KABANATA 8 (Where are you?)

1162 Words
NEVEAH'S POV Pagka bangon na pagka bangon ko ay nag dasal na ako. Simula na ngayon ng visiting section week, sana naman maging maayos kami. "Good morning, self." bati ko sa aking sarili. Inayos ko na ang aking higaan at inihanda ang aking gagamitin para sa school. Uniform, bag, books at yung ibang gamit na kailangan ko. Pagkatapos ko itong ayusin at ihanda ay naligo na ako. --- "Morning, Sweetie. How's your sleep?" tanong ni Mama sa akin. "Maayos naman po, Ma. Kayo po?" balik tanong ko rito Napapansin ko kasing medyo maitim yung baba ng mata ni mama. Baka sinusumpong na naman yung insomnia niya. "Insomnia, Sweetie." Nakangiting sagot nito "Iniisip ka kasi ng Mama mo tuwing gabi, Sweetie." sagot naman ni papa "Bakit naman po?" "Baka daw kasi bigla ka nalang mawala." sagot nito Tinignan ko naman si mama na nakayuko. Mukhang may problema nga siya pero hindi nagsasabi sa akin. Baka iniisip na naman niya yung pamilya na naghahanap ng batang babae at iniisip niya na ako yung batang iyon. "Ma, huwag po kayong mag alala. Kayo parin naman po pipiliin ko kung dumating man po yung totoo kong pamilya pagdating ng araw." Nakita ko kung paano lumiwanag ang itsura ni mama pagkatapos ko sabihin yun. Mukhang yun nga talaga yung iniisip niya sa mga nakaraang araw. "Mag dasal na nga tayo." sabi ni papa Nag dasal at kumain na nga kami nang may masayang mukha at kwentuhan. --- "Good morning, Neveah." Bati sa akin ni Edward. Nginitian ko naman ito "Good morning, Ed. Si Joy?" tanong ko rito. Nandito kami ngayon malapit sa tapat ng section namin. Ilang classroom pa ang madadaanan bago ang namin marating ang Jadeite kung saan ang unang section na bibisitahin namin. "Nasa classroom natin." Sagot naman nito. "Napansin mo ba si Orion sa room natin?" "Wala pa naman ito nung dumaan ako sa room kanina." Sagot nito "Mukhang hindi na naman siya makakapapasok ngayon." saad ko. Hindi na kasi ito pumasok kahapon ng hapon, nagkaroon ata ng emergency nung tumawag ang mommy niya. "Baka nalate lang." "Baka nga. Anong section ba ang dadalaw sa room natin?" tanong nito. "Sa pagkakaalam ko ay Taaffeite ang section na dadalaw sa classroom natin." Sagot ko rito "Yung lower section?" "Hindi ko alam." Nag lakad na kami papunta sa section na pupuntahan namin. Nang makararing kami rito ay agad kaming umupo sa upuan na malapit sa bintana kung saan matatanaw ang field. Si Edward sa may bandang bintana at ako naman tabi nito. Sa kaliwang bahagi ng tabi ko ay bakante. Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom, makikita ko rito ang color coding na naka base sa section nila which is Jadeite kaya kulay light green ito. Malinis at maayos din dito gaya ng sa room namin. Ang kaibahan nga lang ay wala silang lagayan ng sapatos or foot rug. Sa section kasi namin ay mayroong lagayan ng foot rug kung saan isinusuot namin ito para maiwasang madumihan ang classroom namin. Idinagdag ito ni Aira sa rules ng classroom namin na sinangayunan naman ng lahat. May motto kasi kami na 'Students' responsible action is their own responsibility' kaya talaga pinapanatili namin nag kaayusan at kalinisan sa room namin. "Good morning, Students." Napalingon kami sa harap nang biglang may nag salita. Si Mr. Tejada lang pala, ang english prof namin. Mukhang ito ang first subject teacher nitong section na ito. "How's your morning?" Tanong nito sa amin "Good, Sir." sagot ng hindi ko kilalang estudyante Galing siguro sa section na ito yung sumagot. Hindi ko kasi nakikita ito sa classroom namin. "it looks like you are complete, we will start our-" Naputol ang sasabihin ni Sir nang biglang pumasok si Curt. Mukhang sito siya inassign ni Ma'am Descańo. "Good morning, Mr. Ferrer." bati nito sakanya "Morning." sagot nito nang hindi tumitingin at diretsong umupo sa upuan na katabi ko. "Now, we're going to discuss about Celebrating Diversity through World Literature. As far as I can remember we're already done with our recent topic." Ani nito. Pareho lang kasi ang itinuturo niyang topic sa section namin at sa ibang section sa loob ng isang araw. Nag patuloy ang pag d'discuss ni Sir hanggang sa matapos ang first set ng topic namin. "That's all for now. Our next meeting will be the next part of our topic. See you on other section, Painite. Good bye" pamamaalam nito. Nang makalabas si Sir ay nag ingay ang section ng Jadeite. "Ang popogi nung mga lalaki si Painite, Girl!" "Oo nga. Lalo na yung lalaking nalate." "Gaga! Si Curt yan. Anak ng may ari ng school na 'to." "Mukhang masungit pero ang pogi talaga." "Ang ganda nun pre oh. Yung katabi nung nahuli kanina" "Anghel