Tatlong mahihinang katok sa pintuan ng kanyang opisina ang pumukaw sa atensyon ni Ella habang abala sya sa pag ta type sa kanyang computer. Bumuntong hininga muna sya bago nya tugunin ito.
"Pasok." Agad na bumungad sakanya ang mukha ng kanyang tauhan na si Ana na tila nababahala.
"Miss Ella may naghahanap po sainyo." Kunot noo siyang nagbalik tanong sa kanyang tauhan dahil wala naman siyang inaasahan na bisita.
"Sino?" Ani niya.
"Si Mrs. Escobar daw po Miss".
Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang mapagtanto nya kung sino ang dumating na bisita. Ang mama ni Luke.
Bago pa sya makasagot ay nakapag salita agad si Ana.
"Mukhang antipatika ate" bulong nito sakanya.
Sasagot pa lang sana siya nang bigla itong pumasok sa kanyang opisina.
"Iwan mo muna kami Ana, ipaghanda mo ng meryenda ang ating bisita."
Inilibot ng ginang ang buong mata niya sa loob ng kaniyang opisina na para bang hindi nagugustuhan ang mga nakikita nito.
Si Ella na ang unang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan nilang dalawa.
"Good afternoon po Mrs. Escobar. Have a seat po." Magalang na sabi ng dalaga
"Wala po si Luke ngayon, nasa seminaryo po sinusundo sila Father Anselmo. Next week pa po ang balik nila." Dagdag pa niya.
"Magkano ba?" Ani Mrs. Escobar.
"Po?" Naguguluhang tanong ni Ella.
"Alam kong matalino ka kaya wag ka na mag tanga tangahan pa. Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Galit na sabi ng ginang.
"Hindi ko po kayo maintindihan mam".
"Magkano ba para layuan mo ang anak ko?" Deretsahang tanong sa kanya ng ginang.
Napalunok si Ella sa kaniyang narinig. Hindi niya inakala na kahit sa panaginip ay mangyayari sakanya ang eksenang minsang sa palabas lang sa TV niya napapanood.
"Mahal ko po si Luke Mrs. Escobar. Walang kahit na halaga ang makatutumbas sa pag mamahal ko para sa anak ninyo." nakatungong sabi niya.
Pero imbis na sumagot ang ginang ay malakas siyang sinampal nito at pinag sisigawan.
"Ang kagaya mong makasalanan na babae ay hindi marunong magmahal. Alam kong pera lang ang habol mo sakanya. Kung totoong mahal mo ang anak ko ay hindi mo siya aagawin sa Diyos na pinaglilingkuran niya" bulyaw ng matandang babae sakanya.
"Mam si Luke po ang nag desisyon na umalis ng seminaryo at hindi ko po siya pinilit." Umiiyak na sabi ni Ella
Pero mabilis siyang nilapitan ng matanda at hinablot ang buhok niya at pinagsasampal. Nasasaktan man ay hindi na siya nag abala pa na labanan ito dahil na rin sa pag respeto nito sa matanda at nanay ito ng kaniyang nobyo.
Bago sya tuluyang iwan ng ginang ay nag banta pa ito na pagsisihan niya ang pag agaw nito sakanila sa kaniyang anak.
Pagka labas na pagka labas ng ginang sa shop at agad na nagtungo si Ana sa opisina ni Ella para tignan ang lagay ng dalaga. Naabutan niya itong nakatungo sa kaniyang lamesa habang umiiyak.
"Miss okay lang po kayo?" Nag aalalang tanong ni Ana
Ngunit hindi siya tumugon.
"Miss gusto nyo po ba tawagan ko si Sir Luke?" Dagdag pa nito.
Sa pagkakataong iyon ay nag angat siya ng mukha.
"Huwag na Ana. Okay lang ako. Ayokong mag alala si Luke. Basta mangako ka sa akin na sa pagitan lang natin dalawa ang nangyari ngayon. Walang sanang ibang makakaalam lalong lalo na si Luke." Mapait siyang ngumiti.
Buong maghapon siyang hindi naka pag focus sa ginagawa niya. Wala siyang ginawa kundi ang umiyak. Hindi na rin siya nakakain mag hapon dahil nawalan na sya ng gana. Kahit ang uminom ng tubig ay hindi niya magawa.
Kasalukuyang hinihilot niya ang kanyang sentido nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tignan nya ang screen nito ay nakita niyang si Luke ang tumatawag.
Ilang beses siya bumuntong hininga bago tinanggap ang tawag nito.
"Hello love?" Pilit niyang pinasaya ang tono ng boses niya. Pero hindi nakatakas sa pandinig ni Luke ang pigil niyang pag hikbi. Agad naman siyang napa kagat sa ibabang bahagi ng labi niya para pag takpan ito.
"Umiiyak ka ba love?" Nag aalalang tanong ni Luke sa kabilang linya.
Doon ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang luha at tuloy tuloy na nag landas sa kaniyang mga pisngi.
"What happen love? May problema ba?" Tanong ulit ni Luke nang hindi niya sagutin ang unang tanong nito.
"Wala love, na mimiss lang kita. Tagal na kasi natin di nag kikita. Kahit nag vi video call tayo araw araw iba pa din yung nandito ka sa tabi ko" pag sisinungaling niya.
Hindi niya pwedeng sabihin dito ang nangyari dahil sigurado siya na magagalit na naman ito sa kaniyang ina. At yun ang ayaw niyang mangyari dahil ilan beses na niyang sinubukan na kumbinsihin ito na makipag ayos na sa kaniyang ina ngunit nabibigo lamang siya.
" Ganun ba love, ako din miss na miss na kita. Pag matapos lang ang inaasikaso ko dito makakauwi na din ako sa makalawa kaya pwede pa tayo magkita dahil may tatlong araw pa bago ang araw ng kasal nayin." masayang sabi nang binata.
Natuwa naman siya sa sinabi ng binata. Hindi man niya alam kung ano ang inaasikaso nito ay hindi na siya nag tanong. Hindi rin naman nag kwento si Luke tungkol don.
"After ng bridal shower na inihanda sakin ng buong barkada uuwi ako agad para maipagluto kayo ng almusal nila Father Anselmo" masayang wika niya.
Para siyang nabuhayan ng loob. Sabik na sabik na siya makita si Luke. Mayakap at mahagkan ang binata.