Pabalik balik ang lakad ko sa labas ng kwarto ni Cassandra habang naririnig ang mga sigaw niya. Nanganganak na kase siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos kakasigaw.
Tapos? Napangiwi ako sa naisip.
Itong kumadrona kase di ako pinapasok akala mo naman malaking germs ako. Pwe! Buti pa si Aling Fe nasa loob kasama niya.
"Jusko naman! Nakakatakot pala manganak. Ang sakit sa tenga ang pagsisigaw ni Cassandra. Paano pa kaya ako in the future? Baka nga mas malala ang kahinatnan ko kapag mabuntis man ako." sabi ko sa sarili ko.
Hindi talaga ako mapakali dahil ilang oras na ang lumipas. Pwede pala yun? Napatampal ako sa noo habang umupo ulit sa silya pero agad din tumayo dahil hindi ako kumportable parang may kiti kiti ako sa pwet.
Nagulat akong tumunog ang phone ko.
"Ay shuta! Sinong baliw ang tatawag dis oras ng gabi?" bulong ko.
Nakakunot ang noo ko habang nakatitig sa screen at binasa ang pangalan. Nang mabasa ko ito ay lumiwanag ang mukha at mabilis itong sinagot.
"Hello, Nix? May sasabihin ako sayo. Alam mo bang nanganganak na si Cassandra? Hanggang ngayon rinig ko parin ang sigaw niya. Grabe pwede palang matagalan sa panganganak? Kinakabahan tuloy ako. Hello? Nandyan ka pa ba?" bungad ko dito.
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa mula sa kabilang linya. Napakamot nalang ako sa noo dahil sobrang daldal ko pala.
"Hmm. Yes! I'm listening. I won't ask you what you're doing coz' you already said it."
Napanguso naman ako. Pero naalala ko kung bakit siya tumawag tapos alas dose na. Umupo ako bago sinagot ang tawag.
"Napatawag ka pala? Alas dose na. Hindi ka pa rin natutulog?" tanong ko na puno ng pag-alala. Simula noong binangung-t siya ay madalas nahihirapan siyang makatulog lalo na't hindi niya ako katabi kaya hindi ko mapigilang mag alala.
Kahit na gwapo pa rin ito dahil kulang sa tulog ay mas maayos pa rin kung kompleto ang oras ng tulog niya.
"Hmm. I miss you. I need you here."
Natahimik naman ako dahil sa narinig at napangiti ng mapait. Kahit gusto ko siyang puntahan perohindi pwede dahil kailangan ako ni Cassandra lalo na ngayon. Paano pa kaya next days?
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. " Alam ko pero alam mo naman ang sitwasyon namin diba?"
Rinig ko ang marahas niyang hininga sa kabilang linya.
Napakagat ako ng kuko dahil alam kung naiinis na rin siya. Ako rin naman pero hindi ko naman pwedeng iwan dito si Cassandra. Nag iisang pamilya niya ako at ganun rin ako sa kanya. Magkapatid ang turingan naming dalawa.
Kahit miss na miss ko na siya at gusto ko ulit siyang lutuan ngunit di pwede.
Hindi ko rin alam kung anong tawag samin dahil hindi naman siya palasalita. Basta siya yung lalaking action speaks louder than words. Di ko rin masisi kung kunti lang ang alam ko tungkol sa kanya dahil di naman siya palakwento di tulad sakin na palaging may baong kwento sa kanya. Di ko talaga magets kung bakit nagkakaintindihan kaming dalawa eh ang layo layo ng personality naming dalawa.
"Damn! I know but I can't help i—Bud! Mamaya na yan kailangan na natin umalis. Nagbubuga na ng apoy ang dragon."
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig mula sa kabilang linya. Ano daw? Dragon? May lakad sila? Dis oras ng gabi may lakad. Ano sila, bampira o aswang? Makanocturnal ang mga ito akala mo real.
May tinatago ba si Nix sakin? Kung meron man wala naman akong balak alamin yun dahil hindi naman ako feeling close sa kanya. Alam ko naman ang limitasyon ko at di rin naman nag kukuwento sakin si Nix tungkol dito. Kung may lihim man siya sakin ayos lang wag lang niyang sagadin kundi pati kaluluwa niya sisirain ko lalo na't may tiwala ako sa kanya.
"Mukhang may gagawin kayo. Alas dose na wala baka kayong balak matulog?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Rinig kong huminga siya ng malalim.
"Just something came up. I'll just call later. I need to hang up. Take care, okay? Goodbye."
"Okay. Ingat ka rin."
Matapos ko yun sabihin ay binabaan ko na siya ng tawag. Napatitig ako sa screen bago ito binulsa at umiling iling.
Napatayo naman ako ng bumukas ang pinto at lumabas ang pawisan na si Aling Fe. Nagtataka naman ako dahil maputla siya.
May masama bang nangyari kay Cassandra?
"Ay sus ginoo. Apat? Apat ang iniluwal mo ineng?Anong klaseng semelya ang meron ng kanilang ama ere?"rinig namin sa loob at may narinig din kaming kalabog kaya mabilis pa sa alas kwatrong pumasok kami.
Nanlaki ang mga mata ko makitang nakahandusay sa lapag si Aling Linda.
"Ay naku! Aling Fe, si Aling Linda nahimatay." natataranta kong sigaw.
Bakit kay ito nahimatay? Ngayon lang in history na ang kumadrona ang nahimatay imbes na ang babaeng pinaanak niya. Baliktad na ata.
"Susko! Natalo pa ata si Cassandra sa reaksiyon ni Linda. Pambihira!"rinig ko pa mula kay Aling Fe. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mag alala dahil malay ko ba na ganito ang mangyari.
"Lalabas muna ako Aling Fe para tumawag ng mga lalaki." paalam ko pero hindi man pa ako nakalabas ay bumangon si Aling Linda na tila hindi nahimatay.
Napakamot nalang ako sa ulo. Lumapit ako sa kanya at tinanong kung ayos lang ba siya. Tumango naman siya at pinahid ang pawis sa kanyang noo. Agad naman siyang binigyan ni Aling Fe ng panyo at tubig.
"Upo ka muna Aling Linda baka mahilo ka't mahimatay ulit." sabi ko dito na agad niyang sinunod.
Nang makita ko siyang umupo sa may silya habang si Aling Fe ay lumabas sa kwarto lumapit ako kay Cassandra na ngayon ay gising na gising sa kama habang katabi ang apat niyang anak.
Apat?!
Mabilis akong lumapit sa tabi ng kama at pinagmasdan ang apat na sanggol habang nakanganga.
Maryosep! Hindi ako nanaginip diba? Diba?! Kinusot kusot ko ang aking mga mata at muling tinitigan ang mga sanggol.Shuta apat! Apat nga! Apat talaga nakikita ko. Napatakip ako sa bibig.
Tama nga si Aling Linda ibang klase rin ang semelya ng ama ng mga anak ni Cassandra. Duble kayod ang gagawin namin dito. Ayos lang naman pero nakakagulat talaga. Ano yun sharpshooter ang peg? Ibang klase talaga.
Napamewang ako habang nakatitig sa mag-ina. Nakangiti si Cassandra habang pinagmasdan ang mga anak niya. Suot din ng mga bata ang binili naming damit.
"Mga anak ko. Pambihira bakit kamukha niyo ang ama niyo? Ako ang naghirap tapos ganito? Unfair."
Nakakunot ang noo ko dahil sa narinig mula kay Cassandra at tumitig sa mukha ng mga bata. Oo nga! May kamukha sila. Sino nga ulit yun? Nakalimutan ko na. Sinearch ko pa yun eh. Tsk! Di bale ang ganda ng genes shuta. Ang cucute. Sarap ibulsa tapos ang tatangos ng ilong. Ang lakas ng genes talaga.
Doon ko rin nalaman na tatlong lalaki at isang babae ang isinilang ni Cassandra. Sa ngayon ay papunta kami ni Aling Linda sa munispyo para sa birth certificate ng mga bata. Ako ang nakatuka dito dahil baka mabinat si Cassandra. Mahirap na.
"Ayan! Malalaking letra yan para hindi ka magkamali." Bilin ulit niya. Napairap ako. Anong akala niya sakin di marunong magbasa? Sakit niya sa bangs.