na anghel, Pre." "Ang hinhin pa ng itsura." "Mag aral ka nang mabuti pre para maging ka-section mo yan" "Inspiration ba? Kailangan ko nga talaga niyan." "Tch." Napalingon ako sa katabi kong nalate sa klase. Mukhang naririnig niya rin yung mga sinasabi ng ibang section. "Bakit ako hindi nila sinasabihan na pogi? Tabi nga dyan Neveah, nahaharangan mo ang ka-gwapuhan ko." singit naman ni Edward. Mukhang naririnig niya rin yung mga sinasabi nila. "Hi Neveah" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Ito yung lalaking kasama nung nakausap ko kahapon sa may entrance ng school gate sa may waiting shed. Kunot noo ko siyang tinignan, hindi ko kasi alam ang pangalan niya. "Kaklase mo ako pero hindi mo matandaan ang pangalan ko? Ang sakit naman sa heart niyan." nakangusong sagot nito. "Sorry, hindi ko kasi talaga maalala yung pangalan mo. Ano nga ulit pangalan mo?" nakangiting tanong ko rito. "Drix. Drix Alonte nga pala." Inilahad nito ang kamay niya na para bang gustong makipag kamay sa akin. "Hello." bati ko rito at kinuha ang kamay niya. "Joe nga pala." biglang sagot naman nung katabi niya. Kasama rin nila yung humiram sa akin ng five hundred kahapon. Mukhang busy ito sa pag pipindot sa cellphone niya "Si Sean yan. Humiram ng five hundres sayo kahapon pero hindi nag pakilala" Singit naman nung Joe. "Ah oo nga pala. Nice meeting the three of you." sagot ko sa mga ito. "Papa mo ba yung sumundo sayo kahapon?" tanong ni Drix "Oo eh." sagot ko rito "Ang yaman niyo pala." saad nito Bigla akong nahiya nung sinabi nilang mayaman kami. Sila papa at mama amg mayaman "Ahmm...hindi naman." "Tigilan niyo na yan mga, Tol. Naiilang talaga yan si Neveah pag siya yung pinag uusapan." sagot ni Edward. Tama naman siya. Maraming pwedeng pag usapan at kung maaari ay iwasan yung ako yung topic namin ng kausap ko. Hindi ko kasi alam yung isasagot ko eh. "Sorry Neveah." Pag papaumanhin ni Drix "Ang daldal mo kasi, Bro." Sagot naman ni Joe. Tinawanan ko nalang sila. Parang nakikita ko kasi si Joy at Edward sakanila. "Molestus." rinig kong bulong ni Curt which means annoying. "Quare?" tinatanong ko ito kung bakit. "Sic Aes" sagot naman nito. Mukhang hindi siya sanay sa maiingay. "Put your earphone." Sabi ko sakanya. Ginawa naman nito ang sinabi ko. Nilagay niya ang kaniyang earphone at umubob sa kanyang desk. Mukhang matutulog ito sa lagay niyang yan. "Good morning, everyone." bati ni Ma'am Carranza, ang aming TLE teacher. "Good morning, Ma'am." bati namin rito. Kinulbit ko nang mahina si Curt para magising. Mukhang hindi niya kasi nararamdaman yung presensya ni Ma'am Carranza. Iminulat naman nito ang mga mata niya at tumingin sa akin. Itinuro ko sa harap kaya umupo naman ito at inalis ang nakalagay sa kaniyang tenga. "Hi there, Mr. Ferrer. Nice meeting you, finally." bati ni ma'am rito. Hindi naman ito pinansin ni Curt. Mukhang kilala na nila si Curt bago pa man ito pumasok dito sa school. "Dapat ngayong araw sana ang pag pipilian niyo ng inyong special track. Kaso lang nagkaroon naman ng meeting yung ibang teacher na under sa subject na ito. By next week siguro ay maaayos na ito. Sa ngayon babalikan muna natin yung mga pinag aralan niyo nung third year kayo. Which is yung mga tools and utensils and safety procedures na makikita niyo sa iba't ibanh workplace." itinuloy pa ni Ma'am Carranza ang kaniyang mga sinasabi. Nakinig lamang kami sa kaniyang pag d'discuss hanggang sa matapos ang time period niya. At ngayon naman ay breaktime na, thirty minutes break lang ang amin kaya medyo matagal tagal din ito. "Neveah, sasabay daw pala sa atin si Joy, bilin niya kaninang pagkapasok namin." paalala ni Edward. "Pupuntahan ba natin o siya na ang pupunta dito?" tanong ko rito "Puntahan nalang natin." sagot nito "Baka sakaling nandun din si Orion." Nilingon ko naman si Curt na hindi parin gumagalaw. Wala atang balak mag break ito. "Wanna go with us?" tanong ko rito. Baka kasi hindi nakakainindi ng tagalog eh. English speaking kasi siya diba. Humarap naman ito sa akin at tinignan lang ako nang bigla niyang kinuha yung phone niya at nag type ng kung ano dun. Pagkatapos ng ginawa niya ay humarap ulit ito sa akin at tumango. Mukhang nag paalam pa ito bago sumagot sa tanong ko. "Yeah." Nag lakad na kami papunta sa classroom namin kung saan susunduin namin si Joy. Nang makarating kami rito ay matamlay ito "Anong nangyari?" tanong ko rito. "Iniwan niyo ako eh. Hindi pumasok si suplado tapos kayong dalawa nasa ibang grupo pa. Wala tuloy akong kadaldalan." nakangusong sagot nito Bakit kaya hindi pumasok yun? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD