"Uy, Cass. Tampo ka pa rin?" tanong ko, sabay kinalabit si Cassandra, na nakataas pa rin ang kilay at tahimik na nakatanim ang mga braso sa kanyang dibdib. Alam kong napikon siya sa balitang ikinasal na ako at may anak na rin, at hindi ko man lang siya naabalan noon para magpaalam o magbigay ng kahit anong clue. "Ikaw ha, Lory. Magsasawa ka sa sermon ko mamaya," sabi niya, pero may bahagyang ngiti na rin sa kanyang mga labi. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kakulitan ng best friend ko. Habang sinusuyo ko siya, biglang sumingit ang siraulong si Frozina, na kanina pang nagtatawa sa gilid. "Happy? Happy?" bulong niya, sabay kindat at mas lalong lumapit para lang mang-asar. Sinamaan ko ng tingin ang Frozina na 'to. "Ewan ko ba sayo! Bakit ka ba kase dumating, bruhang ka?" inis kong sagot h