"Oo na! Oo na! Paulit ulit ka rin eh. Alam ko na ito. Saulo ko na ang pangalan ng mga bata. Ibang klase ka rin eh no'? Paglaki nito maiinis sila sayo. Ang haba ng mga name." aniko.
"Nagsalita ang hindi mahaba ang name."
Napanguso naman ako. Ayos lang dahil maganda naman ang name ko tapos bagay sakin.
"Oh siya! Aalis na kami ni Aling Linda. Basta kapag kailangan mo ng tulong nandyan si Aling Fe. Nasa kusena siya." bilin ko rin sa kanya.
Lumabas ako ng bahay namin at nadatnan ko si Aling Linda nakasakay na sa tricycle. Sabagay ang init init din naman kase. Patakbo akong lumapit dito at tumabi kay Aling Linda.
"Sa munisipyo po." sabi ko kay Manong.
Nang umandar ang tricycle ang siyang pagtunog ng phone ko. Napangiwi naman ako dahil nasa bulsa itong ng pantalon.
Dugo't pawis ang ginawa ko para makuha ang phone dahil medyo mahirap kunin. Sa awa ng dyos nakuha ko rin.
Nix calling......
Napataas ang kilay ko sa nabasa.
Buti't napatawag ito.
"Hello! Good morning! Kumusta lakad niyo? Hindi ka na busy? Napatawag ka agad eh. Teka! Kumain ka na ba? Kasama ko si Aling Linda pupunta kase kami sa munisipyo para sa birth certificate ng mga bata." aniko.
Natahimik naman si Nix sa kabilang linya habang kinalabit ako ni Aling Linda kaya napabaling ang atensiyon ko sa kanya.
"Sino ba yan? Hanga ako sa kausap mo dahil ang dami mong tanong. Hindi ata nabubwesit sa kadaldalan mo."anito at tumawa sa huli.
Inilapag ko ang dala kong plastic envelope sa ibabaw ng aking hita at napakamot sa noo.
Hindi naman madami yun ah!
"Huh? Eh kunti lang naman ang tanong ko yung—."
"Oo na! Oo na! Kausapin mo na yan baka nakadistorbo ako sa inyo." nakangiti nitong sabi.
Napailing iling nalang ako at muling tinoon ang atensiyon sa kausap ko sa phone.
"Hello? Ayo? May tao pa ba sa kabilang linya? Bak—."
"I'm still here. I'm listening. Sorry if I call you late."
Paumahin nito. Anong late? Ang aga aga pa nga eh. Wala rin akong tulog shuta talaga! Pinili naming maagang pupunta sa munisipyo dahil maraming tao ngayon. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang ay maraming tao.
"Ayos lang uy! Alam ko naman busy ka. Nga pala! Nakauwi ka na? Di mo sinagot ang tanong ko tungkol sa kumain ka na ba? Ano? Mag oorder ka ulit? Sabi ko sayo eh tuturuan kita kung paano magluto for the future purposes only. Malay mo mas masarap pala luto mo kesa sakin. Hehehe."
Narinig ko ang mahina niyang tawa pero agad yun nawala dahil may nagsalita sa kabilang linya.
"Woah! Woah! Woah! Who's that, man? Tumawa ka man! Himala! May secret ka rin man---What the fvck are you doing here? Get the hell fvcking out!---Hoy! Bad trip agad! Grabe! Susumbong kita kay Montero.---The hell you care! Just get fvcking out! You're disturbing me!---Disturbing me! Disturbing me! If I know, you're talking with your w--Aray ko! Oo na! Oo na! Malaking bwiset ka talaga! Makatulak naman akala mo hindi tayo friend."
Matapos yun ay nawala ang kalambag sa kabilang linya at malakas na pagsarado ng pinto. Rinig ko lang ang malalim na hininga ni Nix sa kabilang linya.
"Damn! I'm sorry for that noise. Some of my friend visiting me here."
Napakamot ako sa noo.
"Edi mabuti yun. May bumibisita sayo dapat di mo pinaalis para may kasama ka. Ang boring kung ikaw lang dyan." aniko.
"Whatever, darling."
Agad akong namula dahil sa tinawag niya sakin.
Darling
Ang corny ng call sign pero kapag galing sa kanya nagwawala ang lamang loob ko parang my kumiliti sakin na hindi ko nakikita. Nakakatakot man isipin pero di ito hadlang para kiligin ako ng tudo tudo. Ito na eh! Bibitawan ko pa ba? Aarte pa ba ako? Matagal ko na itong pinangarap tas mag feeling maganda ako? Maganda na ako uy. Inborn na yan kaya no need na.
Habang nasa byahe kami ay kausap ko pa rin siya. Ang yaman niya boy. Daming load.
"Sige na. Babye na nasa munisipyo na kami. Maingay dito di kita maririnig dito." paalam ko sa kanya.
"Okay! See you later."
Kumunot ang noo ko habang tinitigan ang phone. Anong see you later? Sira!
"Lory, hali ka na." tawag sakin ni Aling Linda.
Pumasok kami sa munisipyo at tinungo ang registrar. Nakausap din namin si mayor at ngayon ay tinitigan ko ang birth certificate ng mga bata.
NAME: Zeus Thanatos Evangelista
S-X: Male
Date of Birth: May 16, 20
PLACE OF BIRTH: Bagong Buhay 1, San Jose del Monte, Bulacan
MOTHER: Cassandra Echidna Nyx Evangelista
FATHER: N/A
Kung pwede lang ilagay ang pangalan ko dito ilalagay ko talaga. Parang ako rin naman ang tumatayong ama ng mga ito eh. Ang swerte ni Cassandra. Napailing iling nalang ako dahil sa naisip ko kahit totoo naman.
Napatingin ako sa dulo ng birth certificate.
ATTENDANT: Hilot
CERTIFICATION OF BIRTH:
I hereby certify that attended the birth of the child was born alive at 12:30 o'clock am/pm on the date stated above.
Signature_____
Name in Print Erlinda Alonzo
Title or Position Hilot
INFORMANT
Signature ____
Name in Print Lorena Athenarose Galansa
Blah blah blah
Napatitig ako sa maganda kong pangalan. Sa sobrang ganda nito ay hindi ko pa rin matigilang humanga kay inay. Ibang klase rin ang binigay niyang name sakin. Binigyan niya ako ng magandang name na kasing tulad ng aking kagandahan bago sumakabilang buhay.
At ito naman si Cassandra naging favorite niya ata ang letrang Z.
Zeus
Zephyr
Zuhair
Zebediah
See? Kaluka! Dinamay pa ang nanahimik na si Zeus. Buti nalang di na magkapareho ang second name nila kundi iwan ko na lang.
"Tara na, Lory. Tanghali na. Kakain nalang tayo sa karenderya."
Lumingon ako kay Aling Linda na na may hinahalungkat sa dala niyang shoulder bag. Nang makita niya ito ay inilabas niya ang kanyang payong.
"Maglalakad lang tayo?" tanong ko dito nang lumapit ako sa kanya.
"Oo naman para tipid." masungit niyang sabi at naglakad papalabas munisipyo.
Napakamot ako sa ulo at sinundan siya.
Tirik na tirik ang araw habang naglalakad kami sa tabi ng kalsada. Ito ang gusto ko sa probinsiya eh. Walang traffic. Kunti lang ang sasakyan tapos lahat ay rela o tricycle. May mga kotse naman pero bilang lang. Halos mga motorcycle rin pero yung iba maiingay.
Hawak ni Aling Linda ang pinagsilungan namin na kanyang payong. Dami ring mga tao sa paligid at lahat sila ay abala. Di ko alam. Di ko naman hawak schedule nila sa araw araw na hanap buhay. May iba nakikimarites o hinuhusgahan ang mga taong nakikita nila.
Tulad ko. Mukha silang temang dahil tila ngayon lang sila nakakita ng isang magandang binibini na ginawa ng maykapal. Nasasanay na ako sa kanila lalo na't araw araw ko naman ito nararanasan. Iwan ko ba sa kanila. Palagi naman nila ako nakikita lalo na't nasa palengke ako nagtatrabaho bilang tindera ng mga isda at gulay. Iba nga dito suki ko pa. Hay naku! Iba talaga kapag maganda.
"Ikaw, Lory. Kailan ka magkakaroon ng anak?" anito.
Sumulyap ako kay Aling Linda at muling tinoon ang atensiyon sa daan. Napangiti ako sa tanong niya. Pangarap ko rin naman ang magkaroon ng anak. Yung kaya kong eere. May family planning dahil mahirap ang buhay. Pero sa ngayon wag muna dahil kailangan pa ako ni Cassandra. Mahirap magpalaki ng bata kapag nag-iisa ka lang. Lalo na sa case ni Cassandra dahil hindi lang isa kundi apat sila. Tsaka na kapag medyo lumaki na ang mga bata.
"Kapag mayaman na ako, Aling Linda. Alam mo na mahirap ang buhay. Upgrade ko muna life ko from poor to rich. Pwede rin walang pera na tita to rich na tita." Biro ko pa.
Napailing siya sa sinabi ko pero ngumiti kilaunan. Gusto ko rin sana siyang tanungin kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon. Malapit na siya maging senior citizen. Wag na lang.
"Iwan ko sayo bata ka. Baka malalaman ko na lang may anak ka na sa susunod na taon." anito.
Napahalakhak ako sa sinabi niya. Comedy bar talaga itong si Aling Linda. Paano ako magkakaanak eh wala nam..Napahinto ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Nix. Na malamig itong nakatitig sakin habang nakakunot ang noo. Tila may ginawa akong kasalanan.
Huh? Bakit ko siya naisip? Ay oo nga! Inaraw-gabi nga pala niya ako. Di malabong di kami makabuo. Napalunok ako sa naiisip. Ilang buwan din nang nagsimulang may nangyari sa aming dalawa. Di naman ako nabubuntis. Baka mahina lang talaga sperms niya.
Tama! Tama ka, Lory. Napatango ako sa sagot ni brainy.
"Hoy! Gutom na ako. Bakit tayo huminto at tumango-tango ka pa dyan?"
Napalingon ako kay Aling Linda na masungit aking tinaasan ng kilay. Natingin-tingin ako sa paligid at tama nga siya. Huminto nga talaga ako. At dahil nga huminto ako, huminto na rin siya. Hay naku!
"Ay! Pasensiya may iniisip lang. Ikaw naman kase, Aling Linda eh." Pagsisisi ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang mukha niya at nagsimula naglakad tila gusto niya aking Iwan na bilad na bilad sa araw. Nakangiti akong humabol sa lakad niya at inangkla ang braso sa braso niya pero kinurot niya ito kaya napabitaw ako.
Napanguso ako. "Sungit nito. Kaya walang boyfriend eh."
"May sinabi ka?" Masungit niyang tanong.
"Wala, Aling Linda. Tara na nga. Gutom na gutom na ako."nakangiti kong sabi.
Napalinga-linga ako. Naghahanap ako ng makakain. Yung mura lang sana. May nahanap naman ako at akmang ituturo ko ito, hinila na ako ni Aling Linda papunta sa favorite karenderya niya. Napakabuga ako ng hangin dahil medyo mahal ang ulam nila. Ang arte kase ni Aling Linda. Gusto niya yung may nagseserve. Kaloka! Aminin na lang kaya niya na tipo niya yung shy na kasing edad niya na lalaki? Sus!
"Dito tayo."
"Opo. Ang pogi ni Manong Dodong ngayon. Bagay kayo, Aling Linda." tukso ko sa kanya habang papalapit kami sa kinaroroonan ng mga panindang ulam kung saan ay si Manong Dodong ang nagseserve.
Tumikhim sa tabi ko si Aling Linda tila tinatago ang kilig. Mga matatanda nga naman.
"Telege, Lory?"
Kumunot ang noo ko.
"Naging bebe ka, Aling Linda? Anong nangyari?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nawala agad ang ngiti niya sa labi at muntik na niyang ipalo sakin ang nakatiklop niyang payong kundi lang tinawag ang pangalan niya ni Manong Dodong.
"Ikaw pala, Linda."
Ito na naman tayo. Umirap ako at sumunod kay Aling Linda na parang ewan sa harap ni Manong Dodong. Oks lang. Libre niya naman. Ang mahalaga di ako eepal sa kanilang dalawa. Tamang nganga lang sa tabi tabi.
Gusto ko na tuloy makita si Nix.