EDWARD'S POV
They say, the person who's smiling the most is the most problematic person too. Naniniwala ako sa kasabihan na yan dahil may kilala akong taong nagpapatunay na totoo ang kasabihan na yan. She's with me ever since we're kids, kaya malalaman at malalaman ko kung may nag bago sakanya. I'm inlove with her since we became bestfriends, but afraid to tell her dahil narin sa matagal naming pinagsamahan. Right now, pinapanood ko na lamang siyang nakikipag usap sa ibang kaklase namin. Smiling in front of them pero deep inside I know na pinoproblema niya rin yung pinoproblema na kinakaharap ng mga kinikilala niyang magulang ngayon.
"Hoy, Unggoy! Nagugutom na akooooo~" ani nito na nakanguso. Ganito naman ito araw araw, yung stress, problems and sadness niya ay idinadaan niya lang sa pagkain.
"Wala sa akin ang pagkain, baboy." sagot ko rito kaya mas lalong humaba yung nguso niya. Pissing her off is my hobby, cute niya kaya
>_>
"Neveah! Poging Nerd! Tara kain na. Ayaw akong samahan ni Unggoy eh."
"Mamaya pa ang break time, Joy. Baka mahuli tayo sa labas." Ani ni Neveah. Itong babaeng ito, napaka amo ng mukha. Kung anong itsura at ugali ni baboy, kabaliktaran naman ito kay Neveah. Maganda siya, matalino at mabait. Parang santo kumbaga, pero mararamdaman mong hindi ito mahilig maki halubilo sa ibang tao.
"Hindi ka ba nagugutom, Poging Nerd?" tanong nito kay Orion. Hindi naman siya nito pinansin at humarap lang ito kay Neveah.
"Suplado!" sigaw nito.
Kung si Neveah ay parang isang santo, iba naman ang kay Orion. Mararamdaman mo talagang may itinatago ito. Hindi nito binabanggit ang last name niya, hindi rin nito sinusulat ang last name niya at hindi ipinapakita ng mga guro kung anong last name niya. Pribado kumbaga, dahil nung nakaraang araw, hindi ito sumipot sa klase ngunit napansin kong pumasok ito sa Principal's office kaya't naisip ko nalang na baka may ipinagawa ang Principal sakanya.
"Orion, tinatanong ka ni Joy." tapik ni Neveah ksa balikat Orion.
"Hindi ako pa gutom." tipid na sagot nito.
"Aba! Bakit ikaw lang kinakausap niyan, Nevssss. Ang daya naman!" pag rereklamo ni baboy.
"Pasensya na, Joy. Hindi ko rin alam kung bakit eh." nahihiyang ngiting sagot nito.
"Maingay ka kasi, baboy. Baka ramdam niyang masama ang dulot mo sakanya kaya hindi ka kinakausap." simpleng sagot ko naman sa tanong niya
"Kapal naman ng mukha mo. Sa ganda kong ito? Masama ang dulot? Kapal talagaaa!" sigaw nito sa mukha ko.
"Panget mo kaya. Kailan ka ba naging maganda?" pang aasar ko dito. Kumunot ang kilay nito at inirapan ako.
"Basta maganda ako, sabi ng nanay ko."
"Ayaw lang talaga ni tita na umiyak ka kaya sinabihan ka ng maganda. Mother doesn't want to hurt their child, ika nga nila. White lies ang sinabi ng nanay mo, baboy." sagot ko dito. Nagsi tawanan naman sila Orion at Neveah. Mukha kasing handa nang sumugod sa gyera ang baboy na 'to.
"Maganda kaya ako! Ki-niss mo nga ako nung bata tayo eh. Sabi mo pa 'dwanda mwo'." sabi nito na may boses bata
"Mukha mo. Nananaginip ka lang kaya." sagot ko rito. Totoo yung sinabi niya tungkol sa sinabi ko. Maganda ito pero pag sinasabihan ito na maganda ay lumalawak ang ngiti nito na mas ikinatatakot ko. Mukha siyang yung sumasanib na ispirito sa truth or dare na panood.
"Hindi ka-" naputol ang sasabihin nito nang may biglang nag salita sa harap.
"Ms. Buro, sit down." Utos ni Ms. Descaño kay baboy.
Natawa ako dahil sa mukha ni baboy pagka upo nito. Halatang asar na asar ang mukha niya dahil sa pagka putol ng sasabihin nito.
"Lagot ka sa akin mamaya unggoy ka" sabi nito sa mahinang boses.
"two weeks na ang nakalipas simula nung nag simula ang klase. Siguro naman may mga ka close or something na kayo dito sa loob ng class room natin?" tanong ni ma'am.
"Yes, Ma'am." sagot namin
Halos lahat naman dito sa loob ng classroom ay magka kaibigan. Tapos yung isa naman feeling close, kilala niyo na kung sino yan. Siya lang naman yung epal sa istoryang ito.
"Mag kakaroon tayo ng visitation each section. Ang kalahati ng section na ito ay mapupunta sa ibang section. Sa isang araw ay papasok kayo sa ibang section, then next day sa ibang section ulit. So, dahil may five sections ang 4th year high schools, matatapos din ito ng isang linggo, by next monday ay babalik kayo dito sa classroom. Naintindihan niyo ba?" Tanong ni Ma'am sa amin.
Kumbaga bukas, sa ibang section kami papasok. Then next day, sa ibang section ulit, so on and so fort. It will end by friday dahil monday ngayon. Next monday ay dito na ulit kami sa classroom namin.
"Why do we need to do that, Ma'am?" tanong ni Orion.
"Mr. F- I mean Mr. Orion, kailangan ito para maranasan niyong mapunta sa ibang section and to understand and also help them. Ganun din ang mangyayari sa ibang section, hahatiin nila ang section nila at mag vivisit din ang mga ito sa iba't ibang section." pagpapaliwanag ni ma'am kay Orion.
"Ganun po ba? Anong section po ang mauunang bibisitahin, Ma'am?" balik tanong nito.
"Ganito, dahil kailangang kalahati lang ang mag vivisit sa ibang section, ang kalahati naman ay maiiwan dito para maiwelcome ang mga student sa ibang section na mag vivisit dito. Ngayon ay mag bibilang muna tayo bago ko sabihin ang sunod sunod na section na bibisitahin niyo. Mag bilang kayo ng 1 and 2. Hep! Hep! Walang maglilipatan ng upuan." pigil agad ni ma'am sa mga kaklase naming tumayo na para maglipat lipat ng upuan.
Nagsimula nang mag bilang ang mga kaklase namin. Natapos ito mga ilang minuto pa ang nakalipas
"Hoy, Unggoy! Anong number mo?" tanong ni baboy sa akin.
"Ano bang number mo?" tanong ko rito.
"1 ako eh." tipid na sagot nito
"Kung 1 ka edi 2 ako. Hindi ka ba nag bibilang o sadyang bulag ka lang talaga? Mag katabi tayo oh."
Magkatabi lang kami ng upuan pero kung makatanong akala mo nasa ibang sulok ako ng room ah.
"Buti naman hindi kita kasama sa grupo. Nakaka sawa yang pag mumukha mo eh." sagot nito
"Ako nga dapat ang mag pasalamat dahil hindi ko makikita yang pagmumukha mo." balik na pang aasar ko dito.
"Hmp. Ewan ko sayo!" irap nito sa akin at humarap kila Neveah at Orion na nasa harap lang ng upuan namin. Pustahan, dadaldalin niya na naman itong dalawang 'to.
"Ikaw, Nevs? Anong number ka?"
Oh diba, sabi ko sainyo eh.
"Number 2 ako, Joy." nakangiting sagot nito
"1 ba si Suplado?" tanong nito sabay nguso kay Orion. Ito namang si Orion ay walang pakialam at nakaharap lamang sa libro.
"Oo eh."
Minsang may pagka tanga talaga itong si baboy, kung 2 si Neveah edi dapat alam niya nang 1 si Orion. Hindi talaga nag iisip
"Mag kagrupo kamiiii, Nevsss." Masayang ani nito na animo'y excited sa mangyayari. Mukhang may balak itong baboy na 'to ah.
"Kaya nga dapat mag kasundo na kayo. Isang linggo din kayong maiiwan na mag kasama."
"Hmm" nasabi na lamang ni Orion.
"Suplado talaga." bulong naman nitong baboy na 'to. Ayan kasi eh, napaka papansin mo kasing baboy ka. Hindi ka matitipuhan niyan, kay Neveah lang nakakapit oh.
"Tapos na ba ang counting niyo class?" Tanong ni Ms. Descaño.
"Opo, Ma'am" sagot namin.
"Ganito ang mangyayari. Ang mga group 1 ay maiiwan dito sa classroom para sila ang bahalang mag bantay at mag welcome sa mga students na manggagaling sa ibang section. Ang group 2 naman ang mamamasyal sa ibang section. Naintindihan ba?"
"Yes, Ma'am."
Sana pala group 2 nalang ang nag stay dito sa classroom. Masyadong nakakatamad magpalipat lipat ng classroom sa loob ng isang linggo.
"First Day ay Painite-Jadeite, Second day ay Painite- Allanite, Third day ay Painite-Tanzanite and the last day will be Painite-Taaffeite. Basta tandaan ha? Jadeite, Allanite, Tanzanite and Taaffeite. Yan ang pagkakasunod sunod ng mga section na ivivisit niyo. Dahil next time, neighborhood Academies na ang bibisita dito school natin." ani ng aming pinakamamahal na guro.
"One more thing, the most friendliest section ay may matatanggap na extra points for your upcoming physical activity which is unknown pa. Kaya do your best, okay?" dagdag ni Ms. sa sinabi niya.
"Yes Ma'am." sabay sabay na sagot namin.
Sayang din yung extra points, dagdag din grades ito kaya hindi dapat binabalewala.
"Okay, wait for your breaktime. Babalik lang ako sa office." paalam ni ma'am sa amin.
umalis na ito kaya nakapag usap usap ang mga kaklase namin patungkol sa magiging visit week.
---
JOY'S POV
Yo! Kilala niyo naman na siguro ako. Joy maganda, pinakamaganda sa balat ng lupa. Nag iisang asawa ni Bright Vachirawit Chivaaree may byutipowl hansom hasban. Charr lang, baka pag lamayan ako pag labas ng bahay school namin. Well, anyways nagugutom na ako. Lunch time na ngayon pero itong unggoy na ito ang kupad kupad talaga, dinaig pa ang sloth sa sobrang bagaaaalllll. Nakaka urat siyang kasama, parang tamad na tamad sa buhay eh.
"UNGGOYYY! ANG TAGAL MO NAMANNN! NAGUGUTOM NA KAMI OH. BAKA ABUTIN TAYO NG GABI SA SOBRANG KABAGALAN MOOOO. TANGHALING TAPAT ANG BAGAL MO GUMALAW!" sigaw ko dito. Nakakainis eh, nag rereklamo na yung mga alaga kong buwaya sa tiyan nang dahil sa kakupadan nito.
"Mag hintay ka baboy. Napaka patay gutom mo kasi, dapat sayo nag d'diet eh. Ambaboy na nga ng itsura mo, ambaboy pa ng galaw mo, ambaboy pa ng amoy mo at ambaboy baboy pa ng bibig mo. Nasa iyo na lahat ng kababuyan." Inggil nito sa akin. Hanep itong unggoy na ito ah. Sa haba nang sinabi niya, sana inilaan niya nalang sa paggalaw niya. Kakupad kasi
"Nahiya naman sayo. Pangit na nga itsura mo, pangit pa ugali mo, pangit pa yang pangalan mo, pangit pa yang katawan mo, pangit pa yang...yang ano mo!" Sigaw ko sa mukha nito. Bahala siya dyan! Nang iinis siya eh gutom na gutom na ako.
"Tumigil na nga kayo. Hindi maganda ang nag aaway pag ganitong oras or kahit na anong oras. Have a peace of mind and talk nicely, people might get the wrong idea and think of it as a foul one." Pag awat ni Neveah sa amin. Kahit kailan talaga napaka hinhin ng babaeng ito. Perfect ideal type of girl pero hindi sila bagay ni suplado. Pangit ugali ni suplado eh, hindi namamansin.
"Si Baboy kasi." Ani nitong unggoy na 'to.
Ako pa talaga sinisi. Apaka kapal ng mukha ah
"Stop arguing lalo na pag magsisimula na kumain. Give respect to the food, nakakalimutan niyo ata yun dahil lagi nalang kayong nag aaway." ani ng mahal na diwata. Shet! Ganda talaga ng babaeng ito, when ba ako magiging kasing ganda niya?
"Let's go. Let them do what they want" hinablot na ni suplado nag kamay ni Neveah at iniwan kami dito. Himala atang nag salita yun?
"Ayan. Papatol patol ka pa kasi sakin, iniwan tuloy tayo. Bahala ka nga dyan, ang kupad kupad mo kasi eh kanina pa kami gutom." iniwan ko narin si unggoy ay sumunod sa dalawang kaibigan namin. Kaibigan nga ba? Si Nevs lang ata kaibigan namin eh. Mataray kasi yung isa, akala mo naman babae.
----
NEVEAH'S POV
"Bless us, O God. Bless our food and our drink. Since you redeemed us so dearly and delivered us from evil, as you gave us a share in this food so may you give us a share in eternal life. In Jesus name we pray, Amen." pag banggit ko sa huling linya ng dasal. Ngayon lang kami makakapah lunch dahil may ginawa pa si Edward kanina sa classroom.
"Kuha lang kayo sa ulam ko. Niluto ni Mama yan, pinadamihan ko na para may kasalo ako." sabi ni Joy. Kukuha na sana si Edward nang biglang tapikin ni Joy ang kamay nito.
"Maliban sayo, nang aaway ka eh." Sabi nito
"Damot talaga nitong patay gutom na 'to."
Ito yung isa sa pinaka ayaw kong marinig habang kumakain. It's not that ayoko, parang hindi lang magandang pakinggan kasi kakain kami tapos may mag aaway.
"Both of you should get another table. Give respect to the foods and also to the people infront of you. Hindi lang kayong dalawa ang nandito." Sabat ni Orion sakanila. Nag susungit na naman ito sa harap nila.
"Supladp talaga." bulong ni Joy.
"Sama kasi ng ugali mo. Kukuha na ako ah, bawal daw madamot." sabi ni Edward. Bago pa man makaangal si Joy ay nakakuha na si Edward ng chop suey na ulam ni Joy.
Napatawa nalang ako dahil sa inaasal ng mga kasama ko. Itinuloy na naman ang pagkain nang may narinig kaming tumutunog na phone, hindi sa akin dahil hindi naman ganun ang ringtone ko.
"May tumatawag ata sa cellphone niyo."
"Hindi sa akin." Joy
"Hindi din sa akin." Ani ni edward
Tinignan namin si Orion na nananahimik habang kumakain. Mukhang hindi nito napapansin ang phone niya
"Orion, yung phone mo." tawag ko dito
"Ha? Ah. Saglit" pinunasan muna nito ang labi niya bago niya sagutin ang tawag.
"Hello Mom, kumakain kami ng mga kasama ko." bungad na sagot nito
"Now? May klase pa ako mamaya."
Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.
"Yeah, I'll be there. Bye" sabay baba nito sa phone niya. Inayos na nito ang gamit niya at tumayo.
"Mauna na ako, pinapatawag ako ni Mommy. Baka hindi ako makapasok mamayang hapon. Take care, Biya." at agad na umalis ito.
May nangyari ba?
Saan naman kaya pupunta yun?
----