Nanay pagod na pagod siya kaya dapat daw good boy ako.” Sabi pa nito. “Mama. Di ba sabi ko sayo Pogi sya? Pero mas pogi ako di ba?” inayus ni Kristoff ang sarili niya. He was now holding his mom’s face in between his hands, at dahil din sa karga niya ang bata huminto din siya sa paglakad para hindi sila maaksidente, at naabutan na din sila ni Tristan. Ngumiti naman si Tabitha. “Opo, maspogi ka. At love love ka din ni mama.” Then she looked up to Tristan. Masmatangkad sakanya ang lalaki kahit naka heels na siya. He was smiling at her son. But his smile faded when he looked at her. Shoot I got some explaining to do. Saad niya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD